Chapter XXIII Flower Blooms Even in Dryland

1.1K 42 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

ENLIL's POV

Naglakad siya. Hawak hawak sa kaniyang kanang kamay ang manika habang gumagawa ng guhit sa
maalikabok na daan ang kamay ng bata na kaniyang hinihila. Tumakbo siya ng paikot ikot at ginamit na
pangguhit ang maliit na braso ng bata saka tumawa ng malakas. Tumawa na parang isang taong
nauubusan na ng katinuan.

Siguro nga nababaliw na siya. Nababaliw na siya sa kasiyahang kaniyang natutunghayan. Isa isang
namamatay ang kaniyang mga ka nayon ngunit mas ang kaniyang katuwaan kesa sa kalungkutan.

"T-tulungan m-mo akoo"

Itinigil niya ang kaniyang ginagawa at umupo sa harap ng matandang babaeng putol ang dalawang paa.

Ang hirap sa mukha nito ay kitang kita sa tuwing hahampas ang makapal na alikabok sa nakabukang
sugat. Ang itim na belo na nakatakip sa mukha nito ay inililipad ng hangin kasabay ng paggulong ng mga
prutas sa butas nitong lalagyan.

Kinuha niya ang kamote. Gumawa ng isang kagat habang inaabot ang iba pa niyang prutas. Ngunit hindi
kayang kunin ng batang lalaki ang lahat gamit ang dalawa niyang kamay na may tangan tangan. Tuluyan
niyang ipinatong ang manika sa kaniyang hita kasama ng kamay na nababalot na ng alikabok.

"Tul-longgg"

"Sana makapunta ka sa langit, salamat sa pagkain..." sambit ng bata bago tuluyang tumayo at iwanan
ang matandang babaeng umiiyak.

Tumalikod siya at nagsimulang humakbang muli ngunit tumigil pasumandali upang pagmasdan ang
lupang kumapit sa luha ng matandang babae na halos tumatakip na sa kaniyag pisngi. Nakarinig siyang
muli ng pagsabog at ang pagkalat ng makapal na alikabok sa hangin ay agad na sumunod. Ang ilang
putok ng baril ay nagsimula na ring pumailanlang sa paligid kasabay ng mainit na sikat ng araw.

"Ma-aawa ka. Tulungan m-mo ako"

Lumapit siyang muli sa matandang babae. Kinuha ang ilang prutas na nagkalat pa sa kaniyang harapan
at isinilid ito sa kaniyang bulsa.

"Ayaw niyo po bang mag isa?" tanong niya na sinagot nito ng iling.

"Gusto niyo po ba ng kasama?" tanong niyang muli.

"O-oo."
Nginitian niya ang matanda. Ngiting kahit kelan ay tila hindi niya pa nagagawang ibigay kahit kanino.
Tumayo siya at iniwan ito sa lapag. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagkain habang yakap yakap ang
manika sa kaniyang dibdib.

Ipinagpatuloy ng bata ang kaniyang paglalakad at sinundan ang himig na kanina pa tumatagos sa
kaniyang pandinig. Nasumpungan niya ang kaniyang sarili na nakatingin sa harap ng gusaling may
malaking bakal na krus sa harapan.

Pumasok siya sa loob ng bahay at pinagmasdan ang isang babaeng naghihingalo habang kinakantahan
ang isang batang lalaking kakaiba ang kasuotan.

“Mahal na mahal kita Enlil” sambit ng babaeng sinusuklay ng mga daliri ang buhok ng batang lalaki.

Tumatak sa kanyang isipan ang pangalan nito. Ito ang pangalan ng Diyos na namumuno sa buong
katauhan. Lumapit ang bata dito at umupo sa tabi ng babaeng kumakanta. Nginitian siya nito at pinahiga
sa hita kung saan nakaulo ang batang kasama nito.
Nginitian niya ang babae. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng init na hindi niya naramdaman
sa iba. Humiga siya sa kabilang hita ng babae at dinama ang init ng isang Ina. Ipinikit niya ang kaniyang
mga mata upang hayaang imemorya ang lahat ng bago, ang lahat ng pakiramdam na hindi sa kaniya
naipakilala.

Nakarinig ang bata ng mga pagsabog sa labas. Naisin man niyang alamin kung ano ang mga ito ay hindi
niya magawang imulat ang kaniyang mga mata. Natatakot siyang maputol ang init na nagmumula sa
kaniyang kinahihigaan. Natatakot siyang mawala ang isang bagay na matagal niya ring pinangrap.

Napakurap ang nakapikit niyang mga mata ng maramdaman ang pagtalsik ng ilang piraso ng bato sa
kaniyang mukha. Ang pagsabog ay unti unting lumalapit na gumigiba sa ilang haligi ng malaking bahay.

Iminulat niya ang kaniyang mga mata upang masindak sa kaniyang nasa harapan. Ang napakagandang
babaeng nakangiti sa kaniya ay puno ng dugo na halos tumakip sa mukha nito. Dahan dahan niyang
inabot ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang leeg ngunit wala na ang init na kaniyang naramdaman
kanina. Isa na itong malamig na bangkay. Ang luha sa mukha nitong nakatitig sa batang tinawag niyang
Enlil ay naroroon pa rin at hindi natutuyo.

Napasigaw ang bata habang nakamasid sa kay Enlil na nakatayo sa kaniyang harapan. Napaatras siya
sa kaniyang likuran ng hindi tumitingin. Patuloy ang bata sa paglapit nito sa kaniya hanggang sa
maramdaman niya ang rebulto sa gilid ng bahay. Nakaramdam siya ng malakas na pagyanig bago
naramdaman ang malakas na pagtama ng kaniyang ulo sa pader.

Iminulat niya ang nanlalabong mga mata at tumingin sa batang nadaganan ng mga batong dapat ay para
sa akin. Pinagmasdan niya ng batang duguan ang mukha ngunit nakangiting nakatingin sa kaniya.

“Mabuhay ka..” sambit nitong pilit na inaabot ang kaniyang kamay. 
Sinubukan niyang abutin ang kamay
nito bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ang bata sa katahimikang bumabalot sa kapaligiran. Iniikot niya ang kaniyang paningin ngunit
wala siyang ibang makita. Ang kadiliman at mabigat niyang mga mata ay tila nagkasundo upang hindi
siya bigyan ng pagkakataong malaman kung ano na ang nangyayari.

“Patay na ba ako?” hindi niya maiwasang hindi tanungin ang kaniyang sarili.

Napaupo siya sa sahig ngunit agad ding napahiga dahil sa pamamanhid ng kaniyang mga paa. Minasahe
niya ito ng dahan dahan upang muling dumaloy ang dugo. Ang kaniyang tiyan na walang laman ay
sumasakit na ng sobra.

Sinubukan niyang muli at naglakad palabas. Wala siyang ideya kung ilang araw siyang nakahiga sa
malamig na lugar na iyon. Ngunit sa katahiikan pa lang ng lugar ay may kung ano anong bagay na ang
pumapasok sa kaniyang isipan.

Hinintay ng bata na sumikat ang araw sa Silangan bago nagsimulang maglakad. Wala na ang batang
nagligtas sa kaniya at tanging nangangamoy na mga bangkay na lamang ang kaniyang inabutan.

Pinagmasdan niya ang buong nayon. Sa tulong ng papasikat na araw ay wala man lang siyang makilala
kahit saan siya tumingin. Ang mga bahay ay wasak na wasak. Ang mga taong nakatira dito ay hindi na
makilala dahil sa pagkalasog lasog.

Nilakad niya ang kahabaan ng nayon na kanilang sakop. Pinalipas ang tatlong araw at apat na gabi
upang makarating sa ikatlong bayan kung saan may mga tao nang nakatira.
Wala na siyang babalikan pa roon dahil siya na lang ang natitirang buhay. Dito. Dito sa bagong bayan
siya magbabagong buhay. Dito na walang manghuhusga na isa lamang siyang mahirap.

Alam niyang mahal siya ng Diyos. Hindi ng Diyosang Nintur dahil wala itong ginawa sa kaniyang
paghihirap. Mahal siya ng Diyos ng Kamatayan. Ang Diyos na hinayaan siyang mabuhay, ang Diyos na
kinuha ang mga taong nagmalupit sa kaniya.

“Nandiyan na siya..huwag kayong tumingin dahil baka kayo na ang sunod niyang kunin” rinig niyang
sambit ng ilang taga ibang bayan.

Agad niyang kinuha ang ilang kamote at paninda ng mga taong nagsitalukbong ng mga ulo at lumuhod
ng walang nakikita.

Ibinulsa ng bata ang mga pagkain at ginaya ang ginagawa ng iba. Lumuhod siya sa lupang kaniyang
kinatatayuan kanina. Hinayaang makadaan ang lalaking kanilang sinasamba.

“Diyos naming Namtar…iaalay po namin mamaya ang preskong dugo ng hayop at pagkain sa inyong
kubo”

Napangat siya ng tingin dahil sa pangalan na binangit ng kaniyang katabi. Ngunit ang Diyos na nagligtas
sa kaniya na kaniyang gustong pasalamatan ay iba. Napako ang kaniyang mga mata sa mukha ni Enlil
na dumaraan. Ang mahabang telang itim na kinapitan na ng alikabok ay nakapaikt sa kaniyang katawan.

Nais niya itong lapitan ngunit nakaramdam siya ng kakaiba ng mapatingin sa mukha nito. Ang ngiti na
kaniyang naaalala dito bago siya nawalan ng malay ay wala na. Wala na itong buhay. Tila isa itong
bangkay na naglalakad gamit gamit ang maliit na tungkod. Ang kaniyang mga pata ay parang mata ng
patay na isda. Walang ekspresiyon. Walang Enlil na kaniyang nakilala dati.

“Enlil!” tawag niya dito ng biglang may humila sa kaniyang mga kamay.

“Huwag mo siyang bastusin kung ayaw mong mamatay” sambit ng matanda na pinandidilatan siya ng
mga mata.

“Pero-“

“Hindi siya si Enlil..mabait ang Diyos ng Sankatauhan. Siya si Namtar..siya ang Diyos na kumitil sa buong
nayon sa hilaga.

Hindi siya makapaniwala sa balitang kumalat sa buong nayon. Sinundan niya si Enlil. Nakita ito ng ibang
mga kabaryo na nakatingala sa langit. Nakatingala sa pulang langit habang tumatawa. Ang mga mata ay
patay habang nasa ibabaw ng mga bangkay na ito mismo ang kumuha.

Pinagmasdan niya sa malayo ang batang lalaki. Walang gustong maniwala sa kaniya na hindi ito si
Namtar. Ngunit kahit siya ay nagdalawang isip na hindi maniwala ng may mamatay sa harapan nito ng
mag alay ng pagkain at titigan siya sa mga mata.

“Magsimula ngayon ako na si Enlil at siya na si Namtar” sambit niyang nakangiti.

Pagsisilbihan niya ito. Iingatan at aalagan bilang ganti sa pagpapahintulot sa kaniya na mabuhay.
Sinundan niya si Namtar. Walang taong hinayaang makalapit dito para makasakit. Inalay niya ang walang
katuturang buhay para sa ikabubuti nito. Ang diyos na nagbigay ng pangalawang buhay sa kaniya, ang
diyos na hinayaan siyang magkaroon ng pangalan, ang magkaroon ng silbi ang kaniyang katauhan.

Lumipas ang araw. Lumipas ang linggo , buwan, hanggang lumipas ang dalawang taon. Dalawang taon
na pinagsisilbihan niya ito. Inaasikaso ang kaniyang mga pangangailangan ng hindi niya nalalaman.

Masaya si Enlil na pagsilbihan si Namtar. Unang araw pa lang niya itong nakita kasama ang Ina ay ibang
kapanatagan na agad ang kaniyang naramdaman.

“Para po sainyo Diyos na Namtar” sambit niyang inilapag ang ilang piraso ng prutas sa harapan nito.

Hindi niya ito narinig na nagsalita. Dati rati naman ay magpapasalamat ito na hindi gawain ng isang
Diyos. Iniangat ni Enlil ang kaniyang mukha upang magulat sa mukha nitong nakatitig din sa kaniya. Ilang
pulagada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa’t isa kaya kitang kita niya ang kalungkutan sa mukha
nito.

Ang mga mata nitong napakaitim ay parang tumatagos sa kaniyang dibdib. Tila binabasa ang laman ng
kaniyang puso na walang sinuman ang nakakaalam.

Pinilit ni Enlil na bawiin ang tingin ngunit tila namamagneto ang kaniyang mga matang ito lang ang
gustong tingnan. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Napalakas ng tibok ng kaniyang puso na tila
gustong sumabog. Habang pinagmamasdan niya ang guwapo nitong mukha ay parang gusto niyang
maiyak na matuwa. Marami siyang naiisip na bagay sa bawat titig nito.

“Umalis ka na diyan…” hinila si Enlil ng isang matandang babae.
Inilagay nito ang bang ang tubig at nagpaalam kay Namtar. Pinagmasdan ko ito habang hinihila kaya ang
maiitim na mata ni Namtar ay napalitan muli ng patay na ekspresiyon.

“Alam mo ba kung bakit hindi ka makagalaw?” tanong nito na tanging iling ang kaniyang naisagot.

“Kinukuha na niya ang kaluluwa mo…katulad ng kung paano namatay ang ilang lalaking napatingin sa
kaniyang mga mata ng matagal”

Sumungaw sa mukha ni Enlil ang malaking ngiti. Hindi siya natatakot dito. 
Hindi niya ikinakatakot ang
anumang bagay na gagawin nito sa kaniya. Si Namtar ang nagbigay ng kaniyang buhay kaya hindi niya
ipagkakait kung kukunin magdedesisyon itong kunin itong muli.
Iniwan na siya ng babaeng nagmamadaling umalis. Sinundan niya ito ng tingin at napansin ang ilang
kalalakiha na nakatayo sa ilang direksiyon ng kubo ni Namtar. Tila nagbabantay dahil sa mga sunod
sunod na pagkamatay ng ilang residente ng bayan.

Gagawin niya lahat. Hindi niya hahayaan kahit matatanda sa kaniya na lapastanganin ang pangalan nito.

“Diyos na Namtar..huwag mo munang kunin ang anak ko …maawa ka”

Pinagmasdan ni Enlil ang matandang babaeng nakaluhod sa harap ng kaniyang Diyos. Ito ang babaeng
kumuha sa kaniyan noong isang araw ng makatunganga siya kay Namtar.
Pinunasan niya ang dugo mula sa kutsilyong kaniyang hawak hawak. Ngumiti ng abot tenga at hinayaan
itong humingi ng patawad. Magbabayad silang mga taong hindi sumasamba sa kaniyang Diyos.
Mamamatay ang mga taong lumalapastangan dito

“Tama lang yan sainyo” sambit niyang umalis sa bintanang nakaharap sa kubo ng binata.

“Enlil…narinig mo na ba?” sambit ng batang patakbong humihingal kay Enlil

“Ang alin?”

“May mga rebeldeng gustong humuli kay Namtar. Ibibigay daw sa kabilang bayan para iaalay”

Nagtatagis ang bagang na luamabas ng bahay si Enlil. Pinuntahan ang lugar na itinuturong kuta ng mga
rebelde at nagplano ng atake. Hindi niya hahayaang mawala ang binat. Mas lalong hindi niya hahayaang
maging sakripisyo ito.

Sinugod niya ang lugar ng mga rebelde pagsapit ng dilim. Alam niyang pinapatnubayan siya ng Diyos ng
Kamatayan. Ang langit na dati rati ay nababalutan ng mga bituin ay tila nakikisama sa akin. Ang
makakapal na ulap na nagbigay ng mas madilim na kapaligiran ay nakatulong upang walang makakita sa
kaniya.

Sinilip niya ang kuta at dahan dahang pumasok. Hindi pa man siya nakakailang hakbang sa loob ng
maramdaman ang pagtutok ng baril sa kaniyang uluhan. Ang daanan na kanina lamang ay walang katao
tao ay napuno ng mga rebeldeng nakangisi habang nakatingin sa kaniya.

“Ipinagkanulo mo ako” mariin sambit ni Enlil sa batang lalaking kaniyang kasama. Agad nitong kinuha ang
piraso ng kamote at kinain.

“Wala naman ako napapala sayo. Puro ka Namtar Namtar Namtar.. pati pagkain ko iniaalay mo”

“Ikamamatay mo ang pagtraydor kay Namtar“

“Ikaw ang mamatay sa gutom” humahalakhak nitong sambit.

Itinali ng mga rebelde ang kaniyang mga kamay at paa. Inilagay sa gilid at ipinagpatuloy ang kanilang
paguusap. Naririnig ni Enlil ang plano ng mga ito at gusto niyang masuka. 
Ang luha sa kaniyang mga
mata ay hindi niya napigilang tumulo sa sasapitin ng binata.

“Mamamatay kayong la-“

Hindi na naituloy ni Enlil ang kaniyang sasabihin ng makarinig ng sunod sunod na putok ng baril.

Napatunganga na lamang siya ng biglang magiba ang pintuan ng bahay at pumasok ang mga sundalo.
Napadapa ako sa sahig ng makipagpalitan ng putok ang mga rebeldeng humuli sa akin.

Sinubukan ni Enlil na putulin ang tali na pumipigil sa kaniyang mga kamay. Kailangan niyang makaalis sa
lugar na iyon upang hindi siya mamatay. Nagpalinga linga siya sa buoang luagr upang siguruhing walang
makakakita. Ngunit ang inaasahang makakahuli sa kanya ay wala na. Tanging bangkay na lamang ng
mga rebelde at ilang sugatang sundalo ang nakaupo sa ilang bahagi ng bahay. Kumabog ang kaniyang
dibdib sa kaba. Ang pawis sa kaniyang noo ay tuluyan nang tumulo sa kaniyang mukha sa kawalan ng
hangin sa loob.

Pumuno sa pangamoy Enlil ang amoy ng dugo at mahihinang paghingal ng mga sundalong nakaupo sa
kaniyang tabi.

“Ligtas ka na”

Napatingin si Enlil sa nagsalita. Ang matandang lalaking huling pumasok sa loob ay may kakaibang aura
na hindi niya maintindihan. Agad nagsitayuan ang ilang sundalo at itinaas ang kanilang mga palad sa
kanilang noo na nagbibigay galang.

Pinagmasdan ni Enlil ang suot nitong damit na parang may inaalala. Sigurado siyang nakita na niya ito
dati. Pinagmasdan niyang mabuti ang mga maliliit na bituing nakasabit dito ng maalala ang ilang mga
sundalong sumugod sa kanilang bayan. Ang mga taong bumura sa kanilang bayan. Sa bayan nila ni
Namtar at mga Diyosang kanilang sinasamba.

“Huwag mo akong hawakan” ani Enlil na agad tumakbo palabas.
Subalit agad siyang naharangan ng isang sundalo at inihiga sa balikat nito.

“Dalhin niyo yan sa shelter. Sigurado akong nabiktima lang yan ng mga rebeldeng ito para gawing
freedom fighter”

“Bitiwan niyo ko”

“Huwag ka nang pumalag. Buti nga kinuha ka pa ni General”

Dinala si Enlil sa isang lugar kung saan hindi niya alam. Ang mga bagay sa loob nito ay bago sa kaniyang
paningin. May malaking bagay na kung anong papel na nakalatag sa malaking lamesa na may mga
larawan. May isang malaking bilog din na umiikot ikot na may nakaguhit katulad ng nasa lamesa.

Pumasok sa loob ng malaking telang bahay ang isang sundalong may dala dalang pagkain. Napalunok
ng laway si Enlil at inabot ang isang piraso ng karneng ngayon lang niyan nakita. Kumain siya ng marami
ngunit halos wala na siyang mapaglagyan. Hindi niya kakayaning maubos ang pagkain kahit ilang linggo
pa ang ibigay sa kaniya.

“Anong pangalan mo bata?” tanong ng General na binigyan si Enlil ng prutas. Hindi niya ito napansing
pumasok.

“Hindi na ako bata”

“Sige..anong pangalan mo binata?”

“Bakit niyo ba kasi ako dinala dito?”

“Gusto ko ang angas mo..pwede ka” sambit nitong uminom ng tubig

“Ako pala si Steve..anong pangalan mo ulet?” muli nitong tanong ng hindi siya umimik

“Enlil”

“Hmmm….so Enlil may pamilya ka pa ba dito?”

“Wala na”

“Gusto mo bang sumama na lang sa akin? Sa Pilipinas?”
Umiling siya sa alok nito. Hindi niya magagawang sumama sa isang taong ngayon lang niya nakilala. Isa
pa may tao siyang dapat bantayan. Ang taong nagligtas sa kaniya at patuloy na hinahayaan siyang
mabuhay.

“Bakit ayaw mo?”

“Gusto ko na pong umuwi” sambit niya at tumalikod. Umupo sa pinakasulok at itinago ang kaniyang
mukha.

“Pero wala ka namang uuwian..”

“Basta”

“Babalik ako bukas. Gusto kita Enlil na maging anak kaya pag isipan mo. Makakapag aral ka duon at
mabubuhay ka malayo sa ganitong lugar”

Humiga si Enlil sa sahig at tinalikuran ang heneral. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin nito.

Hinintay niyang makaalis ang matanda bago humig ang maayos. Pinagmasdan ang bubungan ng telang
bahay na kaniyang kinahihigaan. Humihingi ng sagot sa ilang tanong na sumagi sa kaniyang isipan.

Sumagi sa kaniyang isipan ang buhay na naghihintay sa kaniya kung pipiliin niyang sumama rito. Masaya
siya sa piling ni Namtar ngunit nagsasawa na rin siya sa takbo ng kaniyang buhay.

Gusto niyang makasama ng malapitan si Namtar ngunit hindi maaari dahil laging may mga taong
nakabantay dito. Tanging sa malayo lang niya ito nakikita.
Sawa na siya na ganitong sitwasyon. Ang mainit at tuyong lugar na kanilang tinitirhan ay tila wala nang
kinabukasan pang maibibigay. Kaliwa’t kanan parin ang awayan at bombahan ng mga tao sa paligid.

Walang ambisyon ang mga tao, kuntento na sila na makakain ng dalawang beses sa isang araw. Iba si
Enlil. May ambisyon siyang makasama si Namtar. Nais niyang magbago upang lalong mapalapit dito.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib na biglang sumakit. Pumasok sa kanyang isipan si Namtar na
maiiwan kung sakaling aalis siya. Iniisip niya pa lamang ang malungkot nitong mukha ay parang
natuturete na ang kaniyang utak sa pagsasabing huwag siyang sasama dito.

Alam ni Enlil na hindi lamang simpleng pasasalamat at pagsisilbi ang nararamdaman niya kay Namtar. Sa
loob ng dalawang taon na magkasama sila ay mas lalong lumalakas ang kaniyang pagnanais na
makasama ito. Ang pagnanais na makausap ito kahit ilang sandal, ang mahawakan ang kaniyang mga
kamay at magtanong kung bakit hindi niya maialis sa kaniyang mukha ang sobrang kalungkutan.

Dumating ang umaga at nagdesisyon siyang isama si Namtar sa kaniyang pag alis. Hindi siya sasama
kung hindi ito kasama. Ito ang dahilan kung bakit siya nabubuhay at tama lang na hindi niya ipagdamot
dito ang magandang buhay na ipinangako ni Steve.

“Pwede po bang isama niyo ang kaibigan ko sa pag alis natin?” sambit niya kay Steve na nakangiti sa
aking desisyon

“Sino ba yang kaibigan mo?”

“Si Namtar po..a-at espesyal mo siya sa akin..”

“Sige..ipapahanap ko siya mamaya bago tayo umalis”

Nagulat si Enlil sa sinabi ng heneral. Nagulat siya na agad itong pumayag ngunit hindi niya inaasahan na
agad silang aalis. Ang pangamba sa kanyang mukha ay biglang bumaha ng maisip na baka hindi nila
mahanap si Namtar.

Tumakbo siya palabas upang puntahan ito ngunit agad siyn hinarang ng mga sundalo. Umiyak siyang
nagmakaawa na sasama siya sa pagsundo dito ngunit tanging iling lang ang kanilang ginawa. Hinding
hinid sasama si Namtar sa mga lalaking ito lalo na at nakasuot pa sila ng damit na dahilan ng lahat ng
kamalasan ng binata.

“ALAM KO KUNG NASAAN SIYA..ISAMA NIYO AKO” palahaw niyang pag iyak ngunit tila walang
nakarinig dito.

“Kami na ang bahala Enlil”

“Pero Stev-”

Buong hapon akong nagpilit tumakas. Bung hapong umiyak at nagmakaawa. Buong hapong naghintay
kay Steve ngunit walang Namtar na dumating.

Nagising si Enlil sa masarap na amoy ng iniinom ni Steve. Napatayo siyang bigla ng makita ang mga ulap
sa labas ng bintana. Agad niyang sinuyod ng tingin ang mga taong nakaupo sa upuan ngunit walang
Namtar siyang nakita.

“Steve!” sigaw niya na ikinatingin ng mga tao. Ang luha ay namumuo sa kaniyang mga mata habang
niyuyugyog ang heneral sa pagkakaupo.

“Pasensiya na Enlil..”

*****

Tumayo si Enlil sa pagkakaupo sa puntod ni Namtar. Binura ang luha sa kaniyang mga matang hindi
napigilang magbalik tanaw. Nasasaktan siya na ang taong kilalang kilala niya ay galit na ngayon dahil sa
pagtatago niya ng katotohanan.

Hindi siya papayag. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at pinatakbo ito ng mabilis. Hindi niya pa
inilibing ang pag ibig nito. Natatabunan man ng galit ang puso nito..alam niyang naroroon pa rin ang
pagmamahal ni Namtar sa kaniya.

“Mahal na mahal kita Namtar. I knew I love you then, but I loved you more when I saw you again....that’s
one truth I know will never change no matter how much time passes”



Itutuloy……..

When A GOD Dies (COMPLETED)Where stories live. Discover now