Chapter 13: The Unexpected

147 8 2
                                    

[Gia's POV]

"Ikaw?!" We both said in chorus. Oh, you won't believe what I'm seeing. He's my ka-meeting.

Napanganga na lang ako sa ngiti niyang nakakalaglag-pan---panga. Hehe.

Sino pa nga ba 'tong kausap ko. Edi si Icecream man. 

Siya lang naman yung natapunan ko ng ice cream kanina sa ice cream parlor. Pero, grabe lang! Anong ginagawa niya dito?

Sinenyasan naman niya ako na umupo na. Kaagad na ako umupo sa couch sa tapat niya. At tinitigan ang damit niya na may bahid pa rin ng ice cream. Napangiti na lang ako at pinigilang tumawa.

Haay, ewan ko ba, pero parang gumaan 'yong loob ko na siya lang naman pala ang ka-meeting ko ngayon. Well, ano naman kaya ang pag-uusapan namin about sa business?

Akala ko, mag-uusap kami kaagad about sa business pero mali ako. Isang malaking akala lang pala 'yun. 

There. Awkward silence. Piano lang ang naririnig namin na nasa labas ng VIP area.

Hindi siya nagsasalita, pati rin ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya eh. Wala pa naman akong masyadong alam about sa business meetings.

Then suddenly, he spoke. "Would you like to dance?" Nanigas ako sa pwesto ko. Hindi ko na alam kung tama ba 'to. Ganito ba talaga 'pag may business meeting? Nagsasayawan?

Hindi pa ako nakakapag-react nang nakita ko siya na nasa tabi ko na pala at nakaabang na ang kamay niya.

No choice eh. Nakakahiya naman na tumanggi. Tumayo na ako at saka humarap na sa kanya. Kami lang naman ang tao rito eh, kasi may kurtina na naghihiwalay sa amin at sa ibang tao sa restaurant.

Hinawakan niya yung dalawa kong kamay at saka ipinatong sa balikat niya. Nanigas na naman ako kasi hindi ko alam ang dapat kong i-react. Bumaba na yung mga kamay niya sa waist ko. 

Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit at papaano. Pero ang hirap i-explain ng pakiramdam ko ngayon. Halo-halo siya eh. At heto pa ako, namumula na parang tatalunin ko pa ang kamatis sa kulay eh. Red kung red!

There are times, when I just want to look at your face

with the stars in the night

There are times, when I just want to feel your embrace

in the cold night

I just can't believe that you are mine now...

Ewan ko ba kung bakit parang nag-iba ang aura ko ngayon. Parang hindi kasi maganda yung susunod na mangyayari eh. Yung totoo, part ba 'to ng business meeting?

Nakayuko lang ako kasi ramdam ko na nakatingin siya sa akin, kanina pa. With one hand, he lifted my chin and met his eyes. Whoa there! Ang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako kaunti. Pero wow lang! Ang pogi pala talaga niya. Those gray eyes, pointy nose, chiseled jaw,clean-cut hair and that kissa---este, red lips.

Nagkatitigan lang kami nang bumaba yung tingin niya sa mga labi ko. 

Uh oh. Ito ba yung cue? Enebeyen, bakit pa kasi ako napatingin sa lips niya? Ayan tuloy, tumingin din siya sa lips ko. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari ah, pero alam kong hindi ko iyon magugustuhan. 

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you...

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon