Chapter 16: Wanted: Boyfriend

86 5 0
                                    

Guia's Corner~

Yey! After two months ay nakapag-update din ako!! Party na ba? Anyways, maghintay pa rin kayo sa mga malapagong na UD.

Be a fan, if you want! And hello pala sa mga silent readers diyan. Uso magparamdam, guys.

----------------------------------------------------------------------------

[Gia's POV]

"Eh ano na ngayon ang gagawin mo?" Tanong ni Ria.

"Actually, hindi ko talaga alam." Malungkot kong pagsagot. 

Nasa cafeteria kami ngayon at kakatapos ko lang magkwento sa kanila ng mga nangyari noong Saturday pero hanggang doon lang sa pagbaba ko ng sasakyan ni Jeremy. Hindi ko na sinama yung mga nangyari sa condo. Mahirap na, baka mapagkamalan na kami ni Aero. Mapatay pa ako ng mga fans niya.

Katulad ko, hindi rin sila makapaniwala na nagkaroon ako ng instant fiance at siya yung lalaki na nakilala namin doon sa icecream parlor. Pero hindi ko nga alam kung bakit bigla silang napaisip noong sinabi ko ang buong pangalan ni Jeremy. Sabi nila parang familiar daw eh.

Ngayon, tatlo kaming malalim ang iniisip. 

Hay, wala kaming maisip na plano para sa imaginary boyfriend ko. Paano na lang yung paglalaban kay Jeremy? Anong i-eexcuse ko kay Daddy? Patay ako doon, pag nagkataon na malaman niya na wala naman talaga akong boyfriend.

Bakit ko pa kasi nasabi na may boyfriend na ako kahit wala naman talaga?

Si Ria ang unang bumasag ng katahimikan.

"Alam ko na! Magpaskil ka na lang ng mga posters dito sa school. Isulat mo "Job opening-Wanted: Boyfriend. Apply now!" 

"Gaegow! It's not allowed in our school. Besides, my parents would be mad if we break the rules." Pagsagot naman ni Chelsea.

Hay, itong mga kaibigan ko talaga, ang hilig makipaglokohan. Kung ano-anong iniisip na paraan. 

"Pwedeng ibang way na lang, kasi madadamay yung pangalan ng school natin 'pag ginawa natin 'yun. Isip na lang tayo ng iba." Sabi ko na lang at nagsimula na naman ang nakabibinging katahimikan.

"Alam ko na!" Natahimik kami nang biglang magsalita si Ria na parang may light bulb sa itaas niya.

"Lapitan mo na lang si Patrick para maging fake boyfriend mo. Okay lang naman siguro iyon, kasi magpapanggap lang naman kayo at isa pa, best friend mo din naman siya so, It's no big deal, right?"

Ow-kay. Ano daw ulit? Ah, gawing fake boyfriend si Patrick… SI PATRICK?!?!

"No way!" Bigla kaming napatingin kay Chelsea na inunahan ako sa dapat kong sasabihin.

"Ahihi, joke lang. Nevermind" sabay wagayway niya ng kamay sa ere at marahas na umiling.

Tumango na lang kami bilang pagsagot.

Minsan kasi talaga hindi ko rin ma-gets si Chelsea eh. Minsan weird siya, I mean palagi pala. Hindi ko pa pala naikekwento sa inyo na siya ang Ms. Friendly at Ms. Popular ng Arrowell High. Astig niya no!

Pero I smell something fishy sa pag-no way niya ha.

**********

"Okay, class dismissed."

It's now or never.

Papunta ako ngayon sa rooftop. Doon kasi ako makikipagkita kay Aero eh para pag-usapan yung pagiging mag-boyfriend namin.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon