Entry No. 8 | March 11

2.6K 50 0
                                    

Something that I have learned in this world is that, surviving from this cruel reality is a top priority.

-o0o-

How can I bring myself back when it was taken away by the people who constantly shape me to be someone else?

Diary,

Marami ka na ring nalalaman tungkol sa akin, kaya dapat ka nang itumba. Kidding aside, diary, gusto ko lang maibsan ang mga dinadala ko. Here I am, writing again para ikuwento ang mga kaganapan sa ma-drama kong buhay.

Diary, totoo talaga 'yung sinasabi nilang walang sikreto ang naitatago ng matagal. Kung noon ay hindi ko ito iniintindi, ngayon ay nagbigay pa ito nang problema. Minsan nga napapatanong na lang ako kung kailan ba matatapos ang problema? but I always end up answering it na kapag patay na siguro tayo.

"Ganoon na ba talaga ka-kitid iyang ulo mo?! Hindi lang sakit nang ulo ang ibinigay mo sa pamilyang ito, pati kahihiyan!"

"D-dad..."

"Marumi ka!" sigaw n'ya bago ako sampalin at iwan.

Am I? Napangiti ako nang mapait. Yes, I am! Sino naman kaseng babae ang makikipagtalik sa hindi kakilala kapalit ng pera.

Paglabas ko nang bahay para magtrabaho ay puro bulungan ang naririnig ko mula sa kumpulan nang tsismosa naming kapit-bahay. Alamin ko man o hindi, alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung saan at kanino nila ito nalaman. Noon man ay balewala lang sa akin ang sinasabi nila, as long as may naniniwala sa akin. Pinaniniwalaan ako nang pamilya ko. Pinaniniwalaan nga ba?

Diary, naging parte na nang buhay ng tao ang sabi-sabi. Parte na rin siguro roon ang pagbabawas at pagdadagdag sa kuwento para maging entertaining sa mga tao. Pero deserve ba nang isang tao ang pagpiyestahan at maging blockbuster na pelikulang hindi naman alam kung ano talaga ang totoo? Diary, sa ngayon ay isa akong sikat na pelikula.

Now Showing: Babaeng Bugaw!

Sa mga script writer nang pelikula ko, puwede ba may side story? Ikuwento n'yo naman kase wala nang natitira sa akin. Lahat naibenta ko na. Dignidad na lang ang natitira. Alangan naman pati 'yon mawala pa. #

The Other side,
Jane

DIARY OF AN UNWANTED CHILDWhere stories live. Discover now