Chapter VIII - Heart Beats...

1.7K 66 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

 NAMTAR's POV

“Fade si Riko at si S-sir Enlil, klasmeyt at professor ko sa ROTC… uhmmm siya naman si Fade kapitba-“

“Matalik niyang kaibigan” agaw ni Fade sa aking sasabihin at agad nagtapis ng tuwalya. Tinuyo nito ang basang palad at nakipagkamay sa dalawa.

Ngumiti na lang ako sa kanila at inaya silang mag almusal sa pancit canton na aking niluto. Ang tunog ng aking paang mabigat na humahakbang papunta sa lamesa ay ramdam na ramdam ko. Ang mga titig nila sa aking likuran ay parang bumubutas sa aking pakiramdam.

Wala akong ideya kung ano ang kanilang iniisip. Marahil ay marami ng haka hakang nagsusulputan sa kanilang utak kung paanong nagkaroon ng hubad na lalaki sa aking kuwarto.

Kinuha ko ang plato sa lalagyan ng muntikan ko nang mabitawan ito.  Hindi ko napansin ang paglapit ni Enlil sa aking likuran at ang maagap niyang pagsalo dito.

“Pasensiya na. Ihahanda ko lang yung panci-“

“No need. I brought some foods para may makain ka” anitong siya na ang kumuha ng plato. Pinaupo niya ako sa aking sariling bahay at naghanda ng makakain na tila siya ang nakatira duon.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya na gumalaw sa loob. Ang kaniyang putting long sleeves ay nakatupi hanggang siko. Binuksan niya rin ang dalawang butones sa itaas kaya kitang kita ko ang kaniyang matipunong dibdib.

Yumuko ako at inabot ang aking kubyertos ng mapansing tatatlong pares lang meron ako. Tiningnan ko ang lagayan kung meron akong plastic na kutsara at tinidor ngunit wala  akong makita.

“Are you sure he’s just a friend?” tanong ni Enlil na ikinatingin ko sa kaniya. Sasagot na sana ako ng lumapit sina Fade at Riko sa lamesa.

“Kainan na pala, amats pala tong dala niyo prof. Naubos enerhiya ko kay NAM kagabi eh” ani Fade na aking ikinapula. Sinipa ko ang kaniyang paa ngunit hindi man lang ito umaray.

“Bakit mo pa ginawa yun NAM kahit may sakit ka na? Magpahinga ka naman kahit minsan” ani Riko na agad lumapit sa akin.

Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo upang makakain na sila. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Riko at lalong hindi ko alam kung anong ipakahulugan ni Fade sa kaniyang sinabi.

“Tatlong pares lang pala kubyertos ko. Kayo na muna kumain. Mamaya na ako”

“HINDE” sabay sabay nilang sagot na aking ikinagulat.

Balak ko sanang bumili ngunit wala akong alam na maaring bilihan sa labasan. Iskwater lamang ang aming lugar at patingi tinging asukal at kung ano ano pang mumurahin ang tanging mabibili sa maliliit na tindahan sa harap. Sigurado ako na sarado pa ang ilang tindahan na iyon sa oras na ito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang kainin ang bawat isubo nilang pagkain. Para sa akin daw ang pagkaing kanilang dala kaya hindi maaring hindi ako kumain. Pinagmasdan ko ang kanilang mga eskpresiyon habang magkakaharap sa maliit kong lamesa. Nais kong matawa sa kanilang seryosong mga mukha at tahimik na paligid.

Nagpapakiramdaman ang lahat sa bawat isa. Gusto ko man silang itaboy palabas dahil sa maagang pangungunsumi sa akin ay hindi ko magawa. Nagpapasalamat na lang ako na naaalala pa nilang dalawin ako sa miminsang pagkakasama namin.

“Huwag ka na munang pumasok NAM. Sasabihan ko na lang mga prof natin na may sakit ka pa” ani Riko na tumayo at humiga sa aking kama.

“Salamat. Pero may mga assignments pa akong dapat tapusin”

When A GOD Dies (COMPLETED)Where stories live. Discover now