Chapter IV - GOD's a Cadet Officer??

2.3K 66 8
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

NAMTAR's POV 

“Your thesis was marvelous Mr. Uran. I knew you had it in you.“  bati ng aking professor dalawang linggo na ang nakakaraan.

Natatandaan kong nagpasa ako ng simpleng report tungkol sa kahirapan ng  hindi ko makuha sa lalaking nakita ko sa kalsada ang aking thesis.

“R-really?” nagaalangan kong pagkumpirma sa turan ng aking prof.

“Yeah. Your arguments about how ancient mythology started and the selection process for naming a GOD really made other professor turned in your worked to be put in the National Library.”

“T-thank y-you” nalilito ko pa ring sagot.

“I didn’t know you were such a GOD huh, keep it up” anito bago umalis.

Simula nga ng araw na iyon ay marami na ang nakakakilala sa akin. Ako kasi ang kauna unahang estudyante na nakapagpasa ng thesis na gagawing libro at ilalagay sa National Library. Sa kabila ng lahat ng iyon ay mas gusto ko sanang wala na lang nakakakilala sa akin. Hindi naman ito nag bunga ng maganda at mas lalo lamang nawala ang katahimikang dati rati ay nasa sulok lang para sa akin.

Nalaman ko mula kay Riko na isang lalaki raw ang pumunta sa eskwelahan para isoli ang nawawala kong thesis. Agad din daw itong umalis at hindi na nag iwan ng pangalan kaya hindi ko siya mapasalamatan. Ngunit nagulat ako ng makita ang aking report ng minsang bisitahin ko ito. Natatandaan kong minakinilya ko lamang ito at purong iginuhit gamit ang lapis at papel ang pagsasalarawan ko sa mga Diyos at Diyosa ng sinaunang panahon. Subalit ang thesis na ipinakita sa akin ng aking professor ay computerized at maganda ang pagkakagawa.

Narinig kong tumunog na ang bell –hudyat na oras na para sa susunod kong subject. Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga sa roof top ng eskwelahan. Hindi ko pa rin maintindihan kung saan nanggaling ang Thesis ngunit ilang araw na rin akong naghihintay pero walang nagsasbaing sila ang may gawa.

Tiningnan ko ang orasan sa aking braso. Alas kuwatro na ng hapon. Dalawang subject na lang at matatapos na rin ang aking klase. Naglakad ako sa corridor ng eskwelahan. Kapansin pansin ang mga titig na ibinibigay nila sa akin. Dumaan ako sa isang classroom. Agad  kong iniharang ang aking kanang braso upang harangin ang sampal ng babaeng muntikan nang tumama sa aking mukha. Walang ekspresyon ang aking mukha ng titigan ang boyfriend ng babae na dapat sana’y kaniyang sasampalin.

Ilang hakbang pa ang aking ginawa bago tuluyang tumabi sa gilid ng corridor. Isang bola sa baseball ang tumama sa babaeng aking sinusundan na dapat sana’y para sa akin. Hindi ko na kailangang tingnan pa kung sino ang bumato. Siya lang naman ang nagiisang siga sa eskwelahan na wala na yatang ginawa kung hindi ang mang bully ng kapwa niya estudyante.

Ilang dipa na lamang ako sa classroom ng tumalon ako ng bahagya upang maiwasan ang tubig na ibinuhos sa sahig ng ilang tagasunod ni Erik.

 “A-a-araay” mahina kong sambit ng magkamali ang aking paa sa aking pagbagsak at tuluyang madulas sa sahig.

“P*tang i**. Kala ko  pa naman may kapangyarihan ka na -Diyos daw ng Kamatayan? Wala ka pa lang binatbat eh…” ani Erik

“Tigil tigilan niyo nga si NAM. Wala lang kayong magawang matino. Mga inggitero” ani Riko na tinulungan akong tumayo. Nagpasalamat ako sa kaniya at pumasok sa loob. Hindi ko na lamang sila pinansin at umupo na sa aking upuan.

“Teka lang NAM, hindi mo man lang ba sila aawayin? Basang basa ka na”  habol ni Riko na tinanggal ang pagkakabutones ng aking polo. Pinigilan ko siya sa kaniyang ginagawa dahil sa mga nagtatanong na tingin ng aming mga kaklase.

When A GOD Dies (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum