Chapter 26

1.6K 43 2
                                    

26th Chapter


Nakaharap ako ngayon sa harap ng pintuan ni Luke. Lulunukin ko na ang pride ko para sa bestfriend kong loka-loka.

Bumuntong-hinga muna ako. Kakatok na sana kaso biglang bumukas yung pinto nya.

"B-Bakit?" tanong nya nang makita ako.

Ako lang ba 'to or nautal sya saglit?

"Ah, s-sorry nga pala, Luke, sana magkabati na tayo," tugon ko habang pinipilit na ngumiti.

Susmaryosep, kung hindi lang talaga ito dahil kay Frost, wala talaga akong planong makipagbati sa kanya. Over my dead, sexy, and slim, and gorgeous, and beautiful, and ganun na yun.

Hindi sya makatingin sakin ng diretso pero sumang-ayon din sya saka tumango-tango.

"A-Ah okay," sabi nya lang.

See? Baliw lang talaga, e. Nagulantang nga ako. Gusto ko syang sakalin. Konting ganun lang pala ang gusto nya? He just wants me to say sorry.

"Hoy, Luke. Bati na ba tayo nyan?" paninigurado ko. Baka kasi wala lang sya sa sarili nya ngayon. Ang laki talaga ng problema ng lalaking ito.

"O-Oo. If that's what you want."

Sabi ko nga nagpapanggap lang sya. NapakaHTG naman nito. Playboy na nga, HTG pa! Psh. Naupo ako sa kanyang tabi at inusisa ang bawat reaksyon nya. May iniisip to ngayon, parang matanda, e.

"Ano bang iniisip mo?" humiga ako sa kanyang kama.

"Si Frost," walang muwang nyang sambit.

Lumaki ang mga mata ko saka ko napagtanto na baliw pala sya. De jke, nakapagtataka lang ang mga reaksyon nya. Nagtataka lang naman ako.

"Um, Luke, tungkol nga pala sa amin ni Dreyson-" magsasalita pa sana ako ngunit sumingit sya.

Nakatingin lang sya sakanyang binabasa. Nag-eeyeglasses sya kapag nagbabasa. Pareho kasi kami, it runs in the blood. Mga malalabo ang paningin.

"Alam ko. Frost told me," sabay flip ng page.

Bumangon ako at napatingin sa kanya.

"T-Talaga? You're not mad?"

Binaba nya ang binabasa nyang libro saka itinuon ang atensyon sakin, sa mga mata ko. He took off his eyeglasses tsaka ako tinabihan sa pagkakaupo.

"Insan naman, mahal kasi kita. Di ko naman alam na peke lang pala kayo," sabay yuko ng bahagya.

Naman, e! I tried to explain pero ayaw nya namang makinig sakin, so it is still useless. Buti pa si Frost, pinakinggan nito.

"Hindi mo kasi ako pakikinggan. Opinyon mo lang ang importante sayo," prangka kong sambit.

Bigla nya akong inakbayan at kinulit ng sobra-sobra. Ginulo nya yung buhok ko tsaka nagsalita.

"I'm just worried. I hope you will not fall for that bad boy. Alam mo naman ang promise ko kay tito. Dapat hindi ka masasaktan nang dahil sa isang lalaki, Key," seryoso nyang sambit.

Nakahawak pa rin ako sa braso nyang nakapulupot sa aking leegan. Napayuko ako dun at nag-isip. He's right, I shouldn't fall in love kung alam ko lang na masasaktan ako. Pero huli na ang lahat. Kahit hindi ko man aminin, kahit hindi ko man sabihin, alam na alam ko sa sarili ko na in love na ako kay Dreyson.

"Key, nakikinig ka ba sakin?"

Bumalik ako sa reyalidad tsaka ako tumango. "Oo naman, Luke."

Binawi nya ang kanyang mga braso mula sa pagkakaakbay sakin saka sya bumalik sa pagbabasa.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum