Nandoon rin ang dalawa pang Red Army, kalaban ang dalawa pang Air Force. At ang commander ng Red Army laban sa isang Air Force. Mabilis ang kilos ng commander at tila nahihirapan ang kalaban niya.

"Hello, mga teenagers!"

Napatingala ako dahil sa isang boses ng babae. Ang babaeng Air Force.

May biglang nag appear sa harap niya na hologram. May pinindot siya tapos may hologram ulit na nag-appear sa kaliwa't kanan niya. Nag-form ito sa cannon at itinutok sa amin.

Nag-ilaw ang loob ng canon. "Bye bye," sabi ng babaeng Air Force at may pinindot siya.

Bago pa man makatira siya, humarang sa harap ko si Lucas at ikinumpas ang kanyang kanang kamay mula kanan papunta sa kaliwa. Kasabay ng pagharang ng mga ugat at mga humabang sanga sa harapan namin na tila naging pader.

Nagkaroon ng pagsabog at nawasak ang ginawang harang ni Lucas. Tumilapon na naman kami ni Lucas.

"Hahaha! Akala niyo kaya niyong maharangan ang tira ko sa mga ugat at sanga-sanga? Hahaha!" Isang nakakauyam na tawa ang narinig ko mula sa babae.

Sumakit ang katawan ko pagtilapon namin. Bumangon ako at nilapitan si Lucas na nakasandal sa puno.

"Lucas. Ayos ka lang?" alala kong tanong.

"Argh. T-tumama ang likod ko sa punong t-to," mahina niyang sambit.

Napalingon naman ako sa babae na tawa pa rin ng tawa na halatang nagi-enjoy sa ginawa niya. Gagamitin ko ang pagkakataon na to na distracted siya sa kakatawa. Hindi ko lang alam kong sira ulo tong babaeng to.

Dahil hindi pa ako marunong sa ibang taktika ng paggamit ng kapangyarihan ko, fireball na naman ang magagamit ko.  Tumayo ako. Nanghihina pa rin ako mula pa kanina pero dapat kayanin ko.

Gumawa ako ng fireball na sa magkabilang palad ko at ibinato ko ang nasa kanan ko na fireball sa babaeng Air Force. Dahil distracted siya, natamaan siya sa may tiyan niya at agad ko rin na ibinato ang nasa kaliwa ko naman. Natamaan ko ang nasa kanan niyang canon kaya nasira ito. Nahulog siya sa pagkakalipad sa ere.

Agad kong nilingon ulit si Lucas na ininda pa rin ang likod niya.

"Marunong ka na palang lumaban huh?" Rinig kong sabi sa akin nung babae. Agad naman na napalingon ako sa kanya. Nakatayo na siya at nakatingin sakin.

Ikinumpas niya sa ere ang kanyang dalawang kamay at may mga hologram ang pumalibot sa amin ni Lucas. Napa atras na lang ako.

"Tingnan natin kung kaya niyon ‘to," ani ng babae at biglang naging kulay pula ang mga hologram.

Target detected,” saad nung parang robot na boses. Hindi ko alam kung saan yun mula pero sigurado ako na part yun ng mga hologram.

Napaupo na lang ako sa tabi ni Lucas na iniinda pa rin ang sakit ng likod niya. May pipindutin na sana yung babae nang bigla na lang may sumipa sa tagiliran niya kaya natumba siya at unti-unti ring nawala ang mga hologram na nakapalibot samin.

Si Lucius.

Nakabangon agad yung babae at agad na ikinumpas ang kanang kamay nito patungo kay Lucius kasabay ng pagsulpot ng hologram nito sa kanyang palad.

"Pakialamero!" Sigaw ng babae. Naglabas ng liwanag katumbas ng malakas na enerhiya ang hologram na siyang tumama kay Lucius kaya tumilapon ito palayo.

"Lucius!" Sigaw ko. Alam kong mahina ngayon si Lucius lalo na at umaga. Ang lakas niya ay nasa dilim. Kaya mahihirapan siyang lumaban ngayon.

Tiningnan ko ng masama yung babae.

Itinaas ko ang isa kong kamay para sana gumamit ng kapangyarihan ngunit agad kong napansin ang panginginig nito. Kaasar. Mukhang bibigay na ako kahit na anong sandali mula ngayon.

Itinutok ng babae sakin ang kanyang palad niya at nakita ko na naman ang hologram. "Wala kayong laban sakin. Mga walang kayong muwang!" Sigaw niya. At muli, unti-unti na namang nagliliwanag ang hologram.

Tumayo ako agad ay agarang nagbato sa kaniya ng fireball at tumakbo patungo sa kaniya. Ilang hakbang pa lang, nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko pero ipinilit ko na makalapit pa.

Tila itinabig ng hologram niya ang fireball ko papunta sa ibang deriksyon.

Hindi pwedeng masayang ang pagkakataon at oras.

Kahit ilang hakbang pa ang kalayuan niya sa akin, agad akong naglabas ng apoy. Uubosin ko na ang lakas ko rito. Sana matamaan ko siya.

Mula sa kanang palad ko, isang may kalakasang bugso ng apoy ang lumabas patungo sa babae. Pagkagawa ko nun, agad akong natumba dahil sa panghihina.

"Aaah!" Rinig kong sigaw nung Air Force na babae.

Napapikit ako habang nakahiga rito sa lupa. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko at panghihina ng mga binti ko.

Narinig ko ang ilang yabag malapit sa akin. Mayamaya ay naririnig ko ang boses ng ilang guro.

“Nasaan ang isa pang estudyante?” Rinig kong tanong ng isang guro siguro.

Iminulat ko ang mga mata ko nang tila kaya ko na. Bumungad sa aking paningin ang kalangitan at ang commander ng Red Army na nakatingin sa akin.

"Mahusay. Natalo niyo ang isang Air Force. Natamaan mo siya sa huling bugso ng tira mo. Nasunog ang balat niya especially sa may mukha,” aniya habang nakayuko at nakatingin sa akin.

Hindi ako halos makagalaw sa sobrang panghihina kahit ang magsalita.

May lumapit na isang lalaking guro at kinarga ako.

Nakita ko ang mga ibang guro at ang dalawa pang Red Army na ginagapos ang mga Air Force na nakalaban namin. Pare-parehong nanghihina na ang mga Air Force at kung ano-anong sugat ang natamo nila.

"A-aray." Mabuti na lang na hinarap ako ng guro na kumakarga sa akin sa narinig naming may umiinda kaya nakita ko kung sino. Si Lucius. Nakahawak siya sa may balakang niya at iika-ika. "Sakit. Tsk," daing niya habang inaalalayan ni Ma’am Jacqueline.

"I think, that's enough as your punishment. Hindi kayo gagamotin ng Medication Army,” sabi ni Ma'am Jacqueline na palapit sa amin. “Magpapagaling kayo without the help of Medication Army."

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Pagod na pagod ako. Ang gusto ko lang ay matulog.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon