Chapter 1

404 4 0
                                    

CHAPTER 1

" Hello? Helloooooo? Lloheeeee? Hello--- Aysh. Nakakainis naman yang signal na yannnn. Di ko na tuloy malalaman kung ano ang mas gusto niya, red or pink? Aysh. Ba't ko pa kasi nakalimutang magtanong? "

Nandito kasi ako ngayun sa isang school supplies store. Bibili sana ako ng ribbon para sa pinsan kong elementary student. Gagamitin daw nila sa kanilang presentation bukas.

Medyo malayo tong store na 'to sa amin. Nagsara na kasi yong ibang tindahan na malapit sa bahay at yong iba naman wala daw silang stock na ribbon. Napilitan nalang akong takbuhin tong store na 'to. Hay nako. Spoiled pa naman ang batang yon. Tiyak kong magwawala yon kapag mali ang napili kong kulay. Tsk. Ang sarap ihagis sa fishpond na may mga piranha. Joke lang.

Tiningnan ko naman ang relo ko.
" Wah. 9:30 na. 10 minutes nalang at magsasara na sila. "

Peru teka nga lang, 50 naman tong pera ko ah. Pumasok naman ako sa store.

" Ate magkano po ang isang meter ng ribbon na yan. " tinanong ko si ate at itinuro ang ninais na ribbon.

" 24 pesos lang. " sagot niya.

24 pesos.

So kung bibili ako ng dalawa.
Hanep may 2 piso pa ako. Maglalakad nalang ako pauwi.

" Pabili po. Isang red at pink. " sabi ko kay ate.

Habang naglalakad ako pauwi..panay ang tingin ko sa likod. Medyo madilim kasi sa dinadaanan ko eh. Di rin masyadong maliwanag tong flashlight ko. Eeeeeeh. Nakakatakot. Nakakatindig buhok. Kung pwede lang tumayo lahat ng buhok ko sa katawan, baka tumayo na silang lahat.

Bigla akong may narinig na ingay.

Nagtago naman agad ako sa isang sulok.

Ano yun--

" MEOWWWWW! "

AAAAAH!! KABAYO! DRAGON!

Ho! Akala ko ano na. Hayyy. Pusang gala lang pala.

Habang sapo ang dibdib ko, ako ay tumayo at nag-ayos ng sarili. Chineck ko yung supot kung ok pa ba ang ribbons.

Check.

Naglakad ako ulit.

Sana naman walang masamang nilalang nuh?

Di pa naman ako nangangalahati sa lalakarin ko ay may napansin akong pigura ng isang tao.

Eh? Ah. Di pala isa kundi dalawa.... hmmm.. isa, dalawa, tatlo, apat. Oo. Apat na pigura ng tao.

EEEEEEHHHHH?

Parang may mali yata sa kanila..

" TULONGGGGGGG! "
narinig kong sigaw ng isang babae.

Teka---

Di ako nagdalawang-isip na tumakbo papunta..... sa sulok para magtago.

Waaaaaah. Ano yun? Gagahasain ba nila ang babae? Halaaaaa. Nakuuuu. Nakuuuu. Ano na ang gagawin ko? Tatawag ng pulis? Hindi. Wala akong load pantawag ng telepono. Hihingi ng saklolo? Hindi. Hindi. Walang dadaan sa lugar na to kapag gantong oras. Tsk. Natatakot talaga ako.

Peru.... paano yung babae?

" Ahh! Let go of me! " narinig kong sigaw ng babae.

Ayshhhh! Bahala na nga!

" Teka! "

Napahinto naman ang tatlong lalaki sa kanilang pinaggagawa. Ang isa ay nakahawak sa babae at ang isa naman ay pilit siyang hinuhubaran. Habang ang isa ay nakamasid lang.

" Well, this would be more challenging. "

EH? E-ENGLISH?

MAY RAPIST PALA NA ENGLISHIRO?
Ngayun ko lang nalaman ah.

" Hey lady. Do you want to join? " tanong ng lalaking nakahawak sa babae kanina. Binitawan niya ang babae ngayun at tumayo ng maayos.

" Well I don't want a kid Alex. "
reklamo ng isa.

Ok.

So may tatlong lalaki na rapist na nag-e-english sa harapan ko. Yung naka-Blue si Mr. Alex sabi ng kasama niya, naka-Red si Mr. Nanghuhubad at si naka-Green si Mr. Nakamasid with his "more challenging" comment earlier.

Yay. Marunong rin pala ako mag-english.

" A-anong ginagawa niyo sa kanya? " kahit na nanginginig ang boses ko ay pilit ko itong nilakasan.

" Pfft. We're just giving her a lesson. " Sabi ni Mr. Alex.

A lesson?

Bakit? Nag-aaral pa ba sila?

" Kung ano man yang kasalanan niya, di niyo sya dapat ginaganyan. Kung may nagawa siyang mali, kung nakapatay man siya, isumbong niyo sa pulis. Ano ba kayo? Di naman kayo ang batas ah? At wala kayong karapatang magparusa ng tao. " pinangaralan ko nga sila.

Ano ba sila Diyos?
Di naman ah.
Di nga nagpaparusa ang Diyos, sila pa kaya?

" Just kill her. " narinig kong sabi ng Mr. Green.

Bumunot ng baril si Mr. Alex at itinutok sa ulo ng magandang babae. Yes. She's beautiful wearing a white laced dress. Nakapaa lang, maitim ang buhok at halatang kanina pa umiiyak. Nakatingin siya sa akin na parang nagsasabing 'Wala ka nang magagawa, wag mo na akong tingnan at umuwi ka na'.

Hindi.

" Teka! " sabi ko ulit.

" What ? " naiinis na sabi ng Mr. Green.

" Ano bang kasalanan niya? "

Medyo nagulat naman ako sa reaksyon nilang tatlo. Mukhang malaki nga ang kasalanan ng babae.

" Get lost. " sabi niya.

" Ano nga--"

Di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang natumba si Mr. Alex, at sumunod naman si Mr. Red.

" Alex! Ram! " pati si Mr. Green nagulat sa nangyari. Mukhang natutulog lang ang dalawa eh.

Ilang segundo rin ay biglang nahimatay ang babae. At sumunod naman si Mr. Green.

ANO ANG NANGYAYARI SA MUNDO?

Naghintay ako ng 3 segundo na baka sumunod rin ako peru wala. Nakatayo pa ako. Parang baliw lang kasi. Ahm. Medyo nilapit ko kasi ang katawan ko sa lupa baka sakali kung matumba ako di masyadong malakas ang impact nun sa lupa. Yung posisyon na duck, hold and cover ba. Yun.

Tumayo ako ng maayos. Gusto ko sanang lumapit sa mga katawan para i-check kung buhay pa ba sila peru naunahan ako ng takot.

Nagdesisyon akong tumakbo at----

" Ah! "

M-malas! Natamaan ako ng kidlat.....

Nagsimulang magdilim ang mga paningin ko.

[END]

---------------

OK. NAKATAPOS AKO NG CHAPTER 1. CONGRATS SA AKIN! 😂 Ang laki ng achievement ko. Hehehehehe.

Have a happy holidays! *****


Unexpectedly [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon