Part 28

3K 95 4
                                    

TINAKBO nila sa pinakamalapit na ospital si lolo Florence. Labis ang kaba ni Reira. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa takot para sa kaligtasan nito. Maging si lolo Ambo ay nataranta. Pero siyempre ay hindi siya pumayag na sumama ito sa ospital. Mag-i-isang taon pa lang kasi ang nakararaan nang tinangka nilang itakbo si lola Tisay sa ospital pero huli na ang lahat. May trauma ang lolo niya sa ospital. Sa huli ay pumayag si lolo Ambo na magpaiwan pero siguruhin daw niyang tatawag siya kapag nasa ospital na sila.

Hindi sila nag-uusap ni Simon Ker hanggang sa maipasok sa emergency room si lolo Florence. Pareho silang takot at taranta pero sigurado si Reira na mas higit pa sa nadarama niya ang nararamdaman ng binata sa mga sandaling iyon. Habang nasa labas sila ng E.R ay ni hindi huminto sa pagpalakad-lakad si Simon Ker. Nakatiim ang bagang at mariing nakakuyom ang mga kamao na halos mamuti na ang mga iyon. Mukha itong iiyak na sisigaw na hindi mawari ni Reira. And seeing him like that is breaking her heart.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa lobby bench nang may lumabas na nurse mula sa ER. Agad na lumapit si Simon Ker sa nurse at ganoon din ang ginawa ni Reira. "Kamusta ang lolo ko? Anong nangyari sa kaniya?"

Tila nagmamadali ang nurse at nagpatuloy sa lakad takbo nang sumagot. "Na-stroke siya!" Pagkatapos ay nawala na sa paningin nila ang nurse. Naiwan silang dalawa doon.

Tuluyang naluha si Reira. Pagkatapos ay napasinghap nang bigla na lamang suntukin ni Simon Ker ang pader at marahas na umungol na tila mabangis na hayop na nagdudusa. Nilapitan niya ito. "Simon Ker," usal niya at hinawakan sa balikat upang sana ay aluin. Pero nabigla siya nang pumiksi ito at marahas na bumaling sa kaniya.

Napaatras si Reira nang makitang nagbabaga sa galit at frustration ang mga mata nito. "Ito ang dahilan kung bakit umpisa pa lang ay ayoko nang hanapin ni lolo Flor ang mga taong hinahanap niya. Dahil sa likod ng isip ko ay sigurado akong hindi magiging okay ang lahat. That something will definitely go wrong because nothing in my life ended well. Pero ikaw... ikaw ang may sabi na magiging okay ang lahat. You were the one who encouraged him to do this stupid search for a woman who is already dead! Tingnan mo ngayon kung ano ang nangyari kay lolo? Nasa bingit ng panganib!" sigaw ni Simon Ker.

Namilog ang mga mata ni Reira at hindi naitago ang naramdamang sakit sa mga sinabi nito. "S-sinisisi mo ba ako sa mga nangyari? Na ako ang may kasalanan kung bakit nasa loob ngayon ng Emergency Room si lolo Florence? Because I encouraged him to look for his first love?" manghang tanong niya.

May kumislot na ugat sa panga ni Simon Ker at hindi napalis ang apoy sa mga mata. "Kung hindi niya nalaman na patay na ang lola mo, hindi siya aatakehin ng stroke. Na hindi niya malalaman kung hindi siya nagtagumpay matunton ang lolo mo –

"Na hindi niya malalaman kung hindi niya ako nakilala. Ganoon ba iyon?" mapait na putol niya sa sasabihin nito. Tumiim ang mga labi ni Simon Ker. Hindi sumangayon pero hindi rin itinanggi ang kanyang sinabi. Parang tinarak ng punyal ang puso ni Reira. "Ang unfair mo naman," garalgal na usal niya. Sobrang sama ng kanyang loob. "Nagsisisi ka ba na nakilala ako ni lolo Florence? Nagsisisi ka rin ba na nakilala mo ako?"

Tila inis pang napabuga ng hangin si Simon Ker at marahas na nasuklay ng mga daliri ang buhok. Tinalikuran siya nito at tumaas baba ang mga balikat na para bang kinokontrol nito ang emosyon. "You should leave," sabi nito makalipas ang ilang sandali.

"What?" manghang nabulalas niya habang nakatitig sa likod ng binata.

"Just go. Leave me alone," bulalas ni Simon Ker.

Nahigit ni Reira ang paghinga at pinigilan ang pag-alpas ng sama ng loob niya sa nagiging pakitungo nito sa kaniya. Akala niya ay okay sila ng binata. Akala niya ay nagkakaintindihan sila, na mayroon silang espesyal na koneksyon. Na may hinaharap ang namamagitan sa kanilang dalawa. Pero kung ganoong sinisisi siya nito sa mga nangyayari ay anong hinaharap ang mayroon sila?

Parang may lumalamutak sa puso ni Reira at kinailangan niyang lumunok bago nagawang magsalita. "Fine. Goodbye," garalgal ang tinig na sabi niya. Ilang sandaling nanatili siyang nakatayo roon, nakatitig sa likod ni Simon Ker at sinasabi sa isip na lingunin lang siya ng binata ay hindi siya aalis at iintindihin na lamang ang pagsilakbo ng emosyon nito.

Pero hindi tuminag ang binata. Mas masakit ay tumango pa ito kahit nakatalikod at sinabing, "Goodbye."

Kinagat ni Reira ang ibabang labi upang pigilan ang hikbi. Pagkatapos ay tuluyan na rin siyang tumalikod at malalaki ang mga hakbang na naglakad palayo kay Simon Ker.

BUMALIK siya sa bahay ng kanyang lolo. Kakatok pa lamang sa pinto si Reira ay bumukas na iyon at sinalubong siya ni lolo Ambo na halata sa mukha na sadyang naghihintay ng balita tungkol kay lolo Florence. "Kamusta siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.

Nanginig ang mga labi niya at hindi na napigilan ang pagalpas ng kanyang mga emosyon. Para bang ang adrenaline na nagpapagana sa kaniya kanina sa ospital ay napalis. Napahikbi siya at tuluyang pumasok ng bahay. "Lolo."

Niyakap siya ni lolo Ambo at hinaplos ang kanyang buhok. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at umiyak. "Hush, baby. Alam mong natataranta ako kapag umiiyak ka sapagkat bihirang may bagay na nakakapagpaiyak sa iyo. Anong nangyari?" alo nito sa kaniya.

Niyakap niya ang kanyang lolo at sa pagitan ng pag-iyak ay sinabi ang nangyari kay lolo Florence. Maging ang inakusa sa kaniya ni Simon Ker. At dahil din doon kaya natagpuan niya ang sariling sinasabi sa matanda ang lahat ng nangyari mula nang personal niyang nakilala ang mag-lolo. Tahimik lamang na nakinig si lolo Ambo at mataman siyang pinagmamasdan. Nang matapos siya magsalita ay huminga ito ng malalim at hinagod ang kanyang likod.

"Napupusuan mo ang apo ni Flor?" Iyon ang unang mga salitang sinabi ng kanyang lolo.

Uminit ang mukha ni Reira na hinaluan ng kirot sa dibdib dahil naalala na naman niya ang mga sinabi ni Simon Ker. Pero tumango pa rin siya. "Naniniwala po ako na siya ang sagot sa wish na palagi kong hinihiling sa tuwing dumadalo ako ng simbang gabi."

Napailing siya at pagak na natawa. "Masyado nga yata akong optimistic. Paano matutupad agad ang wish ko e hindi pa naman tapos ang simbang gabi at hindi ko pa nakukumpleto? Ngayon nga ay galit pa siya sa akin. Kaya lang naman ako naging desidido na makita ni lolo Florence ang first love niya ngayong pasko kasi gusto kong ipakita kay Simon Ker na posibleng mangyari ang kahit ano basta naniniwala ka at taimtim mong hinihiling iyon. I want to show him a miracle. Para makita niya ang magic ng Christmas. I just want him to be happy."

Hinaplos ni lolo Ambo ang buhok niya. "Nadala lang siguro siya ng tensiyon sa nangyari sa kanyang lolo. Hayaan mo't ako ang magtutungo sa ospital mamaya upang tingnan ang kalagayan ni Flor. Kapag naging maayos ang lahat ay tiyak na mababatid ni Simon Ker na nasaktan ka niya."

"A-at paano po kung hindi na naging maayos ang kalagayan ni lolo Florence? H-hindi niya ako mapapatawad at magagalit talaga siya sa akin," garalgal na sagot ni Reira.

"Reira, hija. Huwag ka mag-isip ng ganiyan. Ngayon mo dapat ginagamit ang pagigng positibo mo. Naniniwala ka sa milagro, hindi ba? Kung ganoon ay maniwala kang magiging maayos ang lahat."

Nakagat niya ang ibabang labi at yumuko. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim at hinarap ang kanyang lolo. "Tama po kayo. Magiging okay siya." Hindi nga lang sigurado si Reira kung ganoon din ang mangyayari sa kanila ni Simon Ker.

Tumango si lolo Ambo at bahagyang ngumiti. "O siya. Dito ka na lamang matulog ngayong araw. Tawagan mo ang mommy at daddy mo. May mga damit ka pa naman sa silid na ginagamit mo kapag nagbabakasyon ka rito."

"Opo. Thank you lolo," usal ni Reira.

Tinapik ng matanda ang ulo niya. "Basta ang paborito kong apo."

Sa kabila ng lahat ay natawa siya. "Ako lang naman ang apo niyo eh."

Bahagyana rin natawa si lolo Ambo. Pagkatapos ay sandaling napatingin sa kawalan. Alamni Reira na nag-aalala rin ito para kay lolo Florence. Napalis ang kanyangngiti at napabuntong hininga. Pinagsalikop niya ang mga palad at mariingpumikit. Lord, please, sana maging okaysi lolo Florence

A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon