Chapter 10: My Knight in shining Armor

160 11 0
                                    

"Bitawan niyo siya!" Sigaw nung knight in shining armor ko.

Napatingin kaming lahat sa may likuran at doon nakatayo si Knight in Shi---este si Mikmik. Yes, naman.

Thank you, Lord. Ang pogi ng Superhero ko.

"Ano ba naman 'yan eh! Nagpaparty kami dito, tapos nakikigulo ka!" Sigaw naman nung holdaper na nakahawak sa akin. Party daw ba tawag dito? Sana hindi ako um-attend. Aish!

"Mga bakla ba kayo? Bakit babae 'yang kinakalaban niyo? Eh, kami kaya ang kalabanin niyo." Sabat naman ni Aero.

Ano na naman ang ginagawa niyan? Eh, meron na nga akong Hero eh. Ano siya, sidekick? Bagay sa kanya. 

"Oo nga, bitawan niyo si Gia, at kami ang kalabanin niyo!" Sigaw uli ni Mikmik. Hay, Kahit kailan talaga, ang bait bait niya.

Pero, baliw lang ha! Apat kaya ang makakalaban nila, tapos dadalawa lang sila. Buti sana kung nandya---

"Hoy mga pusang kinalbo! Kami kaya ang harapin niyo at bitawan niyo si Thena. Eh baka naman, naduduwag na kayo kasi tatlo na kami." Bigla na lang sumingit si Patrick at tumabi sa dalawa niyang kapatid.

Wow lang! Ang dami kong Heroes. Ay mali, yung isa pala diyan ay sidekick lang. Hehe.

Tatlo silang humarap sa apat na holdapers.

"Aba, ano 'to, Powerpuff Girls?! Hahaha." Bigla namang nagsitawanan yung mga panget na holdapers.

Grabe! Aba, kailan pa naging lalaki ang mga Powerpuff girls at take note ha, ang pogi-pogi nilang tatlo para maging powerpuff girls.

"Pwe! Kadiri naman kayo, mga Kuyang holdapers. Hindi Powerpuff Girls ang tamang pang-describe sa kanila no'! Dapat ang pangalan nila ay The Avengers, at kayo yung mga alagad ni Loki." Sabay belat ko sa kanila.

Hindi ko nga alam kung bakit nagagawa ko na ring makipaglokohan sa kanila. Eh samantalang kanina, takot na takot na ako.

Humalakhak lang sila nang malakas at saka inihagis ako doon sa isang tabi. Grabe lang, sa mga basura pa talaga ako ihinagis ah. Walang awa.

Nagsimula na nga ang World war III---este ang suntukan ng mga Three stars at holdapers.

Parang nag-slomo ang lahat. Pati ang mga pagsuntok nila parang bumabagal, yung parang slomo sa mga action films.

Parang nanonood talaga ako ng Action Movie. Live. Penge Popcorn. Hehe. 

Tig-iisa sila ng kalaban pero dalawa ang kalaban ni Aero. Hay, bakit ganoon? Dalawa ang kalaban ng sidekick tapos isa lang ang kalaban ng mga heroes. Awkward.

Parang tanga akong nagchi-cheer sa kanila at patalon-talon pa sa gilid. Syempre, dapat chini-cheer ko ang best friend kong si Patrick.

Sa kasamaang palad ay napunta sa kanya yung holdaper na may kutsilyo. Inilabas na nung holdaper yung kutsilyo niya.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon