Chapter 35

1.2K 33 0
                                    

Frost's Point of View.

"Okay ka na ba?" tanong ni mommy habang hinihimas-himas ang aking likod.

Tumango ako nang walang gana. Hindi nya alam ang rason ng pag-iyak ko, ang alam nya lang inaway na naman ako ni Luke. At alam ni mama na si Luke ang taong gusto ko, pero hindi ako maintindihan kailanman ni papa.

"Bakit ako Pa, Ma?"

"Ang alin anak?"

"Ba't ako pa ang naging pambayad utang sa mga kasalanan ni papa kay tito?"

Akala nyo ba tungkol ang lahat ng ito sa pera? Nagkakamali kayo, marami kaming pera sa bangko. May kasalanan ang papa ko kay sa daddy ni Brett at hindi ko alam kung ano. Ang alam ko lang, may inagaw sya kay tito na sobrang importante. At sa sobrang importante, hindi nya 'yon magawang bayaran. Ano bang klaseng gamit 'yon? Diamond ring? Jewelries?

"I am sorry, Frost. Kung alam mo lang ang totoo, hindi na sana naging ganito kahirap para sa'yo ang lahat," sabay haplos sa aking buhok.

"Ipaliwanag mo sa akin, ma. Maiintindihan ko naman siguro."

Umiling si mama. "Hindi pa ngayon. Balang araw, sa tamang oras, at tamang panahon."

"Walang tamang panahon." Matigas kong sabi. "Iwan nyo muna ako please. Gusto kong mapag-isa."

Bumuntong hinga sya tsaka lumabas ng kwarto. Nagbihis ako ng damit at nagjacket. Sinuot ko rin ang itim kong rubber shoes tsaka ako tumalon sa bintana. Pupunta ako sa Odies. Gusto kong maglasing ng konti dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong makalimutan ng isang saglit ang mga problema ko tungkol sa pamilya at... pagmamahal.

Pumara ako ng taxi at agad na nakarating sa bar. Mabuti na lang at konting tao lang ang meron. Naisip ko tuloy si Key. Kumusta na kaya sya sa shop. Sa pagkakaalam ko, sya mag-isa ang nagtatrabaho ngayon dahil busy si Mrs. Choi at ate P.

Naupo ako sa pinakaharapan. Sa stool kung saan madalas umorder ang mga taong single. Tinakpan ko ng mabuti ang aking mukha. Baka malaman nyang wala pa ako sa legal kong edad.

"Kuya, isang beer."

"Beer para sa babaeng maganda," sigaw nya sa kabila.

Binigyan nya ako ng isang bote at maliit na baso. "Heto na, miss."

"I don't need that small glass. Kaya kong inumin lahat sa isang lagukan lang."

Ngumisi sya sa akin. Hindi sya mukhang manyak dahil gwapo sya.

"Ako ang may-ari ng bar na ito, miss. At wala akong nakitang ibang babae na nakayang ubusin ang alcohol na 'yan," sabi nya.

"Tingnan mo ako."

Kinuha ko ang bote at agad na ininom ang lahat ng laman ng San Mig. Nahilo ako ng konti pero hindi naman iyon nagtagal. Kaso, ang sama ng epekto kasi ang pait ng lasa. Ayoko talaga sa mga mapapait.

"Kitams?"

Nagulat sya sa ginawa ko. Dali-dali syang kumuha ng white flower. Masyadong mabait si kuya para tulungan ako o di kaya'y may pagnanasa ito sa akin.

"Amoyin mo. Alam kong hindi ka pa 18 yrs. old, hija. Makakatulong ito sa pag-ayos ng pakiramdam mo," sabay bigay ng white flower.

Hindi ko sya pinansin pero agad kong kinuha ang gamot at inamoy. Ang bilis ko pa lang malasing. Sana pala hindi na lang ako uminom, nasusuka na tuloy ako.

"Kuya, isang bote pa nga."

"Hindi na-"

"Kuya, I'll pay, just give me another one!"

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteWhere stories live. Discover now