Chapter 36

1K 28 0
                                    

Luke's Point of View.

"Let's get you home," I said in a condescending tone.

"Ayoko. Dito lang ako, kaya nga ako umalis kasi ayoko na sa bahay," sagot nya.

"Hindi ka pwedeng manatili rito. Hindi ka legal-"

"WALA AKONG PAKIALAM. MAY ASAWA NA NGA AKO OH!" sabay pakita ng singsing.

Engagement ring at pinapakita nya talaga sa akin. Lasing na lasing na si Frost at hindi na nya alam ang ginagawa nya. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao dahil sa katigasan ng kanyang ulo.

"Bitawan mo ako, Luke. Hindi kita kailangan," mahina niyang sabi.

Hindi ko sya binitawan. Mas hinigpitan ko pa lalo ang kanyang kamay habang pinapakinggan ang kanta ni Scythe. Pareho kami ng babaeng 'yon, drummer at bokalista pag kinakailangan.

"Hindi. I will not let you go this time," seryoso kong tugon.

Nagulat sya sa sinabi ko dahilan para malaglag ng hindi sinasadya yung bote ng alcohol.

"Tara. Let's get you home."

"Ayoko pang umuwi. Kahit saan basta't kasama kita," bulong niya habang sinubsob ang kanyang mukha sa jacket ko.

Dugdug dugdug.

Hindi na ito tama. May mali na talaga sa nararamdaman ko. Lasing na lasing na talaga sya. Lasing lang si Frost kaya nasasabi nya ang mga ganyang bagay ngayon. Bakit ba ang tigas-tigas ng kanyang ulo ha? Sinenyasan ko si Clove na lumapit.

"May ekstrang room ba sa taas?"

Tumango sya. "Oo, magpaalam muna kayo kay sir Jester."

"Magpapaalam ako mamaya. Give me the key."

Bumuntong hinga sya. "Just be sure na hindi ako malalagot kay sir. Maiintindihan nya naman siguro kayo. Naghiwalay ba ka-"

"Hindi. Hindi ko siya girlfriend," tsaka ko siya binuhat ng buong lakas.

Initsa ko kay Clove ang bag ko tsaka kami nagpunta sa taas. Nakatulog na ang malamig nyong prinsesa. Frost, bakit kaya Frost? Agad ko syang hiniga pagkatapos nang bigla nyang hinubad ang jacket nyang itim. Naka-sando lang pala sya sa loob. Mukhang nagmamadali talaga syang umalis kanina at hindi na nagbihis ng maayos.

"S-Stop it," sabi ko habang pinipigilan ang kamay nya. Napatingin lang siya sa akin at napahinto.

Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa sobrang kalasingan. Kahit anu-anong kabulastugan at kalibugan ang pumapasok sa isip ko dahil sa magandang hubog ng katawan niya. Sinampal ko ang sarili dahil sa aking mga iniisip.

"Tumigil ka nga, Luke," bulong ko.

"Luke," mahina niyang sabi.

"B-Bakit?" nanginginig kong sambit.

"Na-na-nasusuka ako."

Agad siyang nasuka sa harapan ko dahilan upang maging basahan ang napakaganda kong jacket.

"Shit."

Napatingin ako sa kanya. Nakakaawa syang tignan dahil sa sobrang pagsusuka kaya hindi ko magawang mainis. First time niya nga talagang maglasing.

"Frost, tss. Sabi ko naman sayo 'di ba."

"Wala kang sinabi agad."

Ginawa niyang pamunas ang maganda kong panyo na kinuha niya mula sa bulsa ko. Ayos lang, ako naman maglalaba.

Hinimas himas ko ang kanyang likuran nang biglang dumating si Clove na may dalang mainit na tubig at pamunas. May pamalit rin na damit. Agad namin siyang binalik sa higaan habang wala siya sa kanyang sarili.

"Sabi ni sir binigyan nya na ng white flower si Frost. Punasan mo na lang sya, tol," sabi nito.

"Salamat, Clove. Anong sabi ni sir Jester?"

"Wag ka lang daw gumawa ng masama sa babaeng 'yan. Kung hindi ko lang alam 'yang kalibugan mo, Luke," natawa niyang tugon.

"Shut up, Clove. Hindi ko 'yon magagawa sa kanya."

"Ay, ganun? Ako na ang magsasabi kay sir. Babalik muna ako sa trabaho."

Isinara niya ang pintuan tsaka ko sya pinunasan ng mabuti. Paano ko siya bibihisan nito? Pipikit? Tss, ayoko talagang humingi ng tulong sa babaeng 'yon pero bahala na.

Kinuha ko ang aking cellphone tsaka ko siya tinawagan.

📞 "Yo, wazzup?"

"Puntahan mo nga ako rito sa itaas. May ipapagawa lang ako sa 'yo."

📞 "Oks."

Naririnig ko na mula rito ang tunog ng malalaki niyang paa palapit dito sa loob.

*tok tok*

"It's me."

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang kanyang tiara.

"Ano 'yon?"

"Bihisan mo nga siya. Tapos lumabas ka agad," utos ko sabay labas.

"Hindi mo naman kayang panindigan ang pagka-playboy mo, e. Para kang bata Luke!" tawa niya.

"Bihisan mo na."

Tawa pa rin siya nang tawa sa loob. Ni-lock niya ang pintuan at lumabas din pagkatapos ng limang minuto.

"Ang tagal mo ha?"

"Ang laki pala ng ano niya no? Hahaha swerte mo- aray," reklamo niya.

Pinitik ko kasi sa noo.

"Don't blurt things like that. Thanks, Scythe."

Irap at ngiti lang din ang binalik niya sa akin. Lumuhod ako sa gilid ni Frost habang pinagmamasdan ang kanyang pagtulog. Hinaplos ko ang kanyang buhok na tinatakpan ang kanyang magandang mukha.

"Pasensya na, Frost. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko kasi mahal ka ng kaibigan ko. Ayoko ring masira kung ano man ang meron tayo ngayon."

"Luke," sambit niya.

Bigla siyang nagsalita na naging dahilan ng pagkagulat ko kaya lumayo ako ng konti sa kanya. Nakapikit pa rin pala siya, she's talking in her sleep.

"Wag mo 'kong iwan please. Dito ka lang sa tabi ko," hinawakan niya ang aking kamay at nakita ang singsing na kanyang suot.

Kawawang Frost, wala man lang akong magawa para pangitiin siya.

"Oo. I will be here, Frost," hinawakan ko rin ng mahigpit ang kanyang kamay.

Pasensya ka na, Frost pero may karapatan siyang malaman ang tungkol dito.

Binitiwan ko muna ang kamay ni Frost at kinuha sa bulsa ang aking phone. Tatawagan ko muna siya upang alagaan ka.

📞 "Bakit Luke?"

"Puntahan mo siya rito. Kailangan ka niya ngayon."

📞 "Magkasama kayo? Asan siya?"

"Sa Odies Bar. Aalis na rin ako pagkatapos."

📞 "I'll be there in a minute," ibinaba niya ang tawag.

Tinignan ko si Frost. Lumapit ako ng konti saka hinalikan ang kanyang noo bago umalis.

Goodbye, Frost.

-----

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon