Chapter 15: He's John Michael

101 7 0
                                    

[Gia's POV]

"Wow, si Boo, naka-dress. Newsflash: Ugly duckling wants to be a swan." Napatingin ako sa pader na nagsalita.

Oh, bakit siya nandito? Ano ba 'yan, ngayon ko pa siya makikita kung kailan kakatapos ko lang mag-shift ng bad mood into good mood. Ayan tuloy, naba-bad trip na naman ako.

"Compliment ba 'yun na may kasamang asar?" Na-aasar kong sabi sa kanya. 

"Parang ganoon na nga. Anyway, next time nga, try mong tumingin sa dinadaanan mo ... and stay out the way." Aba, ang arte naman ng lalaking 'to ah! Talagang bagay sa kanya yung ipinangalan ko sa kanya. Hindi dapat First star ang tawag sa kanya eh. Dapat M&M. Monster and Menopausal star!

Pagkasabi niya nun ay binunggo niya muna yung balikat ko bago siya naglakad papalayo. See, ngayon ko nga lang siya ulit nakita eh tapos mag-susungit pa. Nakaka-badtrip tuloy.

Dumiretso na ako sa loob ng coffee shop at bumili ng cold coffee at doughnuts. Nag-take-out lang ako para sa condo ko na lang siya kakainin. Pumasok na ako ng elevator. Pasara na ang pinto nang may sumiksik na kamay sa pagitan nito at iniluwa ang isang mayabang na pader. Oo, si pader na naman este, si M&M. 

Tinignan niya ako nang masama pagkapasok niya kaya inirapan ko na lang. Dalawa lang kami sa elevator kaya may kaunting awkwardness dito. Pipindutin ko na sana yung '21st floor' pero naunahan niya ako. Ayan tuloy, nagkadikit pa yung mga balat namin. Agad-agad kong ibinaba ang kamay ko.

Hindi ko alam kung papaano at bakit pero parang na-kuryente ako noong nagdikit ang mga balat namin. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo, may humahabol sa aking mga kabayo. I felt my cheeks flush. Napalunok ako ng wala sa oras. Nagkatinginan kami pero binawi ko kaagad ang tingin ko at nag-sip na lang sa coffee na hawak ko. Awkward.

Tinawanan lang niya ako. "HAHAHAHA. Grabe ka, boo. Y-Your face was priceless. Alam mo, kung gusto mong hawakan ang kamay ko, pwede mo naman sabihin eh." Naramdaman kong namula ulit ang pisngi ko, dahil sa inis. Ang yabang talaga ng lalaking 'to eh. Akala mo kung sino!

Tinitigan ko siya nang masama bago magsalita. "Hoy! FYI, hindi ko gustong hawakan 'yang kamay mo no'. Alam mo ba yung mga salitang "hindi sinasadya"."

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator sa 21st floor. "Diyan ka na nga!" Sigaw ko sa kanya. Nauna na akong lumabas ng elevator pero naririnig ko siyang tumatawa.

Aish! Nakakainis talaga 'yun. Walang alam gawin kundi mang-inis eh.

Naglalakad na ako sa hallway nang makarinig ako ng mga footsteps sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko siya na sumusunod sa akin.

Had I just found myself a real stalker? For real? For real?

Kumunot ang noo ko pero hindi ko na lang siya pinansin. Baka naman may kaibigan siyang dadalawin kaya siya nandito.

Tumigil ako sa tapat ng condo unit ko at lumingon uli sa gawi niya. Nandoon pa rin siya at papunta siya sa gawi ko. Seryosong nakatingin siya sa akin. Tumigil rin siya sa tapat ng pintuan sa tabi ng unit ko. 

Hala! Baka nga stalker ko siya.

"Will you stop stalking me? 'Wag ka nga sunod ng sunod sa akin!" Sinigawan ko siya pero nginitian lang niya ako. Aba, baliw na yata 'to eh!

"Well, hindi kita sinusundan at mas lalong hindi ako stalker no'. 'Wag kasi masyadong mag-assume. Dito ako nakatira ngayon. Diyan ka ba nakatira? Well, well ... Hi neighbor!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Like Seriously?! Diyan siya nakatira? Ka-kapitbahay ko s-siya? Ay hindi, Kapitcondo ko pala siya.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon