Chapter 16: Wanted: Boyfriend

Start from the beginning
                                    

"Hindi mo ako gusto? Kung gayon, bakit mo ako gustong maging fake boyfriend?" Nakangisi niyang sabi. Ugh! Nang-aasar na naman siya.

"FYI, Gusto kitang maging fake boyfriend para hindi na ako ipa-arrange marriage. At FYI ulit, napilitan lang ako na piliin ka no'. Asa ka namang magkakagusto ako sa isang tulad mo!" Napahalakhak siya sa sinabi ko. Ang baliw niya ha.

"Pfft. HAHAHAHA. Grabe ka naman! Akala ko naman patay na patay ka sa akin kasi ikaw na ang nagyaya na maging boyfriend mo ko. Yun lang pala. Eh, dahil madali akong kausap..." Tumigil siya sandali. Sus! Pa-suspense pa eh pero madali rin pala siyang kausap. Papayag naman—

"...It's a No. Unang- una, problema mo yan kaya wag kang mandamay. Pangalawa, ayokong maging girlfriend ang isang tulad mo. At pangatlo, I'm not interested in that f*ckin thing and I'm not interested in you." Seryoso at mariin niyang sabi. At saka lumayas na sa harap ko.

Sarap sigawan ng KDOT eh. Pero...

Pero paano na ako? Paano na ang buhay ko? Matutuloy na ba ang kasal ko kay Jeremy? Hell, I can't marry him for business!

Naramdaman ko na lang na basa na pala ang pisngi ko. Ang sakit naman kasi eh, ayokong ipakasal sa hindi ko naman gusto.

Napaupo ako sa floor at niyakap ang mga binti ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko.

Naramdaman ko ang pagbuhos ng ulan.Talagang sinabayan pa ang pagiyak ko.

Bakit kasi hindi ko kayang kontrolin ang buhay ko? Bakit ba lagi na lang sila ang nasusunod? Ang hirap kayang matali na lang at sundin ang gusto nila. Ang sakit sakit sa feeling. Ang bigat ng pakiramdam ko na dahil sa sobrang bigat ay parang di ko na kaya.

Patuloy lang ang pagiyak ko nang tumigil na ang ulan. Iniangat ko ang tingin ko. Umuulan pa pala, pero bakit hindi na ako nababasa?

"Get up" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Patrick na pinapayungan ako. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at saka tumayo na.

Ngumiti ako ng pilit pero tinignan lang niya ako ng seryoso.

"Don't smile when you feel sad. It makes you look stupid." Seryoso niyang sabi.

Niyakap niya ako gamit ang isa niyang kamay. Nagulat naman ako at hindi ako nakagalaw agad.

Mas lalo niya akong niyakap at hinaplos-haplos ang buhok ko. Ramdam ko ang paghinga niya sa may tainga ko. "Just cry, Thena. Express your feelings right now. Just remember that I'll be always here by your side."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa, bagkus ay niyakap ko na rin siya at itinuloy ang aking pagluha.

***

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Ay, nagtext si Chelsea.

From: Chelsea McCall

Good morning, Gia! Wakey wakey. I just want to inform you that we'll have meeting after class for our club. See you @ the cafe.

Agad-agad ko itong ni-reply.

To: Chelsea McCall

Good morning din, Chels. Sige, see you.

Hindi naman sa tinatamad akong mag-type, pero wala lang talaga ako sa mood. Umupo ako sa gilid ng kama ko at hinawakan ang panyo sa tabi ko.

Naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon.

Hala! Ilang balde na kaya ng luha ang naiyak ko? LOL ang OA ko naman yata.

Hinatid na kasi ako ni Patrick after kong umiyak sa balikat niya. Sabi niya magpahinga na daw ako at nagpresinta naman siya na ihatid ako pauwi.

Humiga na agad ako sa kama ko at itinuloy ang pagluha ko. Grabe nga eh, kasi ang tagal maubos ng luha ko. Kaya feeling ko, wala na akong tubig sa buo kong katawan.

Pagkatapos kong umiyak ng maraming oras kagabi ay naisip ko na wala na talaga akong pagasa upang kontrolin ko ang sarili kong buhay kaya naisip ko na sasabihin ko na lang ang totoo kina mommy at daddy na wala naman talaga akong boyfriend.

No choice eh.

Bahala na si Batman, kung ano na ang mangyayari sa akin kung maipakasal man ako sa taong di ko naman gusto.

Hinawakan ko ang mga namumugto kong mga mata. Grabe pala no', nakakapagod din pala ang pagiyak. Yung tipong nauubusan ka na ng boses tapos todo kung makasinghot ka kasi ang dami ng sipon mo. Yikes!

Tumayo na ako ng kama at dali-daling pumunta ng CR. I did my thing there. Nagbihis na ako pagkatapos maligo.

Then suddenly, my phone beeps myriads of times. Holo! Ang dami naman yatang nagtetext sa akin. Birthday ko ba?

Dali-dali ko itong nilapitan nang biglang tumawag si Ria.

"Hello?" I greeted her.

"My Gosh, Gia. Please listen carefully." Nataranta naman agad ako sa tono ng boses niya. Mukha siyang hingal na hingal.

"Huh?" I felt my hands shake as I heard a foul word from the other line and it's not Ria.

"Please be strong, Gia. Huwag kang—" Hindi ko na siya pinatapos.

"Ano? What are you talking about?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw. Kinakabahan na talaga ako sa tono ng boses niya. Parang may mali eh.

"Uh,Gia kasi. Ugh, how would I tell you this? Damn it. Please pumunta ka na dito sa school."

"W-what are you saying?!"

"Marami ang galit sa'yo! S-si Aero kasi—" Then the call ended.

Kinakabahan na talaga ako. Dali-dali kong tinignan ang inbox ko na sasabog na ngayon dahil sa 145 messages.

----------------------------------------------------------------------------

From: 0975*******

F*ck you, B*tch. Ang kapal din ng mukha mo ha!

----------------------------------------------------------------------------

From: 0908*******

Grabe ka! Hindi ka na nahiya. Angel sa labas, Demon sa loob!

----------------------------------------------------------------------------

From: 09*********

I may not know you, but I will find you and I will kill you. Stay away! Hindi ka bagay sa kanya!

----------------------------------------------------------------------------

Iilan lang yan sa mga texts na natanggap ko. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Iisa lang ang tanong na pumasok sa isip ko.

Ano ba ang nagawa ko na ikinagalit nila?

Bow and ArrowWhere stories live. Discover now