Chapter 28

1.7K 50 2
                                    

Speechless...

Ganyan ako ngayon simula kanina, makalipas ang tatlong minuto. Nakatitig pa rin ako sa kanyang mga mata at ganun din sya sa akin.

"Ha?"

Napangiwi sya tsaka naglip bite. Omosh, that angle!

"Nevermind," he breathe. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Don't you have a work today?"

Napatingin ako sa aking relo. Hala, oo nga pala. Shit! Dali-dali akong tumakbo papunta sa kotse ni Frost nang bigla nya akong hilain paharap sa kanya.

"May trabaho pa ako!"

"Alam ko," he pulled my wrist and kissed me on my forehead.

Dugdug dugdug...

Goddamn it. Anong ginagawa nya sa akin? Is this how he treat his fake girlfriend? Binuka ko nang bahagya ang aking bibig para sana magsalita nang bigla nya akong itulak pagkatapos.

"Go!" matigas nyang sambit.

"Aalis talaga ako. Hindi mo naman ako kailangang itulak!"

Inismidan nya lang ako bago muling pumasok sa bar. Leche sya! Napaka-bully talaga. Ang harsh nya masyado! Ahuhuhuhu. Binalikan ko si Frost sa kotse habang iniisip pa rin ang kanyang tanong.

You are already falling for me, aren't you?

Yes, I already did fall in lo- AYOKONG AMININ!

Umiling-iling ako mag-isa tsaka winaksi ng todo todo ang bumabagabag sa aking isipan. Hay naku, Key, napaka assumera mo talaga. Isa pa, tanong nya iyon para sayo. Hindi nya naman sinabing mahal ka nya or ano.

Nadatnan ko si Frost na pinaglalaruan ang kanyang radyo. Kanta-kanta pa sya ng kanta nang wala sa tono. Jusko naman!!

"Ano ba yan, ang sakit sa tenga!" Sambit ko habang binubuksan ang pinto.

Napatingin sya sakin tsaka ngumit ng nakakaloko. Anong ibig sabihin ng ngiting iyan??

"B-Bakit ka ganyan?" Taka kong tanong.

"Wala lang. Kekekeke!"yung tawang pang-evil bestfriend talaga.

"Ano nga?"

"Wala nga sabi!"

"Ano nga? Sisirain ko talaga itong kotse mo, Frost!!" banta ko habang pinaglalaruan ang lock.

Haha takot nya lang no, ang mahal kaya ng kotseng ito. Pinanlakihan nya ako ng mata at sumuko rin sa wakas.

"Oo na, magsasabi na po ako!"

I stopped doing the childish thing sa sinabi nya. I stared at her and waited for her to say something. Isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan mula sa kanyang bibig bago sya nagsalita.

"Nakita ko kasi si Luke, yun lang." Matabang nyang sambit habang nag-iiwas ng tingin sakin.

SINUNGALING!

Tinitigan ko sya nang napakasuper duper suspicious. She is hiding something from me, ang dami na nyang tinatago sakin. Kaibigan ko ba talaga sya? Hmm. Sinusundan ko lang ang bawat paggalaw ng kanyang mukha. Tiningnan ko rin ang bawat ekspresyon ng kanyang itsura.. nang bigla syabg namula habang nakatingin sa kawalan.

"AHA! SINUNGALING KA TALAGA, FROST! Di ka kikiligin kung walang nangyaring maganda sa araw mo. Leche flat!" sumbat ko sabay turo-duro sa kanya.

"Aish, wag na kasi nating pag-usapan Key. Hindi naman kasi importanter!" Natatawa nyang sambit.

"Wrong gramming ka, wag kang ganyan," I started the engine. "Sabihin mo yan sa akin mamaya pag nakarating na tayo sa cafe. Nakuuu, hindi talaga kita titigilan sa interrogation ko." Diin kong sambit.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteWhere stories live. Discover now