Chapter VII - GOD's Status: It's Complicated

1.8K 64 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

NAMTAR's POV

Ilang oras na akong nakahiga sa loob ng Inn ngunit hindi ko pa rin mahuli ang tulog na aking hinahanap. Ang aking mga mata ay dilat na dilat na natutok sa puting kasama habang nanlalatang dinadama ang lamig ng aircon.

Sinulyapan ako ang kumot sa aking tagiliran. Ang makapal na tela  nito ay nag aanyaya ng mainit at kumportableng pakiramdam. Nais ko sanang gamitin ito ngunit ang aking mga daliri ay nagsasabing huwag.

Naiyakap ko ang aking mga braso sa nanlalamig kong dibdib. Dahan dahan kong inabot ang dulo ng kumot at ipinasok ang aking nanlalamig na paa.

"Uhhmm.."

Napausog akong bigla sa dulo ng kama ng biglang gumalaw ang kamay ni Riko. Ang tunog na nanggagaling sa kaniyang paghilik ay nagsasabing tulog na tulog pa rin ito. Nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga. Mahigit dalawang oras pa lang simula ng patayin ko ang ilaw ngunit agad siyang naging kumportable sa higaan.

Tinanggal ko ang nakaharang niyang kamay sa aking higaan at dahan dahan dumausdos pailalim sa kumot. Magkakapulmonya na ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pagkapahiyang nararamdaman dahil lamang sa naka brief lang siyang katabi ko.

Itinaas ko ang kumot hanggang sa aking leeg. Napakainit. Masarap sa pakiramdam ang dulot nitong kaginhawaan.

Napadilat akong bigla sa aking pagkakapikit ng ipatong ni Riko ang kaniyang braso sa ibabaw ng aking dibdib. Ang kabang nararamdaman ko sa aming pagkakalapit ay lalong tumitindi ng hapitin niya ako at makaharap ang kaniyang mukha.

Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Ang kaniyang manipis na labi ay kayang kaya kong abutin sa aming pagkakalapit.

Pinagpapawisan ako. Ang tibok ng aking puso ay lalong tumitindi sa isang dangkal naming distansiya sa isa't isa. Pinagmasdan ko ang mukha ni Riko. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Ang mahahaba niyang pilik na nag papaalala sa akin Ina ay simpleng nakapatong sa kaniyang pisngi.

Inabot ng aking daliri ang dulo ng kaniyang matangos na ilong. Ang mahinang hangin na lumalabas dito ay masarap samyuhin. Iginuhit ng aking hintuturo ang kaniyang labi. Napaka cute niyang  pagmasdan habang natutulog. Inabot ko ang bahagya niyang nakabukang bibig upang isara.

"NAM"

Napatigil ako sa aking gagawin ng marinig kong sinambit niya ang aking pangalan.

"H-hindi ko n-naman balak isara ang i-"

"Sarap ng labi mo NAM. Huwag mo akong iiwan ha" anitong humigpit lalo ang pagkakayakap sa akin.

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng mapansing hindi naman pala siya nagising. Nakahinga ako ng maluwag ngunit ang pagkalito sa aking isipan ay nagsisimula pa lamang.

Inaamin kong mabait at hindi mahirap mahulog ang loob ng sinumang mapapalapit kay Riko. Wala akong makitang kapintasan niya na puwedeng dahilan upang iwasan ko siya.

Napapangit niya ako. Kinakabahan ako sa tuwing magkalapit ang aming mukha katulad ngayon. At hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok  ng aking puso sa kapwa ko lalakeng tulad niya.

 "Ano bang ginagawa mo sa akin Riko? Hindi ako karapat dapat sa pakikipagkaibigang binibigay mo" ani kong hinawakan ang kaniyang pisngi.

Hinayaan kong lumipas ang isang oras ngunit hindi pa rin talaga ako makatulog. Hindi ko mawari kung si Riko pa rin ang dahilan o talagang namamahay na lang ako ngayon.

When A GOD Dies (COMPLETED)Where stories live. Discover now