Chapter XVII - Darkness Beyond the Silver Linings

905 42 1
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

NAMTAR's POV

Ilang buwan na rin ang nakakaraan simula ng makalabas ako ng ospital at makapasok muli sa eskwelahan. Ang inaasahan ko na panghuhusga sa kanilang mga mata ay hindi nangyari. Simpatiya at pag aalala ang dalawang bagay na ibinigay nila sa akin dahil sa mga nangyari. Kinakausap ko pa rin si Enlil na bumalik sa pagiging trainer sa ROTC ngunit naging busy agad ito sa proyekto na matagal na nitong pinagtutuunan ng pansin.

Huminga na lang ako ng malalim at isinara ang aking bag ng marinig ang tunog ng bell na nagsasabing tapos na ang aming klase ngayong araw. Tumayo ako upang lapitan si Riko na nasa dulo ng classroom  ngunit agad din itong tumalikod at lumabas. Napapailing na lang ako na pinagmasdan ang buong klase.

Walang nag iba. Kung meron man nagbago ay halos hindi halata. Ang aming samahan bilang magkakaklase ay mas lalong tumibay dahil sa mga nangyari ngunit ang ilan kong kasamahan na nakaranas ng takot at pangamba ay parang nag iba ang trato sa akin. Si Riko ay nagpalipat sa kasalungat kong upuan na halos nakaupo na kami sa magkabilang dulo ng kuwarto. Si Agnes na dati rati ay kinakausap ako ay lagi na lang naka irap sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Ang buong klase ay natutuwa sa pagkakaligtas sa akin maliban sa kanilang dalawa.

Palabas na ako ng pintuan ng makatanggap ng tawag kay Enlil. Ipinaalala nito ang aming nakatakdang paglabas upang ipagdiwang ang ika anim na buwang anibersaryo. Napangiti na lang ako habang kinakusap siya.  Hindi pa rin siya nagbabago, napaka sweet pa rin niya at hindi nagsasawang pakainin ako sa kung saan saan restaurant tuwing kami ay uuwi. Napahawak ako sa aking tiyan habang kinukumpirma sa kaniya ang aming paglabas.

“Lumalaki na ako dahil sa pagpapakain mo sa akin ng kung ano ano” biro ko sa kaniya

“That’s okay.”

“Hindi ka naman kasi ang tumataba…hmmppp..” pagtataray ko na nanatili sa loob ng klasrom kahit nagsialisan na ang lahat.

“I want my baby to have some nutrition. Mas maganda kung lalaki ka pa, para ako lang ang magkakagusto sayo” sambit ni Enlil. Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

“Loko ka talga..” ani ko

“At huwag kang mag alala…kakainin kita ng buong buo mamaya hanggang mawala yang taba mo. Nagiging good eater na ako dahil sa sarap mo honey” dagdag nitong puna na aking ikinapamula.

“Mamaya na nga ang mga biro..s-sige”

Ibinaba ko na ang telepono at napasandal sa dingding ng klasrom. Ilang malalalim na paghinga ang aking ginawa bago ko nagawang pakalmahin ang aking puso na nagwawala sa loob ng aking dibdib. Isang paghinga muli ang aking ginawa at inabot ang aking bag. Baka akyatin na niya ako dito sa loob ng eskwelahan kung hindi pa ako bababa.

“A-aray..” napahawak ako sa likuran ng aking ulo ng maramdaman ang pagtama nito sa sementadong pader ng klasrom.

Iniangat ko ang aking paningin sa pintuan na sana ay aking daraanan. Apat na lalaking estudyanteng may hawak ng baseball bat ang nakaharang dito. Kinuha ko ang aking bag sa lapag ng maramdaman ko ang pagtama ng bakal sa aking kaliwang braso.

“AHHHHHHHHHHHHH” sigaw kong namimilipit sa sakit. Namula ang sugpungan ng aking braso na tumama sa kanilang pamalo. Ang sakit na nagmumula sa aking ulo ay dagling nawala dahil sa halos mabali kong siko.

Gustuhin ko mang mag isip ng dahilan kung bakit nila ako sinasaktan ay hindi ko na magawa. Walang matinong salitang pumapasok sa aking utak, tanging sakit at sakit lamang ang aking naiisip sa tuwing tatama ang kanilang pamalo sa aking katawan.

When A GOD Dies (COMPLETED)Where stories live. Discover now