Chapter 42

1K 31 0
                                    

Key's Point of View.

"Let us all welcome. The dearest owner of this school, Ms. Jennifer Ramirez-Guevarra!" bungad niya.

Nagpalakpakan kaming lahat. Hindi ko akalain na sya pala ang may-ari nitong paaralan. Madalas kong makita ang principal pero hindi sya. Mahaba ang kanyang buhok, may malalamig syang mata, nakapants sya at simpleng tshirt, may light make up ang kanyang mukha pero angat na angat talaga ang ganda niya.

Hinarap nya ang lahat gamit ang kanyang malalamig na mata. Hindi ko alam kung ano ang kanyang sasabihin.

"Good evening everyone. It's been years since I visited Claverion High. Ang daming pinagbago ng paaralan na ito. Pati rin siguro kayo," sabay ngiti. Mas maganda sya kapag nakangiti. "Hindi nyo ako nakikilala dahil matagal na rin noong nakapunta ako dito. But now I am here. I want to give you some inspirational messages na sana ay magamit nyo in the future."

Naupo ako sa pinakagilid na upuan. Mukhang matagal-tagal pa siguro bago sya matapos sa kanyang sasabihin. May kinuha syang mahabang listahan mula sa kanyang bulsa.

"Hmm... hindi ko na siguro ito kailangan," sabay tapon. "Mas maganda siguro kung galing mismo sa kaibuturan ng puso ang sasabihin ko sa inyo. Kung hindi nyo alam, sa paaralan na ito mismo ko nahanap ang aking napangasawa at hanggang ngayon kami pa rin. May isa na rin kaming anghel sa buhay namin at hinding-hindi ko sila kayang ipagpalit sa kahit na anong mamahaling bagay."

Napatingin ako sa mga tao. Napangiti sila habang sinasandal ang kanilang ulo sa kanilang katabi. Magjowa ata ang iba sa kanila.

"Kagaya niyo, nakapag-aral din ako rito at marami akong memories dito sa school. Dito ko natutunan ang ibig sabihin ng pagmamahal. Dito ko nalaman na masakit ang magmahal, may mga pagkakataon na pinagtatawanan natin ang sarili nating kamalian. Kapag natumba tayo, may mga taong handang mag-abot ng kamay para sa atin. Marami siguro sa inyo ang may pinagsisihan ngayon kasi hindi nyo ginawa ang dapat matagal nyo ng ginawa noon. May mga bagay na hindi na natin maaari pang ibalik, kaya kung ako sa inyo. Gawin niyo na ang gusto nyong gawin. Sabihin niyo na ang gusto nyong sabihin. At harapin nyo ang takot nyo ngayong gabi, dahil minsan lang itong mangyari. Aminin ang dapat na aminin at ito lang ang masasabi ko. May forever sa Claverion sa mismong paaralang ito. Maraming salamat and enjoy the night ladies and gents," sabay ngisi.

Nagsitayuan ang mga nakaupo sa likuran. Kasama sila sa Batch '47 pero hindi sila kaklase nila Trixie. Bumaba si Mrs. Guevarra habang inaalalayan sya ni Luke. Nakita kong kinausap ni Luke si Mrs. Jen, tungkol saan kaya 'yan?

"Minami," kalabit ni Fred sa blouse ko.

"Bakit ka andito? Diba dapat andun ka?" turo ko sa stage. "Kaya pala tumahimik bigla."

"Pasensya na. Kanina pa kasi ako najejebs. Ikaw muna dun," sabay bigay ng mic.

"Ano? Hoy, 'wag ka ngang magbiro dyan, Fred. Hoy!"

Sigaw ako nang sigaw pero tumakbo siya papuntang CR. TAKTE! Anong gagawin ko rito? Hindi ko alam kung paano ang pag-eemcee. Hindi ako magaling sa pagsasalita. Magkaiba kasi ang pakikipag-usap sa customers kesa sa pag-ho-host sa harap ng tao.

"What should I do about this?" bulong ko.

"Come on. Let's go and entertain those people," sabi niya.

Napalingon ako sa likuran. Nakita ko ang isang lalaking naka-tuxedo at nakatayo ang buhok. Simpleng suot pero angat ang kanyang kagwapuhan at kakisigan. Sinusuot nya ngayon ang isang mic piece. Bakit sya andito? Akala ko ba lasing sya kanina?

"Ba't ka andito? Bakit hindi ka nagpapahinga?"

Napatitig sya sa mga mata ko saka nya binaba ang kanyang tingin sa buo kong katawan. Ang awkward at medyo nakakabastos na rin pero bakit hindi ko pa sya sinasapak? Parang gusto ko rin ata ang mga tingin nya sa'kin.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon