Chapter 21: Sweet

Magsimula sa umpisa
                                    

“Oh, Maryan?”

“Yung boyfriend mo, nasa labas!” Nanliit ang mata ko habang tumitingin sa labas ng bintana. Nakasandal siya sa wall habang diretsong nakatingin rin sa’kin kahit may harang na window. I sighed. Nakalimutan niya na talaga.

“Pakisabi hindi ako sasabay sa kanya.”

“Ha?” Kahit nagtataka, lumabas ulit siya at kilig na kilig habang kinakausap si Royce. Nang matapos magsalita si Maryan ay napatingin ulit sa’kin si Royce. Umayos siya ng tayo. Akmang papasok siya ng room nang bigla ko siyang pinigilan.

Dali-dali akong lumabas ng room namin. Sumunod agad siya sa’kin. Nakapamulsa siya ng humarap ako sa kanya.

“Bakit?” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako mataray pero hindi ko mapigilan sa kanya ang pagtataray. Ang babaw ko. Dahil lang sa birthday ko nagkakaganito na ‘ko.

“Bakit ba pakiramdam ko galit ka sa’kin? Wala naman akong maalalang ginawa kong mali.”

Talagang wala kang maalala! Hindi mo maalala na birthday ko ngayon! Same date na sinagot kita, kurimaw ka!

“Hindi ako sasabay umuwi, kasabay ko ang mga kaklase ko.”

“Ahm…” Napakamot siya sa ulo. Nahihiya pa siyang tumingin sa’kin. “Yun nga sana ang sasabihin ko… hindi kasi kita mahahatid dahil may practice kami—”

“Diba sinabi ko naman na ‘wag mo na kong ihahatid kahit kelan? Bakit nagpapaalam ka pa? Edi magpractice ka, wala lang naman sa’kin yon. Hindi na importanteng malaman ko pa ‘yon.”

“Hailey.” Hinawakan niya ko sa balikat na siyang nagpatahimik ako. God! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Galit na galit ako sa hindi ko malamang dahilan. This is bad. “Alright, alam ko na naman ‘yon eh. Gusto ko lang sana humingi ng favor.”

“What?” Ang kapal kapal ng mukha mo! Nakakaasar ka! May gana ka pang humingi ng favor? “Pakibilisan, nagmamadali ako.”

“Nasa compartment ng kotse ko eh… para kay Harley. Gusto niya daw kasi ng bagong bola eh dumaan ako sa mall kagabi. Binili ko na siya.”

Para kay Harley. Para sa kapatid kong HINDI birthday ngayon.

“Okay.”

“Pwede ka bang sumama sa’kin? Iaabot ko nalang.”

Huminga ako ng malalim bago naglakad paalis. Nauna pa ko sa kanya. Nagpaalam ako sandali sa mga kaibigan ko bago dumiretso sa parking lot sa Gate 1. Kaunti lang ang naka-park na sasakyan dito. Nakita ko agad ang kotse niya sa may gitnang part ng parking lot. Lumapit ako don. Hinintay ko siya.

“Na’san na?”

“Ahm… pakuha nalang sa compartment… may ilalagay lang ako dito sa backseat.” Narinig kong tumunog ang kotse niya.

Wala na kong nagawa kundi lumapit sa compartment ng kotse niya. Wala sa mood na binuksan ko ito. At talagang inutusan pa ‘ko? Damn. Damn this day! Damn that guy—

Napaatras ako sa nakita kong lumabas pagkatapos kong buksan ang compartment ng kotse niya. Natahimik ang isip ko habang sinusundan iyon ng tingin. Red balloons.

Tumingala ako habang sinusundan pa rin iyon ng tingin. Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang pagluha ko. Nang makita kong malayo na ang mga balloons ay dahan dahan akong napatingin sa kanya. Nakatayo siya na medyo malayo sa kotse niya. Nasa bulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak hawak ang bouquet of pink lilies.

Nakangiti siya sa’kin at parang inaabangan ang paglapit ko. Tumungo ako ng maramdaman na basa na ang pisngi ko ng mga luha ko. Dahil don, napansin ko agad naiwan sa loob ng compartment niya. Puno ng red petals na nakaarrange sa ‘I love you, babe.’

Lalong nag-unahan ang mga luha ko. Nung makarecover ako, humarap ulit ako sa kanya. Dun ko lang napansin na sobrang lapit na niya sa pwesto ko. Hindi ko siya pinigilan nung makita kong pumulupot ang kamay niya sa leeg ko. May malamig akong naramdaman sa balat ko. Nakita kong isinoot niya sa’kin ang isang necklace.

Happy birthday, Hailey…” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mahigpit ko siyang niyakap habang umiiyak pa rin. Wala akong pakialam kung nasa harap kami ng school. Wala akong pakialam kung marami mang nakakakita sa’min. Hinaplos niya ang buhok ko. Ni hindi ko na pinansin ang inaabot niyang bouquet. “Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo.”

Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya habang tumatango ako. Siguro nga hinahanap na ko nina Dana.

“A-aalis na ko…”

“Hmm’kay.” Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya. “Just text me when you got home.”

“O-okay…”

“Tss.” Tinaas niya ang mukha ko para mas makita ako. “Hindi mo na ko sinisigawan ah? Akala mo nakalimutan ko ang birthday mo? Never, Hailey. Never.”

“H-hindi ah…”

“Geez.” Kinurot niya ng mahina ang pisngi ko. “You’re blushing. Stop it, Hailey. Mas lalo akong naiinlove.”

Napatawa siya ng sinuntok ko siya sa tiyan.

“Tss, Hailey. Hindi ako masasaktan niyan. May abs yan, babe. Wanna see?”

“Pervert!”

“Touch nalang?” Hinampas ko ulit siya pero sa kamay lang. Damn. My heart beats so fast. Tumawa siya ng malakas. Lumagpas ang tingin ko sa likod niya. Nakita ko ang mga kaklase ko na naghihintay sa’kin. Si Nami naman ay kumukuha ng video. Napatingin din si Royce sa likod niya. “Nandito na pala sila. Hmm…”

Inabot niya ulit sa’kin yung bouquet. Tinanggap ko agad ‘yon. “S-salamat, Royce.”

“You are always welcome, Hailey. You better go now. Baka sa bahay ko pa ikaw iuwi.” Tumawa siya ng sumimangot ako. “Text me, okay? Kung hindi, aagawin kita sa mga kaibigan mo at tayo ang magda-date. Gusto ko lang masiguradong safe ka pag-uwi.”

“O-okay…”

“Date tayo kapag hindi ka na busy. And Hailey…”

“Yes?”

“Be prepared. You know me. I can do better than this. Hindi lang ‘to ang pwede kong magawa. This...” Hinawakan niya ang binigay niya sa'king necklace. "...suits you well..." Mabilis niya kong ninakawan ng halik sa pisngi. Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi yon nawala hanggang sa nakalapit na sa’kin ang mga kaibigan ko na kanina ay nasa tapat lang ng Gate 1. Nagsimula na sila sa panloloko sa’kin. Nakarating na kami sa waiting shed, hindi pa rin nila ako tinitigilan. Lalong lumalakas iyon kapag nakikita nilang hinahawakan ko ang necklace na bigay ni Royce. Hindi kasi umaalis si Royce hangga’t hindi ako nakakasakay. Nakangisi lang siya sa tabi ko. Parang immune na sa mga pang-aasar. 

Hindi naman kami karamihan na makakapunta sa bahay namin. Sabi ng iba kong kaklase ay susunod nalang sila. Buti nalang at may dumaan na jeep agad. Nagpaalam na si Royce sa’kin. Buti nalang hindi nag-PDA sa harap mismo ng mga kaklase ko. Tumingin ako kay Dana para tawagin sana siya. Naabutan ko siyang nag-iwas ng tingin sa papaalis na si Royce.

“Ayos ka lang, Dana?”

“Yep!” Ngumiti siya sa’kin. Abot batok halos kaya napangiti na rin ako.

Anong meron kay Royce?” Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang lumabas sa bibig ko.

“Wala…” Nagkibit balikat siya. “Sweet.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon