Chapter 20

1.6K 53 5
                                    

20th Chapter

Keeyah's Point of View.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa living room. Nagpatuloy ako sa pag-aaral, nakakapagod pa naman kasi ang haba-haba na nang nalista kong mga names. Di ko pa rin maatim ang tignan pagmumukha nya. Lalo na't inaway nya ang bestfriend ko.

"Key, pansinin mo naman ako oh," kanina nya pa yan sinasabi sakin.

Wala akong planong pansinin sya sa ngayon. Sumasakit lang budhi ko. Naaalala ko kanina ang sinabi nya at rinig yun mismo nang dalawa kong tenga.

"I kissed her."

Di pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Luke. Walang hiya sya, he promised me before. Maybe they're right after all, promises are meant to be broken! Bakit ka pa gagawa ng promise kung di mo naman pala tutuparin? What a useless and lame excuse.

"Please, Luke, I'm trying to concentrate here," sabay hawak ng mahigpit dun sa ballpen.

"You're speaking in english, Key. You're mad," diin niyang sambit.

Binitiwan ko yung ballpen at itinuon ko ang buong atensyon sa kanya. Hindi ko maipinta ang itsura niya. Malulungkot ang kanyang mga mata ngunit nakangiti pa rin ito. Hindi ko maintindihan.

"What? Do you have to say something?" pagtataray ko.

"Wag mo nga akong matarayan, Keeyah."

Inirapan ko sya tsaka tinaasan ng kilay.

"Kung may gusto kang sabihin, spill it out already. Busy ako, Hauxx."

"I didn't mean to do that to Frost. Masyado lang akong nadala sa emosyon ko. Alam mo naman ang pakiramdam nang ganun diba?"

Kinuha ko ang lahat ng libro at notes ko saka sana ay papasok na sa kwarto. Kung ang usapan na ito ay papunta rin pala sa akin, mas mabuti pang hindi ko siya kausapin.

"May naiwan ka pa," sambit niya.

"That's not mine. It's Frost's," sabi ko at umakyat na sa kwarto.

Kailangan kong magconcentrate ngayon. I decided na magtatrabaho ako sa cafe bukas. Miss ko na rin kasi si Mrs. Choi at Ate P. Binigyan kami ng isang linggong pahinga ni Mrs. Choi nung nalaman nyang may upcoming exam kami sa preliminaries. Sana naman ay okay na si Frost. Ibabalik ko na lang ang mga libro niya bukas kung hindi niya kukunin.

After thirty minutes, I decided to rest and take a quick snack. Nilagay ko lahat ng binili ko kanina sa ref namin. Kailangan ko pa tuloy bumaba upang kumain.

I closed all my notes and books tsaka ako bumaba ng hagdanan. Nadatnan ko si Luke sa sala na nanonuod lang nang palabas sa TV. Tingnan mo 'to, napakamanhid. Yan talaga ang nagagawa ng heart aches e, nagiging kung sino ka kahit di ka naman talaga ganun.

Because in the first place, we create monsters in ourselves. At kasalanan natin yun, di dahil nadaanan natin ang mga iba't-ibang klaseng pasakit kundi ginagawa nating halimaw ang mga sarili natin sa kaloob-looban. Kaya minsan, marami din ang naaapektuhan.

Napailing na lang ako habang pinapanood sya sa ginagawa nya. Di nya parin ako napapansin kaya pumunta na ako sa kusina at binuksan yung ref. Kumuha ako ng maraming chichirya at puddings. Naalala ko tuloy si Frost, that's it. I have to text her para ipaalam na andito ang mga libro nyang naiwan.

Masaya akong bumalik sa kwarto ko nang mapatingin ulit ako sa sala kung saan nakaupo si Luke sa sofa... kanina!!

"Where is Luke?" bulong ko sa sarili.

Lumapit pa ako sa sofa para patayin yung TV. Baka lumabas lang saglit. Napatingin ako sa mesa at wala na ang mga libro ni Frost. Asan ang mga libro niya? Lagot ako pag nawala iyon dahil wala pa syang napag-aaralan.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon