" Bree siya si Camilla ang totoo mong ina." Lumuluha ito habang nakatingin sa kanya na tila hindi makapaniwala. " Ito si Bree, bumalik na siya satin." baling niya dito.

Agad siyang nilapitan nito, ingat na ingat na hinawakan ang mukha niya na tila ba takot ito na maglalaho siya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinagkan iyon.

" Anak, anak ko." niyakap na siya nito. Ramdam niya ang paggalaw ng balikat nito.

Kaya ba malayo ang loob ng Mommy niya sa kanya dahil hindi naman talaga siya anak nito? Kahit minsan hindi niya naramdaman na mahal siya nito. Kaya pala ganon na lamang ang pambabalewala nito sa kanya.

Niyakap niya pabalik ang tunay na ina. Kaytagal niyang inasam na mayakap ng ganito kahigpit ang Mommy niya, na maramdaman ang pagmamahal nito. Ngayon nasagot na ang mga tanong niya kung bakit tila ayaw sa kanya ng Mommy niya.

" Nagmamahalan kami noon ng Mama Camilla mo, isang gabi ay nalasing ako at sinamantala iyon ng Mommy Betina mo, may nangyari sa amin. Sinabi niya iyon sa Mama Camilla mo para mag away kami at dahilan para umalis siya. Isang araw ay sinabi sakin ni Betina na buntis siya at ako ang ama. Sinabi niya rin ito sa Lolo mo, kaya napilitan akong pakasalan siya. Kabuwanan na niya noon ng bigla siyang nawala at ng bumalik siya kasama kana niya anak." paliwanag ng Daddy niya.

" Hindi ko alam kung paano niya nalaman na ipinagbubuntis kita. Pero malinaw sa alaala ko na bago ako nawalan ng malay pagkapanganak sayo nakita ko siya. Pag gising ko anak wala kana at hindi masabi ng komadronang nagpaanak sakin kung nasan ka. May nakapagsabi saking kapitbahay na may babaeng maigsi ang buhok na kumuha sayo. Pinuntahan ko agad ang dating bahay ng Daddy mo pero nakaalis na kayo at hindi ko alam kung saan kayo hahanapin. Nalaman ko lang na nandito kayo sa Manila ng mapanood ko sa TV na nawawala ka." napaiyak siya sa kwento ng tunay na ina. Napakahabang panahon niyang nawalay dito.

" Matalino ang Mommy Betina mo, alam niyang gagawa ako ng paraan para malaman kung anak ba talaga kita kaya ikaw ang kinuha niya para sa ganon paglabas ng resulta ay magtutugma. Kaya pala iba ang trato niya sayo." napapansin din pala ng Daddy niya ang ibang pagtrato sa kanya ng Mommy niya.

" Pero nasan po ang batang ipinagbubuntis niya? "

" Hindi siya buntis Anak, nalinlang lang niya kami ng Lolo mo. Wala siyang kakayahang magkaanak." sagot ng Daddy niya.

" Bakit niya ginawa yon Dad? Dahil po ba may gusto siya inyo at mahal niya kayo?"

" Dahil sa pera Bree. " hindi siya makapaniwalang nagawa ng Mommy niya ang lahat ng iyon.

" Huwag kang mag alala anak,  hindi na siya muling makakalapit pa sa atin.  She's no longer part of this family at ni isang kusing ay wala siyang makukuha satin. Malaking pera na ang nalustay niya. " sumakit ang ulo niya sa mga nalaman. Hinatid naman siya ng ina sa kwarto niya.

" Nagugutom ka ba anak? Gusto mo bang kumain?" napangiti siya dito. Ito nga ang Mama niya dahil ganito dapat magalala ang Mommy niya sa kanya na kailanman ay hindi niya naranasan. Umiling siya dito.

Hinayaan niyang haplusin nito ang buhok niya hanggang hilahin siya ng antok.

Madilim na sa labas ng magising siya. Agad siyang nakaramdam ng gutom. Naligo muna siya bago bumaba.

" Tamang tama ang baba mo Bree, kakain na tayo ng Dinner." salubong sa kanya ng Nanay Abby niya.

" Anong ulam Nay?" ganito siya lagi maglambing sa Nanay Abby niya.

" Pinagluto ka ng Mama mo, kaya pala anak walang ka amor amor sayo si Ma'am Betina hindi ka pala niya anak. Kaysama ng babaeng yon para ilayo ka sa tunay mong ina." nakagat niya ang pang ibabang labi..

Kismet (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt