“Huwag, please. Huwag mong sabihin si Kevin tungkol dito. Ayokong lumapit siya sa akin at gusto niyang magkabalikan kami. Mahal na mahal ko siya pero hindi talaga kami para sa isa’t isa”

“Kailan ka ba pupunta ng America?”

“December 5. Janica, pangako mo sa akin, aalagan mo si Kevin”

“Alexa, mabuti pang magusap kayo ni Kevin. Kailangan niyang malaman ito”

“Janica, please. Nagmamakaawa ako sayo, huwag mo na itong sabihin pa kay Kevin”

Para akong nalungkot sa sinabi niya. Bakit ba kailangan pang umalis si Alexa? Bakit ba kailangan meron pang masasaktan sa pagalis niya? Bakit ba?

“Janica!” may sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko si Xavier na kasama si Duke. Nabigla ako kung bakit sumigaw siya. Tumayo siya sa harapan ko “Alam ko na ikaw ang naglagay ng ipis sa loob ng locker ko”

“Excuse me, hindi ako naglagay sa locker mo. Inutusan ko lang ang kapatid ko” tumingin ako kay Duke “Matagumpay ba yung misyon mo?” tanong ko kay Duke

Sumimangot si Duke

“Janica! Bakit mo ba nilagay ang mga ipis sa locker ko? Bakit ba? May gusto ka ba sa akin? Sabihin mo lang!” bigla siyang sumisigaw sa hallyway. Tumingin lahat ng estudyante sa amin. Nabigla ako sa sinabi niya. Napakayabang!

“Bakit ako magkakagusto sa isang katulad mo? Alam kong maraming babae ang nagkakagusto sayo pero hindi ako isa sa kanila kaya huwag mo akong tratuhin na isa sa kanila”

“Bakit mo ba nilagyan ng ipis yung locker ko?”

“Kasi kagaya ng ipis, nakakadiri ka”

Tumingin ako kay Alexa “Umalis na nga tayo dito. May naamoy na kasi akong mabaho” naglakad kami ni Alexa palayo kay Xavier at Duke. Umupo kami ni Alexa malapit sa guard house

“Ikaw lang talaga ang iisang babae na kayang labanan ang pagkamalulpit ni Xavier” sabi niya

“Hindi naman siya malupit. Mas malupit nga ako sa kanya”

“Baka magkatuluyan kayo ni Xavier”

“Kahit siya nalang yung iisang lalaki dito sa mundo, hindi pa rin ako magkakagusto sa kanya”

“Hanggang kailan mo pananagutan yang sinabi mo?”

“Hanggang mamatay ako!”

“Sige, tignan lang natin” sabi ni Alexa

Parang hinahamon ako ni Alexa. Kayang kaya ko yan pananagutan hanggang mamatay ako! Kahit ang gwapo niya, hindi pa rin ako magkakagusto sa kanya kung ganyan siya kasungit. May dalawang lalaki sumabi sa akin “Ang galing mo, Janica. Napatakot mo talaga si Xavier”

My First and Last (JaDine) COMPLETEWhere stories live. Discover now