Chapter XXV Fated to Love You....

2.2K 56 22
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

 NAMTAR's POV



Napaupo ako sa sahig ng kuwarto ilang segundo matapos pumutok ang kaniyang baril. Hindi ako
makahinga sa kaba habang dinadama ang aking sariling katawan. Napaiyak ako. Hindi ko akalain na may
takot pa palang natitira sa aking katawan. Takot na mamatay sa kaniyang sariling mga kamay.

Unti unting nabasa ang aking paa sa dugong nasa sahig. Kinapa ko ang aking sariling katawan ngunit
wala akong mahanap na sugat.

Sinubukan kong abutin ang mga piraso ng bubog sa aking harapan. Ang malaking salamin kanina ay
durog na durog dahil sa bagay na tumama sa gitna nito. Imposibleng dito tumama ang bala na kaniyang
pinakawalan. Napakalapit ko para hindi tamaan. Pero bakit may dugo?

“NAM?”

Tumingin ako kay Riko na tumawag sa akin. Nanlalaki pa ang kaniyang mga matang nakatitig kay Enlil na
nakadapa sa sahig. Ang kaniyang kamay na may hawak ng baril ay nanginginig na nakatutok dito.

“A-anong ginawa mo?” malungkot kong tanong sa kaniya.

Umiling lamang si Riko. Umiling na parang nagsisisi sa kaniyang ginawa. Napailing na rin ako ng
mapagtanto ang nangyari. Kung saan nanggagaling ang dugong nasa aking paanan.

“Hinde.Hindeee. Hindi totoo itooooooooooo”

Napasigaw ako sa aking nakita. Lumuluhang pinuntahan ang duguang katawan ni Enlil na nakadapa.

Hindi totoo ang nangyari. Hindi siya tinamaan ng bala. Siya ang bumaril sa akin.
Agad ko siyang niyakap. Iniunan sa aking hita ang kaniyang ulo na nababalutan na ng dugo ang leeg.

Napatingala ako sa kisame. Nasasaktan ako sa bawat pag ubo na kaniyang ginagawa. Nabitawan
nanam ni Riko ang baril na napaatras sa may pintuan.

Hinawakan ko ang kaniyang mukha gamit ang aking mga palad. Inilapit ang aking noo upang
maramdaman ang mahinang paghinga na kaniyang ginagawa. Hindi ko napigilang hindi maluhang muli
sa pamumutla ng kaniyang mga labi at patuloy na pagdurugo ng kaniyang sugat sa tiyan.

“Ano bang ginagawa mo Riko….. tumawag ka ng ambulansiya” sigaw ko dito na nakatulala lamang sa
kaniyang pagkakatayo.

“RIKO!” muli kong sigaw bago nito nagawang gumalaw.

“Huwag kang bibitiw Enlil” pakiusap ko sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang nanlalamig na labi.

“H-hindi k-o alam kung kaya ko pa..”

“Mabubuhay ka… huhu… mabubuhay ka.. “

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinawakan ang kaniyang tiyan na may tama ng baril.

“Pipigilan ko ang pagdurugo…wag ka lang bibitaw.. “ ani ko na inabot ang kubre kama ng kaniyang
kuwarto. Pumunit ng malalaking piraso at itinali ito sa kaniyang katawan. Idinikit sa aking mukha ang
kaniyang mga nanlalamig na palad upang maisalin ang init ng aking katawan.

“Ngayon hindi ka na malas” nakangiti nitong sambit.

“Ano ba ang pinagsasabi mo ... wag ka na muna magsalita”

“A-alam kong m-m-maatagal na panahon ka nang nagdurusa dahil sa 
k-kagagawan ni Steve… tapos
nagawa ko pang magsinungaling sayo….”

“Shhhh” pigil ko sa kung anu pa man niyang sasabihin.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa tuwing uubo siya ng may dugo. Ang bawat pagpipilit niyang
magpaliwanag ay pumupunit sa aking kaluluwa. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nandito.

“Gusto kong maniwala ka na hindi ka malas.. na hindi ka pinabayaan ng Diyos. Dahil pinatay ko na siya
Namtar....pinatay ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan ka”

“Bakit mo ginawa yun Enlil? Tatay mo parin siya..bakit mo hinayaang madungisan ang kamay mo?”
humihikbi kong sambit.

Kung hindi ako sumugod, kung hindi ako nagtangkang bawiin ang bagay na hindi ako nagbigay, kung
hindi ako nagpadala sa emosyon ko dahil sa nalaman kong pagpatay niya kay Ina, kung hindi ako.

Maraming kung ang nasa aking utak, mga bagay na hindi ko dapat inisip dahil wala na ako sa nakaraan.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinunasan ang mga palad na naging madungis dahil sa akin.

“Ikaw na lang ngayon si Namtar Uran. Normal na estudyanteng nag aaral at minamahal ko. Pinatay ko
na ang Diyos na pinaniniwalaan mong dahilan ng lahat. Pinatay ko na ang Diyos ng Kamatayang si
Namtar”

Nalito ako sa kaniyang sinabi. Binura ko ang luha sa aking mga mata at inabot ang bubog ng salaming
kaniyang hawak hawak.

“Wala nang hahadlang sayo Namtar…pinatay ko na ang anino ng kahapon na pumipigil sayo upang
makapagbagong buhay ng tuluyan.”

Naiyak ako ng tuluyan ng malaman ang kaniyang ginawa. Pinagmasdan ko ang aking repleksiyon sa
maliliit na salaming nagkalat sa sahig. Binaril niya ang aking repleksiyon. Pinatay niya ang Namtar na
nakakabit sa akin imbes na ako. Hinalikan kong muli ang kaniyang mga palad. Mahal ako ni Enlil. Mahal
na mahal niya ako katulad ng kung gaano ko siya kamahal.

Ngumiti ako sa kaniya. Binura ang luha sa aking mukha at binigyan siya ng pinakamaganda kong ngiti.

Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Nasasaktan lamang ako sa tuwing ipinagpipilitan kong hindi ko
na siya mahal.

“Gagawin ko lahat para sayo dahil mahal na mahal kita Namtar”

“Gago ka..huwag mong susubukang iwan ako dahil hindi ako papayag”

“Masaya na ako na malamang okay ka na…”

“Magiging okay lang ako kung madadal na kita sa ospital..”

“T-tungkol sa Ina m-“

“Wag mo nang isipin yun….pinapatawad na kita d-dahil mahal kita Enlil”

Pinapatawad ko na siya. Mga bata pa kami noon kaya alam kong hindi niya alam ang kaniyang
ginagawa.

Tinawag ko si Riko na kanina pa lumabas. Kanina ko pa siya inutusang kumuha ng ambulansiya ngunit
hindi pa ito bumabalik.

Napatayo ako sa aking kinauupuan ng biglang umubo ng sunod sunod si Enlil. 
Napaluha akong muli ng
ang putting kubre kama kanina ay halos naging pula na. Ang kaniyang bibig ay nababalutan na rin ng
dugo sa kakaubo.

“Enlil.. huwag mo akong iwan...RIKOOO.. RIKOOO… asan ka na ba?” sumisigaw kong tawag.

Iniwan ko na muna si Enlil at tumayo. Kailangan ko nang makakuha ng ambulansiya upang mabigyan
siya ng pangunang lunas.

Binuksan ko ang pintuan. Napaka tahimik ng lugar sa labas kaya agad akong lumabas. Sa sobrang
emosyon na aking nararamdaman ay nawala sa aking isipan na hindi ko ito bahay at iba ang aking
ipinunta. Wala na akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang mailigtas ang buhay ni Enlil.

Napahawak ako sa gilid ng dingding habang dahan dahang naglalakad. Nais kong makakita ng kahit
sinong makakatulong. Kahit pulis ay kakausaoin ko upang mailigtas siya.

Nakakatatlong hakbang pa lamang ako sa labas ng pintuan ng maramdaman ko ang init sa aking dibdib.
Napatanga ako ng makakita ng ilang pirasong pulang ilaw na gumagalaw na nakaturo sa aking katawan.

Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya agad akong tumakbo papunta sa kuwarto ni Enlil.

Sunod sunod na putok ang aking narinig. Ang pagtama ng ilang pirasong nadurog na semento ay
gumawa ng sugat sa aking pisngi kasabay ng pagkakakapit ko sa pintuan ng kuwarto.

Pinagmasdan ko si Enlil na napatingin sa akin. Ilang putok pa ng baril ang aking narinig bago ko
naramdaman ang sahig sa aking likuran. Parang pelikula sa sinehan na dahan dahan akong bumagsak
sa sahig habang nakatingin sa mukha ni Enlil na nagpipilit bumangon habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. Sa kabila ng sakit na humuhugot sa aking kaluluwa palabas ng aking katawan ay
siya pa rin ang nasa aking isipan.

“N-Namtar..”

“S-Sa-salamat”

Napasuka ako ng dugo. May kung anong bagay na nasa loob ng aking katawan na nagtutulak sa aking
dugo upang ito ay aking ilabas. Inilatag ko ang aking braso upang abutin siya.

Nais kong ipaabot kay Enlil ang aking pasasalamat. Hindi niya ako pinabayaan simula ng makilala niya
ako. Minahal niya ako ng totoo sa kabila ng maraming pagkukulang ko sa aming relasyon.

Tumulo ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan siyang dahan dahang gumagapang
papunta sa akin. Malas ako. Iyon ang isang bagay na alam na alam ko. Pero siya ang pinakamagandang
malas na nangyari sa akin. Simula ng makilala ko si Enlil, simula ng masukahan ko siya at simula ng
halikan niya ako ay nagkaroon na ng kulay ang aking buhay.

Unti unting tumatakas ang aking kamalayan ngunit pinilit ko ang aking sarili na abutin ang kaniyang
kamay. Nagsisisi ako sa aking ginawa, nagsisisi ako na ninais kong maghinganti sa taong walang sawa
akong minamahal.

Siya man ang pumatay sa aking Ina, siya man ang taong nagdulot sa akin ng unang sakit, siya pa rin si
Enlil na aking minahal at hindi iyon magbabago.
Siguro nga hindi dito magtatapos ang aking buhay dahil lamang pinatay na niya si Namtar. Siguro
kailangang mawala talaga ako sa mundo upang tuluyan na akong makalaya.

“I l-love you” bulong ko sa hangin.

“I love you more..” ani Enlil na binitawan ang huling apat na kataga na ngayon ko lang napagtanto kung
gaano kasarap pakinggan.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Dinama ang lamig ng kaniyang kamay at hinayaang lamunin ng kawalan
ang aking utak at kaluluwa.

Philippines 2006

“Aray”

“Sorry po sir” paumanhin ng mga estudyanteng bumato ng eraser na tumama sa akin. Ngumiti na lang
ako sa kanila at ipinapatuloy ang aking paglalakad.

Dumaan ako sa ilang classroom ng eskwelahan at sinikap na balikan ang mga nangyari noon. Napangiti
ako sa isiping na naging masaya ako sa aking buhay dati.

“Awwtss” bigla akong napahawak sa rehas na bakal ng bintana upang hindi matumba ng biglang
bumuhos ang tubig mula sa baldeng galing sa loob ng classroom.

Parang nangyari na ito noon sa akin kaya hindi ko maisip na hindi mangiti. Pinabayaan ko na lamang ang
mga estudyanteng naglalaro sa hallway. Pinagdaaan ko rin naman ang kanilang ginagawa ngayon.

Umikot ang aking mga mata at tinungo ang opisina ni Enlil.
Punog puno na ng mga magaganda at guwapong estudyante ang eskwelahan. Ilang taon na ba ang
nakakalipas simula ng makapag aral ako dito? Dalawang taon?

Bumaba ako sa hagdanan papunta sa opisina ng Dean ng masabit ang aking damit sa nakausling pako
sa pader. Napamura na lang ako ng lihim. Napakamalas ko talaga kahit kailan. Kahit saan ako magpunta
o kahit ano ang aking gawin ay talagang hindi maaring hindi ito magtapos sa aksidente.

Pumasok ako sa faulty room at pinagmasdan ang lalaking nag aayos ng kaniyang gamit. Umupo ako sa
kahoy na upuan sa tabi ng bintana. Hinayaan kong tumama sa aking mukha ang mainit na sikat ng araw.

Napakapayapa ng paligid. Parang musikang sumasabay sa hangin ang inagy ng ilang estudyante na
naglalaro sa di kalayuan.
Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa aking baba at pinagmasdan ang berdeng mga dahon ng
malaking puno sa labas ng bintana. Ang maliliit nitong bulaklak na kulay dilaw ay walang tigil sa
pagbagsak sa tuwing magagalaw ng hanging pumapalo sa bawat sanga nito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at lumanghap ng hangin. Ganito rin siguro ang aking naramdaman ng una
kong langhapin ang buhay estudyantesa eskwelahan. Ang mahhinang boses ng ibang professor ay
parang mga batang nagbubulungan na halos hindi umabot sa aking pandinig.

“Sana ako ang dahilan ng ngiti mong yan”

Nakiliti ako sa aking pagkakapikit ng maramdaman ang mainit na hininga ni Enlil sa aking tenga. Ang
kaniyang kamay na may hawak hawak na brief case ay nakayakap sa aking tiyan.

Isinandal ko ang aking sarili sa kaniyang didbib at itinuloy ang aking paghanga sa ganda ng paligid.

Bibihira na kasi ang eskwelahan na talagang inaalagaan ang kanilang mga puno at halaman.

“Paano kung hindi?” tanong ko sa kaniya na tinutukoy ang laman ng aking isipan

“Hindi kita tatabihan sa pagtulog mamaya..” anitong kinagat ang aking leeg na nag iwan ng maliit na
marka

“Ganun? Papayag ka bang matulog ako sa sala?”

Iniharap niya ako sa kaniya. Nagtitilian ang ibang babaeng professor sa kasweetan naming dalawa.

Humingi na lang ako sa kanila ng pasensiya ngunit agad hinawakan ni Enlil ang aking mukha at iniharap
ito sa kaniya.

“Hindi ko kakayanin na matulog na hindi ka katabi….tsaka hindi naman pupwedeng gawin ko ang bagay
na iyon ng mag isa” nangingiti nitong sambit sabay kindat sa akin ng makahulugan. Ilan taon na kaming
magkasama ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi mamula.

Inakay ko na siya palabas upang makaalis na kami sa lugar na iyon. Nagsisimula na kaming pag usapan
ng ibang mga professor. Mahirap na. Isa na siyang ganap na ROTC trainer kaya kailangan niyang
maging wholesome. Magiging pangit lamang kung may makakakita sa aming mga estudyante na
naglalandian.

Siya na rin ang nagmamanage ng negosyo nilang construction at development company pagkatapos mag
retiro ng kaniyang amang heneral.

“Happy 4th year anniversary Namtar”

“Happy Anniversary din Enlil..”

Hinalikan niya ako sa labi bago kami sumakay ng sasakyan. Apat na taon na kaming magboyfriend and
counting. Masaya ako na kaya ko rin palang umabot sa ganito kahabang relasyon.

Agad kong pinaandar ang kotse.Nais ko nang makauwi agad. Excited ako na ipatikim sa kaniya ang
pagkaing aking inihanda. Kung magugustuhan niya ito ay maari ko itong ipasama sa catering para sa
nalalapit naming engagement.

“Samahan mo ako bukas ha..” ani ko sa kaniya habang nagmamaneho. Napatingin siya sa akin habang
may kinakalikot sa kaniyang laptop.

“Hmm..saan?”

“Gusto kong bumalik sa therapist ko….gusto kong maalala ang sarili ko bago tayo ikasal..” nakangiti kong
sambit habang minamaniobra ang sasakyan paliko sa aming subdibisyon.

Ikakasal na kami ni Enlil isang buwan sa Canada kung saan legal ang parehong lalaki. Ngunit sa isang
linggo na ang aming engagement na dadaluhan ng ibang kilalang bisita mula sa military at gobyerno. Sa
apat na taon naming maging magkasintahan ay pumayag na rin ang kaniyang ama na kilalang kontra sa
aming relasyon dahil sa pagiging isang sundalo. Tanging ito lang naman ang kumontra ng sobra. Boto
nman sa akin si Tita Debbie kaya walang problema. Subalit gusto ko lang malaman kung nasaan ang
aking pamilya at kung anong buhay meron ako dati.

“Okay ka lang? May masakit ba?” tanong ko ng makita ang kaniyang maputlang mukha. Ang kaniyang
noo ay puno ng pawis kahit malakas naman ang aircon ng sasakyan.

“W-wala. Bakit mo biglang naisip na pumunta doon?”

“Nalungkot lang ako habang pinagmamasdan ang mga estudyante kanina..naaalala ng katawan ko ang
lugar pero hindi ko mabigyan ng magandang kahulugan. Teka ayaw mo bang maalala ko?” nakanguso
kong sambit na nagpangiti sa kaniya.

“Hindi naman”

“So sasamahan mo ako?”

“S-sige”

Sa sobrang katuwaan na aking naramdaman ay bigla kong naapakan ang silinyador na naging dahilan ng
matulin naming takbo. Natawa na lang ako sa kaniyang mukha na agad kinuha ang seatbelt sa upuan.

Lihim akong nagpapasalamat kay Enlil dahil sasamahan niya ako. Simula ng mangyari ang insidente sa
kanilang bahay ay wala na akong ibang matandaan. Nagising na lamang ako sa ospital na siya ang
katabi. Kung wala pa nga siyang larawan naming dalawa ay hidni ako maniniwalang siya ang aking
nobyo.

Ayon kay Tita Debbie ay nilooban ang kanilang bahay ng mga magnanakaw. Nabaril si Tito Steve at Enlil
dahilan para ma ospital din sila. Sa tuwing makikita ko nga ang pilat ni Enlil sa tiyan at sa balikat ay
gusto kong maawa sa kaniyang sinapit. Pero kahit anong tanong ang gawin ko para malaman kung
nahuli na ba at kung sino ang mga nakapasok ay iniiba niya ang usapan na parang may itinatago.

Hindi na lang ako nagusisa pa dahil hindi lang sila ang naging biktima. Ayon kay Tita ay naroon ako para
sa isang family dinner ng matamaan ako ng bala sa aking hita at isa sa aking dibdib. Bumagsak ang
aking ulo sa ilang piraso ng nabasag na bote dahilan upang mawalan ako memorya. Kinailangan ko pang
mag theraphy ng halos apat na buwan upang maibalik lamang ang aking normal na paglalakad.

Mahigit isang taon na rin ng itigil ko ang theraphy para maalala ko ang aking nakaraan dahil wala namang
nangyayari. Kinailangan ko pang pumuslit kung minsan dahil tila wala namang nangyayari sa kinuha
nilang duktor.

”Masarap ba?” tanong ko kila tita habang kinakain ang luto kong caldereta

“Masarap” sabay na sambit nila Tita Debbie at Tito Steve

Napatalon ako sa tuwa dahil ilang linggo ko na ring pinapagaralan ang putaheng ito na ayon sa head ng
mga katulong ay paboritong paborito ni Enlil

“Ikaw Enlil kumusta? Gusto ko sanang ilagay ito sa menu para sa ating engagement next week”

“I don’t like it” ani Enlil na nagpabagsak ng aking enerhiya

“O-okay..I guess kailangan nating magpacate-“

“…sinceI love it” anitong nagpangiti sa akin.

“But what I love the most about the dish was the person who made it…and I will eat anything that person
cooks”

“Get a room please” nakataas ang kilay ni Tito Steve na nakangiting nakatingin sa amin.

Napuno ng halakhakan ang buong lamesa. Isa lang ito sa mga araw na wala akong pinoproblema kundi
ang isipan kung magkakaroon pa ba kami ng problema sa hinaharap. Masaya silang kasama. Tanggap
ng pamilya ang aming relasyon, at higit sa lahat mahal naming lahat ang isa’t isa.

Inaya ko na ring makisalo ang dalawang katulong ngunit nahihiya pa rin ang mga ito. Ngumiti na lang ako
sa kanila at sinabayan sila Enlil sa pagkain.

Lumipas ang mga araw na puno ako ng saya. Hindi ko man lagi naabutan ang therapist na dapat sana ay
titingin sa akin ay masaya pa rin ako. May sorpresa sa akin si Enlil na hindi niya raw naipakita sa akin ng
minsang magkasunog ang aking apartment.

Duon rin gaganapin ang aming engagement mamaya dahil iyon na ang kaniyang regalo sa akin bago
kami tumulak papuntang Canada.

Alas tres pa lang ng hapon. Isang oras ang biyahe papunta roon at alas sais pa naman ang aming
engagement. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngunit alam kong naguumapaw ito para
kay Enlil.

“Hello honey” ani Enlil ng sagutin ko ang telepono

“I’m on my way na..” sambit ko hang nagsusuot ng damit

“Ingat ka sa pagdadrive ha…I’ll see you soon Mr. Namtar Brinns”

“Ikaw din ingat..”

Napahiga ako sa malambot naming kama. Hinayaan ko nang matanggal ang tuwalyang tumatakip sa
aking katawan dahil ako lang naman ang mag isa. Kinikilig pa rin ako sa tuwing iisipin na ilang oras na
lang ay engage na ako sa taong minamahal ko ng sobra.

Isinuot ko na lang ang isang simpleng t-shirt at shorts. Agad akong lumabas ng bahay pagkataos
magpaalam sa mga katulong na naging kaibigan ko na rin. Halos walang katao tao ang buong kabahayan
dahil lahat ay nasa kabilang okasyon.

PInaandar ko ang sasakyan. Binaybay ko ang kahabaan ng Edsa at tinawid ang daan patungong
Tagaytay. Sinigurado kong aabot ako ng mas maaga upang makapag ayos pa ng couple suit na
ipinagawa ni Tita sa isang kilalang designer.

Napakasweret ko na sila ang aking magiging pamilya hanggang sa aking pagtanda. Wala na akong
hihilingin pa maliban sa san ay makapunta ang aking ga kamag anak kung meron man.

Lumipas ang mahigit isang oras ng marating ko ang subdibisyong hindi ko mapaniwalaang nasa Pilipinas.
Para akong nasa ibang bansa ng ipasok ko ang sasakyan sa subdibisyon. 
Magagara ang lahat ng mga
bahay na hangosa mga disenyo ng bahay na makikita sa ibang bansa at matatagpuan sa buong mundo.

“Sir that way po papunta sa Arcadilla st” sagot ng guwardiya ng magtanaong ako ng direksiyon.

“Salamat kuya”

Agad kong pinaandar ang sasakyan at tumigil sa harap ng isang puting puting bahay na napapalibutan
ng naglalakihang pine trees. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa malaking bulawagan na halos
kayang magkasya ang tatlumpung sasakyan. May mga taong nagkakabit na ng mga dekorasyon ng
makita ko si Tita na punong abala sa lahat.

“Your’re early hijo..”

“Pupunta lang po ako sa taas….magbibihis”
Kinakabahan ako. Nanlamig bigla ang aking pakiramdam ng pumasok ako sa loob ng bahay.

Pinasamahan ako ni tita sa isang katulong upang mahanap ang masters bedroom kung saan nakalatag
ang dalawang pares ng suit. Hindi pa man ako nakakapagpalit ng bilagng tumawag muli si Enlil.

“Did you like the house?”

“Oo.” Sagot ko na nakatingin sa ilang paintings sa loob ng kuwarto. Ang bahay ay purong puti na
napapalibutan ng naglalakihang glass doors. Dahil napapalibutan ng mga halaman at maliit na garden sa
harapan, saktong sakto lang ang mga salamin upang ma enjoy mo ang view kahit na sa loob ka ng
bahay.

“Pumayag na si mommy na magsarili tayo after nating ikasal..and that’s gonna be our love nest”

Napaiyak ako sa kaniyang sinabi. Never in my wildest dream ika nga ang nangyayari sa akin ngayon.

Wala akong pamilya, wala akong bahay, wala akong kahit anong records na matatawag sa akin..pero
magkakaroon na ako ng lahat ng iyon dahil kay Enlil, dahil ako ang napili niyang mahalin.

“Are you crying?”

“No. Sige na nga..magaayos pa ako..kita na lang tayo mamaya”

“Ok. Love you NAM”

Ibinaba koang telepono ngmay biglang maalala sa kaniyang sinabi. Ngayon lang niya ako tinawag na
NAM. Kahit kelan ay hinid niya ako binigyan ng palayaw maliban sa honey. 
Inalis ko na lang muna sa
aking isipan ang kaniyang sinabi at naligo ng mabilisan.

Isinuot ko ang kaparehas ng kaniyang damit at inilatag sa kama ang para sa kaniya. Nasa biyahe na siya
at ilang isang oras na lang ay engagement na.

Nilibot ko muna ang buong pangalawang palapag ng madaan ako sa isang maliit na bodega. Binuksan ko
ito ngunit wala itong kalaman lamang maliban sa isang malaking parisukat na nababalutan ng tela.

Gumana ang kyuryusidad sa aking katawan at tinanggal ang telang nakabalot dito. Hinawakan ang maliliit
na piraso nasa loob at kinuha ang bungkos ng papel na nakatago. Hindi ko maiwasang hindi maluha
habang pinagmamasdan ang mga ito. Sumakit ang aking ulong napaupo sa sahig.

“Anong nangyari? Saan ka pupunta?” ani Enlil na agad iniharang ang kaniyang sarili sa harap ng aking
sasakyan. Kababa lang niya mula sa kuwarto at nagsisimula na rin ang kasiyahan sa bakuran ng bahay.

Bumusina ako ng malakas upang umalis siya ngunit agad lang itong sumakay sa kanang upuan.

Ang ilang mga bisita ay isa isang tumingin sa aming direksiyon. Bumaba na lamang ako ng sasakyan at
tinahak ang daan pababa ng bahay. Sinundan niya ako ngunit agad kong iwinaksi ang kaniyang kamay
na ipinangpigil niya sa akin.

“What’s the problem NAM? Our engagement already started and mom needs us to be there”

“NAM? NAM? Ngayon mo lang ako tinawag na ganiyan Enlil.. at ngayon lang din ako natauhan..”

“Hindi ko maintindihan”

“Hindi ko na itutuloy ang engagement,..hindi ko na rin itutuloy ang kasal natin..” naiiyak kong sambit at
naglakad muli.

Tumakbo si Enlil sa aking harapan. Hindi ko siya matingnan. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Hindi
ko kaya. Nangliliit ako.

“Let’s talk about this..okay..kinakabahan ka lang…nandito ak-“

“NO! I don’t deserve you.Wala akong karapatan maging masaya..wala akong karapatan na itali ka sa
akin..”

Tumakbo ako ng mabilis. Nanlalabo ang aking mga matang tinahak ang daan palabas ng subdivision.

Ang malamig na simoy ng hangin ay lalong nagpapahirap sa aking nararamdaman.

“Please..don’t do this to me.. you’re my end and my beginning Namtar. Let’s talk about this”

Pinagmasdan ko siyang lumalapit sa akin. Dahan dahang tinatanggal ang bow tie at itinapon ito sa
kalsada. Napasigaw akong humahawak sa aking ulo. Sumasakit ang aking ulo. Para itong binibiyak sa
hindi ko mawaring dahilan.

“AHHHHHHHHHh”

Niyakap niya ako at hinawakan ang aking mukha. Hinalikan ang aking labi ng mdiin. Walang pakialam sa
luhang humalo na sa aking sipon. Napahawak ako sa dulo ng kaniyang damit sa panghihina.
Hindi ako maaring maging masaya. Wala akong karapatan.

“Tell me what’s going on..”

“Wala akong karapatan…wala akong karapatan na makasama ka habang buhay Enlil..”

“Don’t say that..I love you and that’s what matters”

“NO! You don’t understand…malas ako. Ipinanganak akong malas, lumaki akong malas.. at mamamatay
akong malas..” humahagulgol kong sambit.

Bumitaw sa akin si Enlil. Napatingin ako sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay nagsimulang pangiliran ng
luha. Napasubosb siya sa kalsadang umiiyak. Hindi maintindihan ang halo halong ekspresiyon sa
kaniyang mukha.

“Bakit mo binuksan yun? Bumalik na ba alala mo?” tanong niyang nagsusumamo

“Oo..”

“Please Namtar..huwag mo akong iwan..hindi ko kakayanin”

Napatingala ako sa langit. Paano bang nangyari ang lahat ng ito? Bakit halos lahat ng problema ay
itinambak niya sa akin? Bakit kailangang patuloy akong nagdurusa?

Ibinigay ko sa kaniya ang singsing. Hindi ako karapat dapat. Bumalik na sa akin ang aking alaala. Mga
alaalang mas mabuti sanang hindi ko na ipinagpilitan pang maibalik.

Ngayong alam ko na ay hindi ko alam kung paano haharapin si Tito na muntikan ng mamatay dahil sa
akin. Maraming nangyari dahil sa akin. Maraming namatay para sa akin. 
Namatay ang aking Ina dahil
malas ako. Namatay ang buong nayon dahil malas ako. Ako na isinumpa na Diyos ng Kamatayan.

Hindi pa ako nakuntento. Idinamay ko pa pati si Fade na naging isang mabuting kaibigan lang sa akin. Si
Riko, si Erik at lahat ng mga taong namatay dahil sa akin. Nasa kamay ko ang dugo na dahilan ng
kanilang kamataya. Hindi ko hahayaang magpatuloy pang madungisan ang kamay ni Enlil dahil sa akin.

“Gusto kong mabuhay ka ng mapayapa…pabayaan mo na ako Enlil”

“Hindi pwede..please Namtar…huwag mo akong iwan”

“Mahal na mahal kita Enlil..at sana makahanap ka ng tamang taong mamahalin”

“Mahal din kita kaya nagawa ko yun..wala akong hindi gagawin para sayo”

PInagmasdan ko siya na napaluhod sa kalsada. Napatingala ako sa langit. 
Bakit nagawa ko pang
mandamay? Bakit hinayaan ko pang may masirang buhay dahil sa akin?

Tumalikod ako sa kaniya. Puno ng luha ang aking mga matang nagsimulang humakbang palayo. Walang
nangangailangan ng aking buhay dito sa mundo. Nabuhay ako kahit hindi na dapat.

“Nagawa ko lang naman lahat ng iyon dahil sayo.. gusto kong pagbayarin lahat ng mga taong umapi
sayo…” ani Enlil na umiiyak

“Hindi mo na kailangan gawin iyon..pinapatawad na kita. Wala kang kasalan..nasa kamay ko ang
konsensiya ng mga taong iyon..”

“Huwag mo akong iwan.. NAMTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAR”

Tumawid ako sa kalsada habang pinagmamasdan siya. Hindi ko mapaatawad ang aking sarili. Dahil sa
aking ay nagawa niyang pumatay. Nagawa niyang bawiin ang buhay ni Riko at Erik kasama na ang mga
kasamahan nito dahil sa kanilang ginawa.

“Huwag mo na akong sundan Enlil… magbagong buhay ka.. at magmahal muli….” Ani kong lumuluha.

Ang ilang buhay na kaniyang binawi kahit ng nasa Iraq pa kami ay nakalistang lahat sa kanyang maliit na
notebook sa bodega. Kumpleto ang lahat ng mga taong pinagbayad niya para sa kapakanan ko . Ang
mga kamag anak ko, ang mga kaibigan ni Erik na gumulpi sa akin, si Fade na dahilan kung bakit sinunog
niya ang bahay ko. Ang pagpatay niya kay Riko ng ako ay maospital pagkatapos ng insidente. MInahal
niya ako pero ginawa ko siyang mamamatay tao.
Walang akong ideya na ang pagmamahal niya sa akin ay ganuon katindi. 
Ganoon kalakas na ang
pamamahal ko pa ang magtutulak sa kaniya na maging masama.

“Hinde ako papayag na malayo ka sa aki-“

Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng bigla siyang tumilapon pagkatapos mabundol ng motor
na nagkapira piraso sa lakas ng impact.

“ENLILLLLLLLLL”

Nagdalawang isip ako kung lalapitan siya. Ang kaniyang duguang mukha ay halos hindi makilala sa dami
ng dugong dumadaloy mula dito. Gusto ko nang lumayo, pero umiiyak ang puso ko na pinagmamasdan
ang hirap niyang kalagayan.

“ENLILLLLLL….Mabuhay ka…….”

Binuhat ko siya at napaupo sa gitna ng kalsada. Ang kaniyang kanang braso ay halos mabali sa
pagkakabaliktad nito.

“Mahal na mahal kita.. “sambit ko.

“M-m-a-ha-a-l din kita Namtar…”

“Bakit ka nagpasagasa? Hindi na magbabago ang desisyon ko!” naluluha kong sambit

Pinunasan ko ang kaniyang mukha ng bigla itong sumuka ng dugo kasabay ng pagtirik ng kaniyang mga
mata.

“I r-rather d-die kung wala k-“

“Huhuhuh.. huwag kang magsalita ng ganiyan dahil hindi ako karapat dapat sayo…”

“Ikaw lamang ang gusto ko..”

Napalaylay ang kaniyang mga braso sa aking hita. Napasigaw na ako ng tulong ngunit walang
dumarating na sasakyan. Ang driver ng motor ay nakahiga pa rin at hindi gumagalaw.

“TULONGGGG!”

“Mabubuhay ka Enlil…”

“N—nam..”

“Sige babalik ako..mabuhay ka lang.. huwag mo lang dagdagan ang buhay na mawawala dahil sa akin…
lumaban ka Enlil”

Sumigaw ako ng malakas.Ang ilang bisita na sumunod sa amin ay nakita ang aming kalagayan ngunit
walang gustong tumulong. Lahat sila ay parang tangang nakatulala sa nangyari.

“Enlil..pleaseeeee…”

“Alam mo bang hindi ako naniniwala na malas ka. Kahit kailan ay hind ako naniwalang malas ka..”

“Huwag na nating pag usapan ang mga bagay na yan.. TULONGGGGGGGG..TULUNGAN NIYO
AKOOO”

“I will do everything for you Namta ..e-except asking me to forget you..”

“Tumigil ka na nga..hindi na ako aalis..kaya lumaban ka” natatawa kong naiiyak na biro. Namumutla na
ang kaniyang mukha ay tuloy tuloy ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang mga braso.

“I will go anywehere with you…It was my fate to love you Namtar”

“Enlil…”

Binuhat ko siya. Nabahiran ng dugo ang aking damit ngunit wala na akong makita sa aking dinaraanan.

Tanging siya lang ang aking iniisip. Nais ko siyang gumaling at kalimutan ako. Nais ko siyang magbago.

“I was fated to love you.. just like what your name really means. You weren’t Namtar the God of Death.
You were simply Namtar that means FATE and I’am Enlil the WIND. My wind brought our fates
together….i was fated to love you”

Napaluha ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko kailanman pinagdudahan na para talaga kami sa isa’t isa.

“I love you too Enlil. If fate brought us together….then I asked destiny to let us be together FOREVER!”

Nakarinig ako ng malakas na busina pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Napayakap ako
sa katawan ni Enlil ng tumama ang mabilis na bus sa aming dalawa. Ramdam ko ang pagkabasag ng
mga buto sa aking katawan,. Ang pagkalasog lasog ng aking mga laman bago tuluyang lumipad ang
natitirang buhay sa aking katawan.



                                                               The End

When A GOD Dies (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin