The Unwanted Beginning

6.2K 86 0
                                    

No part of this story (including all chapters and associated content) maybe reproduced, stored in or introduced into a retrieval system or transmitted in any form, or by any means (electronic, mechanical,photocopying, recording or otherwise) without the prior written of the writer.

This is a work of fiction: names, characters, places and incidents are product of author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, locales are purely coincidental.

Copyright© 2017

--••o••--

"If I die, don't mourn nor weep for me. If I die, just smile. For at last, the girl is free...free from being unwanted."

Makulimlim nang hapong 'yun, habang ang katahimikan ay bumabalot sa sementeryo. Tanging kaluskos lang ng mga dahon ang siyang naririnig. Tila isang ordinaryong araw lang 'yun sa mga napapadaan, ngunit isa itong malungkot na araw para sa lalaking labis na nagsisisi sa kaniyang mga nagawa.

Hinahaplos-haplos nito ang isang puntod habang pinapahid ang mga nagbabadyang luha na kanina n'ya pa pinapigilan.

Patawad...

Iyan lang ang paulit-ulit na sinasabi n'ya sa kaniyang isipin. Sa ilang linggong paghihinagpis n'ya, kahit minsa'y hindi n'ya masabi-sabi rito ang salitang ito. Huli na, at kahit ano pa ang gawin n'yang paghingi ng tawad ay hindi na ito maririnig. Pinakiramdaman n'ya ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang mukha na mababaksan ng kapaguran. Ilang araw rin siyang hindi pinatulog ng kaniyang konsensya, at ilang araw na rin siyang dinadalaw nito sa kaniyang panaginip sa tuwing numanakaw siya nang idlip.

“Dad, iiwan ba natin itong notebook ni Jane rito?” tanong ng kaniyang panganay na anak, si Mara.

“Saan mo ba iyan nakuha?” tanong n'ya pabalik sa anak.

Tinuro ng babae ang dala-dala nitong kahon, lalagyan iyan ni Jane ng mga napaglumaang gamit. Iyan kaagad ang sumagi sa kaniyang isip. Iniabot naman sa kaniya nang kaniyang anak ang notebook. Kilabot kaagad ang kaniyang naramdaman ng mahawakan n'ya ang notebook sa kauna-unahang pagkakataon.

“Sa kotse na lang kita hihintayin, Dad,” sabi ni Mara, bago nito tunguhin ang gate papalabas na hindi naman kalayuan.

Tanging yabag lang ng papalayong tao ang nadidinig hanggang sa mawala ito na parang bula. Tulala naman ang lalaki habang pinagmamasdan ang notebook, hindi naman ito kalakihan at sa kulay nitong itim ay mapapansin ang ilang naninilaw na pahina na parang idinikit lang dito.

---

“Ano ang pumasok sa isip mo, Dad, at bakit dinala mo pa iyan?” nagtatakang
tanong ni Mara. Ang buong akala nito ay iiwan nito ang notebook na 'yun.

“Namimiss ko ang kapatid mo, gusto ko siyang maalala kahit man lang dito...sa notebook na ito,” pabulong na sabi nito, sapat na para marinig ng kaniyang kausap.

“Dad, paano ka naman n'yan makakamove-on kung puro ka na lang Jane? Ibalik mo na iyan,” sabi ng dalaga bago ipaandar ang makina ng sasakyan.

“No, kasalanan ko naman ang lahat nang ito, kaya dapat pagbayaran ko 'yun. At k-kung...ang hindi pagmove-on ang kabayaran, gagawin ko,” nakayukong sabi ng lalaki. Napasinghap naman ang babae, alam n'yang nahihirapan na ang kaniyang ama. Ilang beses na n'ya itong nakitang magtangkang magpakamatay, kung hindi lang siya dumarating para pigilan ito.

“Dad, huwag mo namang sisihin ang sarili mo. May kasalanan din naman ako kung bakit 'yun nangyari, at mas nakokonsensya ako dahil ako mismo ang dahilan kung bakit naging ganoon. Dad, it is time for us to move on,” hikbing sabi nang dalaga habang yakap-yakap ang ama nito na wala ring tigil sa pag-iyak.

Sabay silang napatingin sa notebook na nahulog ng kaniyang ama. Tinitingnan ang nakabuklat na unang pahina.

“Diary of an unwanted child?” takang tanong ng kaniyang ama, kasabay ng pagbuklat ng sumunod na pahina... at doon nagbago ang lahat.

DIARY OF AN UNWANTED CHILDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora