Chapter 30 - Hindi Maipaliwanag

459 25 0
                                    

Chapter 30 - Hindi maipaliwanag

Arvin’s POV

Alriiigghhhttt!! Natapos na din kami! Siyempre panalo kami. Ayos ‘to. Maganda magiging grade ko sa PE nito at wala na akong poproblemahin sa finals. Yung sa English pasado na ako. Sa PE pasado na rin ako. Sana meron pang kahit dalawang subjects na pwede magbigay ng mga ganung work para konting subject na lang yung aalalahanin ko.

Hehehe siyempre abuso na sana para one time big time.

Natuwa naman ako kay Anne kanina kasi saktong uhaw na uhaw na ako. Binilhan din niya ako ng mineral water. Nakakatuwa lang. Lakas maka good vibes. Lakas maka-feeling action star. Naku-kyutan ako sa kanya ngayon kasi naka jersey kasi siya. Naninibago ako. Chick na chick itsura niya.

Since tapos na kame sa laro, panonoorin ko muna si Anne my labs I mean my friend. Tignan ko kung magaling siya mag-volleyball. Pero nagugutom ako. Tsk hintayin ko na nga lang siya para sabay na kami mag lunch.

Marunong siya sumalo ng bola, though hindi ako magaling sa pagva-volleyball kasi pakiramdam ko pambabaeng laro siya, alam ko naman kung marunong o hindi. I can say marunong siya at hindi siya tanga.

“Vergara! ‘Wag mo agawan si Pereira ng bola!” shouted Sir Jojo

“Eh Sir look at her oh! She is wala sa sarili! Can you just please replace her with a substitute?” Macey said

I looked at Anne. Hindi na yung laro niya yung tinitignan ko. Siya na mismo. Tama si Macey. Kanina lang nung nag-uusap kami tatawa tawa at nakikipag-asaran pa siya pero yung itsura niya ngayon parang ayaw niya halos maglaro.

“Ms. Pereira please focus naman!” Sir Jojo said

Nakita ko nagbuntong hininga siya at sure ako, something is bothering her.

Andun pa rin ako nakatayo and natapos ang isang set na ganun siya. Nag time out sila at lumapit ako sa kanya.

“Huy! Ok ka lang ba? Parang wala ka sa sarili ha!” I said softly grabbing her arm. Parang nagulat pa nga siya

“Uy! Ah.. O-oo naman! Naiinitan lang kasi ako.” she answered as she faked a smile

I know something is bothering her. Sudden mood swing?

Bumalik na siya sa court na wala pa rin sa sarili. Pinabayaan ko muna siya at mamaya ko na lang siya kakausapin.

Bumili muna ako sa cafeteria ng maiinom. No, not Pepsi. Manigas siya. I bought her a Gatorade. Mas okay ‘to sa kanya. Umakyat ako and bumalik sa volleyball court. Naglalaro pa rin sila siyempre.

After a few minutes of watching them on this set, ganun pa rin si Anne. Nakita ko siya nung mga practices pa lang. Hindi siya ganito maglaro. Pero fine baka nga naman mainit lang. Pati tuloy ako naba-bother. Ayaw ba niya nung pinisil ko yung pisngi niya kanina? Nabadtrip kaya siya sa akin?

Still looking at her, she jumped and was about to spike. Na-spike naman niya pero kitang kita ko yung tapilok niya na halos pagbagsak niya, nagmukhang letter L yung kaliwang ankle niya.

Oh shit! Halos maibato ko yung hawak kong mga Gatorade naming dalawa at tumakbo papunta sa kanya.

“Ooooouuuccchhh!” she screamed in pain. Nakahiga siya sa sahig nung court while holding her ankle.

“Arvin please patulong naman, take her to the clinic. I cant leave ngayon. After this pupunta ako ng clinic. It looks bad.” Sir Jojo said nang pailing-iling

“Oo Sir no problem” I answered. Tinatanong pa ba ‘yon? Ano ba sa tingin niya, pinuntahan ko si Anne para batuhin ng bola? Nakakainit ng ulo eh!

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon