Part 13

3.4K 106 3
                                    


SA simbang gabi, kinaumagahan matapos ang nakabibiglang "blind date" ni Reira at Simon Ker ay muli silang nagkitang dalawa sa simbahan. Habang nagbabatian ang kanyang mga magulang at si lolo Florence ay nagkatinginan naman sila ni Simon Ker. Makahulugan ang naging palitan nila ng tingin. Marahil dahil pareho nilang naalala ang nangyari kagabi. Katunayan ay halos sabay pa silang napangiti na tila ba mayroong lihim na silang dalawa lamang ang nakakaalam. At ang katotohanang ngumingiti ang mga mata ng binata ay nagdulot ng nakakakiliting sensasyon sa dibdib ni Reira. Hanggang sa makapasok tuloy sila sa simbahan at nakahilera na ng upo sa isang row ay nakangiti pa rin siya.

Nang matapos ang misa, katulad ng kanyang nakagawian ay sandali siyang nanatiling nakaupo, pinaglapat ang mga palad, pumikit at saka taimtim na dinasal ang kanyang Christmas wish. Alam ni Reira na sa labas na siya hihintayin ng kanyang mga magulang at mag-lolo. Nang maalala niya si Simon Ker ay napatagal pa ang kanyang pagdadasal. Humiling din kasi siya para sa binata. Hiniling niya na sana'y unti-unti nang mapalis ang malungkot na alaala ng pasko para kay Simon Ker. Na sana ay may mangyaring milagro para rito sa taong iyon. Na sana ay matupad ang kung ano mang hilingin nito pagkatapos ng simbang gabi. Higit sa lahat ay hiniling ni Reira na sana ay may maisip siyang paraan para maging interesante ang paskong iyon para sa binata. Iyong tipong hindi nito makakalimutan.

Nagmulat siya ng mga mata at huminga ng malalim. Akmang tatayo na siya nang gulat napalingon sa kanyang tabi. Nakaupo pa rin pala roon si Simon Ker! Katunayan ay silang dalawa na lamang ang nakaupo sa row na iyon. Ilang pulgada lamang ang pagitan nilang dalawa at mataman itong nakatingin sa mukha niya. Na para bang kanina pa pinagmamasdan ng binata ang kanyang mukha. Nahigit ni Reira ang paghinga at napakurap. "Nandito ka pa pala? Akala ko lumabas ka na rin kasama ng parents ko at ng lolo mo," mahinang usal niya.

Nagkibit balikat si Simon Ker pero hindi nalis ang pagkakatitig sa mukha niya. "Hindi ko rin alam kung bakit. I just can't get up and leave you here alone, eyes closed, vulnerable and not aware of the people around you," sagot nito na tila naguguluhan din.

Sandaling nagkatitigan lamang sila at kahit na naguguluhan din si Reira sa sinabi ng binata ay may init namang humaplos sa dibdib niya na hinintay siya nito. Ngumiti na lamang siya. "Okay. Salamat sa paghihintay," mahinang sabi niya. Pagkatapos ay tumayo na siya. "Tara na. Siguradong hinihintay na nila tayo sa parking lot." Tumango si Simon Ker. Pagkatapos ay tumayo na rin at iginiya pa siya para maunang maglakad.

Halos paubos na ang tao sa loob ng simbahan pero marami pang tao sa labas. Karamihan ay nakatambay sa mga makukulay na stall ng mga pagkain at umiilaw na mga kung anu-ano. Magkaagapay silang naglakad patungo sa parking lot. Paminsan-minsan ay naglalapat ang kanilang mga braso pero walang nagtatangkang lumayo sa isa't isa.

A tingling sensation is stirring in Reira's heart. Iyong pakiramdam na parang may magandang mangyayari. It was a feeling akin to anticipation but sweeter. Iyong pakiramdam kapag Christmas Eve at nagbibilang ka na lang ng oras ay pasko na. O kapag mag-ba-bagong taon, kapag kinasasabikan mo ang pagpapalit ng kalendaryo na puno ng pag-asa na may mangyayaring masaya at bago sa buhay mo sa taong iyon. A promise of something wonderful about to happen: Ganoon ang nararamdaman niya habang nagkakabunggo ang mga braso nila ni Simon Ker.

Pagdating nila sa parking lot ay nakita niyang nakatayo na sa labas ng sasakyan nila ang kanyang mga magulang at masiglang kausap ni lolo Florence. Nahinto sa pag-uusap ang tatlo nang mapansing dumating na sila. "Well, sa Tisay's Restaurant na lang tayo magkita-kita," masayang paalam ni lolo Florence.

Huminto rin si Reira at Simon Ker sa paglalakad. Tiningala niya ang binata na nagkataong yumuko rin pala sa kaniya. Ang nangyari tuloy ay ilang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga mukha nang tingalain niya ito. Sandaling natigilan sila pareho. Pagkatapos ay ginulat siya ng binata nang ito ang unang ngumiti. His eyes are also softly smiling down at her. "Then, see you in a few minutes?" tanong nito.

A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon