Chapter 27

1.2K 23 1
                                    

27th Chapter


Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nabalitaan ko kagabi.


*tok tok tok tok*


"Ano ba! Nagbibihis pa ako," sigaw nya.


"Buksan mo kasi. Ang tagal mo. Nakita ko na ang lahat ng tinatago mo simula bata pa tayo!"


Hahahaha. Wala na syang nagawa kundi buksan yung pinto. Nakabihis na nga sya, naka-black leather jacket, pants and rubber shoes na sya. Pati gitara nya, all set na din.


"Bakit ba?" naiirita nyang tugon habang nagkakamot ng ulo.


"Totoo ba talaga na si Brett ang ano, ha?"


Tinaasan nya ako ng kilay. "Ano? I don't understand you, Key."


Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago muling nagtanong. "Totoo ba na si Brett ang fiancee ni Frost?"


"Oo, totoo," bumalik sya sa pagpasok sa kanyang kwarto. May kinuha syang papel dun tsaka nilagay sa bag nya. "Aalis na ako, bye."


Aba't!! Tinatalikuran nya ba ako? Sinundan ko sya ng lakad pababa ng hagdan at nagtanong pa ng nagtanong.


"Bakit di mo sinabi sakin agad?"


"Para saan pa? Guguluhin mo lang lahat."


"Hindi ako manggugulo. Gusto ko lang malaman yung totoo."


"Nalaman mo na, tumigil ka ba?"


Eeerr.. oo nga no? Hehehe. Pero hindi ako susuko. Nakakalabas na kami ng pinto ngayon, at sinundan ko din sya hanggang sa makarating kami sa motor nya.


"Kaya ba ayaw mong maging tempo boyfie ni Frost?" tanong ko ulit.


"Tempo boyfie?" taas kilay nyang tanong.


"Oo, as in temporary boyfriend."


"I told you, ayoko. That's my reason, ang kulit mo naman!"


Pinaandar na nya yung motor nya. Kakapit talaga ako kapag hindi nya ako sinagot ng maayos rito.


"Iiihhh, bakit ba kasi ayaw mo, Luke?" nanggigigil kong tanong.


Sinuot nya yung helmet nya tsaka binuksan yung cover. "... because I'm afraid to fall in love with Frost," sagot nya sabay paharurot ng motor sa kalsada.


Walang hiya talaga oh! Ganyan ba kabwisit pinsan ko? Tsk. Pati ako, hindi na nya sinasanto, e. jusmeyo!

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteWhere stories live. Discover now