~Chapter Seven

270 10 0
                                    




Katty’s P.O.V


Sumakit talaga yung likod ko kanina, at late nadin ako nagising. Pag ka-gising ko ay agad akong pumunta ng banyo, wala nang ligo ligo eh. Wisik wisik na lang. nakakahiya naman kasi na ang late ko na nga nagising, ang bagal ko pa kumilos.


Pag punta ko sa labas ng bahay, andun na sila Kuya Edward, Ate Maila, Rhia, Jomar.


“Katty, andiyan kana pala.”, sabi ni ate Maila. Hindi na siya galit sakin. Mabuti naman, pag katingin ko, andun na si Patty, mukhang nagulat pa ata siya sakin.

May dumi ba ko sa mukha? 

Nagkatinginan pa kami sa mata, nag flashback tuloy lahat nang nangyari kagabi.


Wala namang special na nangyari e, pero ewan ko ba. Ang sarap pala ng feeling pag yung lagi mong nakaka-away ay makakausap mo ng matino.


Sumakay na kami sa van, at katabi ko na naman si Patty. Siya kasi yung nasa left, tapos ako yung nasa tabi niya, it means nasa gitna ako, at ang nasa right ko naman ay si Rhia.


Ang awkward kasi napang gigitnaan nila ako. E diba, may crush si Rhia kay Patty? Naalala ko tuloy yung sinabi ni Patty kagabi na hanggang kaibigan lang ang tingin niya kay Rhia.


Ano kaya mararamdaman ni Rhia pag nalaman niya yun?

Ilang minutes lang ay nakauwi na din ako. Doon ko talaga na-realize na ang sakit sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.

Pagkauwi ko ay naka-abot pa ko ng sermon. Madalas ‘tong nangyayari sa bahay naming. Lagi kasi ako pinapagalitan ng lola ko eh. Karamihan ng lola, diba dapat mabait, sweet? Pero bakit ganun yung lola ko, strict  at masyadong mabunganga. Pero, okay lang mahal ko padin ang lola ko.


“La, kumaen na po ba kayo?”, tanong ko sakanya

Foolish Heart (Completed)Where stories live. Discover now