Chapter 2

142 1 0
                                    

" AAAAAAAAHHHHHHHH!  "

" AAAAAHHHHHH!  MOMMYYYYYY!  AGLY'S AWAKE!  MOMMYYYYYY! AGLY'S A ZOMBIEEEE!!!!  "  may batang tumakbo palayo. 

Bigla naman akong napabangon.  Ha!
Ha!  Haaaaaa!  Chineck ko ang body parts ko.  Sampung daliri check.  Sampung daliri sa paa check.  Buhok?!  Buhok, as smooth as ever.  Check.  Mukha?!  Tumakbo ako kaagad sa harap ng salamin.  Kompleto naman.  Wala rin akong galos maliban sa medyo wala akong energy ngayun. 

Napaupo ako sa kama. 

Hala.  So panaginip lang ang lahat? 
Napatingin naman ako sa bagay na nasa ibabaw ng mesa.  Hindi.  Hindi.  Totoo yon. 

Nandito naman ang plastic na bitbit ko kagabi. 

Teka.  Naalala ko.  Pagkatapos mahimatay ng babae at tatlong lalaki,  natamaan ako ng kidlat.  Paano ako nakauwi sa amin?  Di naman siguro ako nagsleepwalk nuh?  At.  Oo.  Buhay nga ako.  Oh my!  Second life ko na ba to?  Waaaah.  Nakakapangilabot. 
Peru paano nga ako napunta dito sa bahay at sa mismong kwarto ko pa? Tanungin ko nga si mama. 

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si mama sa likod ng bahay.  Nagdidilig ng mga halamang bulaklak. 

" MAAAAA!  MA!  "

" O bakit?  Ginigising mo naman ang mga kapitbahay eh.  " reklamo ni mama. 

" Ma?  Paano ako nakauwi dito sa bahay?  "

Napatingin naman sa akin si mama sa akin.  Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.  Nalilito nalang rin ako. 

" Anong ibig mong sabihin? Hay nako Agly ha.  Uminom ka na kaya ng memory plus gold. Masyadong makakalimutin eh.  "

" Ha?  Di naman ah.  Ano kasi.... "
Ahm.  Paano ko ba sasabihin na natamaan ako ng kidlat? 

" Kagabi,  pumunta si Carol dito kinuha yung ribbon. Di mo naman kasi ibinigay sakin pagdating mo.  Deritso kang natulog. "

So naabutan ako ni mama na natutulog sa kwarto?  Oh myyyy!  Ibig bang sabihin, pagkatapos kong mahimatay, NAGSLEEP WALK TALAGA AKO? 

P-PAUWI NG BAHAY?  That doesn't make sense... 

Ahm si Carol pala ay ina ni May yung batang babaeng spoiled na sinasabi ko na gusto kong ihagis sa fishpond joke lang.  Yung batang tumakbo kanina nagulat siguro sa akin, ay ang bunsong kapatid ni May- si June.  Lalaki si June.

" Agly.  " tawag ni mama. 

" Bakit ma?  " nakaupo na ako ngayun sa bermuda grass. 

" Wala ka bang trabaho ngayun?  "

" Eh?  Ano ba ngayun ma?  "
Pati ba naman yon nakalimutan ko? 
Baka di ko na alam ang pangalan ko ah. 

Teka, ako si Agly Ybañez.  25 years old.  Ang mama ko ay si Melinda Ybañez at wala na akong papa.  Namatay na siya.  Nag-iisa akong anak.  OK!  Di ako nagka-amnesia! 

" AGLY!  "

" MA!  "

" Hay nakoooo. Biyernes ngayun.  Saan ba lumilipad yang utak mo?  " naiinis na tanong ni mama. 

" Hehehe.  Sorry ma.  Parang inaantok pa kasi ako eh. Sige hoooo pasok na po ako.  "

Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto.
Napahawak ako sa bulsa.

Ano to?  Teka...

Hala.

" Pendant ng kwentas ba to?  "
Di naman to akin ah? 
Sinuri ko naman ang bagay na yon. 

Hmmm.  Pendant na moon.  Maganda siya in all fairness.  Hehe.  Di ko rin naman to masusuot. Pendant lang kasi eh.  Inilagay ko nalang yon sa cabinet.  Saan kaya to galing?

" Ayshhh.  Ano na kayang nangyari sa apat na yon?  Anong nangyari sa akin?  Anong nangyari sa mundo at wala akong maalala? Hayyy.  Nakatulog nga ako di ba. Tsk.  Di bale na nga. Baka nakauwi lang talaga ako kagabi at nakapanaginip ako ng parang totoong panaginip.  Wew.  "

----------------------------- ✂ --------------------------

Nandito ako ngayun sa lugar kung saan nangyari ang masamang panaginip.  Wala namang kahinahinala. Parang wala lang nangyari sa lugar na to.  Pfff.  Panaginip lang talaga yon.

Sa kabila ng pagiging tahimik ng lugar ito, sariwa rin ang hangin at meron din namang dumadaan. 

Nagsimula na akong maglakad pauwi ng may nakasalubong akong tao.  See?  Meron talagang dadaan dito. 

Eh?

Bakit siya balot na balot?  Di naman masyadong maginaw ah.  Baka may sakit? 

" What are you looking at? " bigla niyang sabi na ikinagulat ko. 

Di ko namalayang kanina pa pala ako nakatigtig sa kanya to the point that I stopped walking just to stare at him. Wah! 

" A-ah wala. Wala. " napansin kong magkatapat lang kaming nakatayo. May isang dipa ang layo at dinig na dinig ko ang nakakabighani niyang boses.  Ew.  Haha. 

Di naman siya nakatingin sa akin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.  Napansin ko din na nakasuot siya ng visored cap, jacket at brown pants.  Wow.  Ang ganda ng body ratio.  Ew. Peru arogante naman kaya a big TURN OFF. Hihi. 

Nagpatuloy na ako sa paglakad ng biglang may humagip sa baywang ko paatras----

" AHH!! "

*BOGSH*

NATUMBA ANG PUNO SA HARAPAN KO!

Napanganga nalang ako sa biglaang pangyayari.

" That's why you should have paid attention to your surroundings. " sabi ng taong nagligtas sa akin. 

H-HOLO--

" D-di ko naman alam na may matutumbang puno ah. " nakuuuu.

Inilayo niya ako at nagsimulang magsalita.

" Panay titig ka kasi sa likod ko kaya ayan di mo napansing may matutumbang puno.  "

ANO DAW?  PAANO NIYA NALAMANG NAKATITIG AKO SA LIKOD NIYA? 

" EH?!  At bakit?  May mata ba yang likod mo para malaman mo kung ano ang ginagawa ko? Hellooo.."
Parang may away na magaganap ah. 

" Pfft.  It's just so obvious. "

Nilapitan ko nga siya. Kanina pa ako nangangating nagtanong eh.

" Member ka ba ng ISIS?  " simula ko.

" What?  " hindi makapaniwalang sambit niya.

" Hindi?  Kung ganun member ka ba ng mafia?  ng CIA?  Ba't mo alam na may matutumbang puno malapit sa akin?  Wala ka namang camera sa likod. Ba't ka nakabalot?  May sakit ka ba o may pinagtataguan ka lang? "  sunod-sunod kong tanong. 

Baka mamatay tao to nuh?  Lagot talaga ako kapag nagalit to.  Wala pa namang dumadaan baka kung sakaling may mangyari sa akin ay sisigaw nalang ako ng napakalakas. 

Di siya sumagot sa halip ay tumalikod lang siya at nagsimulang maglakad.

 

Ah ganun! 

Naglakad ako ng napakabilis at bigla kong inabot ang cap niya---- UH-OH BAD IDEA.

Bigla nyang nahawakan ang dalawang braso ko patalikod using his left hand.  At ngayun na ako mamatay. 

MAMA! 

" A-ahh... teka!  "
Nakatutok ngayun ang isang matulis na bagay sa leeg ko. 

KUTSILYO?!

" I don't like nosy people.  "

[END]

------------

YAY! ANOTHER ACHIEVEMENT! HEHE. HAVE A NICE DAY EVERYONE!
LOL AS IF SOMEONE'S READING.







Unexpectedly [Tagalog]Where stories live. Discover now