Chapter 16: Wanted: Boyfriend

Magsimula sa umpisa
                                    

Oo, si Aero nga ang lalapitan ko para maging FAKE BOYFRIEND ko. Wala akong choice eh kasi kanina sabi nila Chelsea sa akin, para hindi daw ako mahirapan ay mamili na lang daw ako sa Three Stars dahil close naman daw kami.

Hindi ako makapag-decide noong una kasi parang gusto ko na lang sabihin ang totoo sa parents ko pero kapag ginawa ko iyon, habangbuhay na matatali ang buhay ko at sundin ang utos nila na ipakasal ako sa di ko naman gusto.

Wala akong choice eh. :''(

Nagbotohan kami sa tatlo.

Ang unang sinuggest ni Ria ay si Patrick dahil bestfriend ko nga siya at wala namang malisya doon pero tumanggi pa rin ako pati na rin si Chelsea dahil ayokong gamitin ang pangalan ng bestfriend ko para lang dito.

Isinuggest naman ni Chelsea si Michael. Dahil crush ko yan, go lang pero ayokong gamitin ang pagkatao niya at saka, nakakailang rin naman. Baka layuan niya ako kapag siya ang pinili kong Fake boyfriend. Tumanggi pa rin ako at pati rin si Ria.

Pinakaayaw ko naman yung last na sinabi nila na si Aero na lang daw dahil single rin naman siya.

Tss, ayoko naman doon sa masungit na monster na yun no'. Mas gugustuhin ko pa maging boyfriend yung hindi ko kakilala kaysa sa mokong na yun na walang magawa kundi pagtripan, barahin, sungitan at asarin ako no'.

Pero sa KASAMAANG PALAD, wala akong magawa dahil dalawa ang bumoto sa kanya at ako lang ang nagiisang tumanggi.

Sarili kong buhay, di ko makayang kontrolin.

Binuksan ko na ang pintuan na patungo sa rooftop. Nangnginig at namamawis ang mga kamay ko dahil sa takot at kaba na baka hindi siya pumayag.

Don't get me wrong ha, gusto kong pumayag siya hindi dahil gusto ko siya or anything. Gusto kong pumayag siya para di na ako mahirapan sa paghahanap ng FAKE BOYFRIEND at para di na ako mapakasal kay Jeremy Lopez.

Naabutan ko siya na nakatayo at nakapamulsa sa kanyang pantalon. He' glaring at me.

"You're 10 minutes late, boo." Wow ha! Ang ganda ng bati niya no'.

"Sus, parang 10 minutes lang eh. Big deal agad?" Pabulong kong sabi pero mukhang narinig din niya dahil napataas ang kilay niya. Tss.

"Oo, big deal yun kasi you're wasting my time kaya just tell me what you want." Kay arte naman nito, medyo conyo pa magsalita.

"Hey, just tell me what you want. Don't just stare there!" Pasigaw niyang sabi.

Bumalik na naman yung kaba na naramdaman ko kanina. Paano ko ba kasi sasabihin? Paano ko sisimulan? Papayag kaya siya? Paano kung di siya pumayag? Ano na lang—

"Okay, that's it. You wasted enough time." Nagsimula na siyang maglakad palabas at binuksan na ang pinto pero bago pa siya makalabas ay sumigaw na ako.

"Can you be my boyfriend?!?!" Natigilan naman siya at lumingon sa gawi ko.

Nakita kong nag-form ang lips niya into a smirk pero biglang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sandali sa labas na parang tinitignan kung may tao. He just shrugged before facing me again with a smile.

Isinara niya muli ang pinto at bumalik ulit sa harap ko.

"Sabi ko na nga ba eh, matagal ka ng may lihim na pagtingin sa akin. Tsk." Wow ha! Wow lang! Parang nagreunion dito sa rooftop sina Yolanda, Ondoy at Habagat sa sobrang lakas ng hangin at may kasama ng bagyo dahil lang sa pagbubuhat niya ng kanyang sofa. Great. Just great.

"Wow dude, akala mo naman gusto kita. FYI, GUSTO LANG KITANG MAGING FAKE BOYFRIEND." Hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil sa sobrang inis ko dito sa monster na 'to.

Bow and ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon