Chapter 29 - Ganon Nalang Ba 'Yon?

556 23 0
                                    

Chapter 29 - Ganon nalang ba 'yon?

Martin’s POV

Nakauwi rin kami ng matiwasay. Hindi ko matagalan ang lungkot sa bahay. Nararamdaman ko na nabawasan ang ingay namin at halos walang nag-uusap usap sa amin. Nakakabingi.

Kahit kakalibing lang ng kapatid ko, it seems like kahapon lang naglalaro at nag-aasaran pa kami dito. Sa tuwing makikita ko yung kwarto ng kapatid ko, sa tuwing maaalala ko siya sa mga gamit niya sa bahay na madalas niya laruan or gamitin, para akong dinudurog nang paunti-unti.

This is killing me. This felt like a constant torture every second na andito ako sa bahay. Hindi ako makakain.

Intrams na ngayon sa school. Siguro makakatulong kung papasok na lang ako. Hindi man ako makapaglaro kasi unang una, wala akong uniform; Pero yung maingay at magulo na crowd will help me otherwise.

Hinatid ako ni papa at ni mama. It’s been quite sometime nung huli nila akong hinatid na magkasama sila. Naninibago ako pero natutuwa at the same time. Mom even made a special breakfast today. Ramdam namin pare-pareho na nalulungkot kaming lahat pero again, kailangan na namin umpisahang mag-move on at tanggapin na wala na si Josh.

“Anak form now on, subukan natin lahat maging masaya. Alam ko mahirap yon sa ngayon dahil wala na ang kapatid mo, pero hayaan mo sanang alagaan ka naming kahit alam namin na binata ka na.” said dad tapping my arm. I answered him with a “thanks papa” smile.

“Oh anak, hahatid ka namin ni papa mo ha? Pagkatapos mag-iikot kami ni papa mo sa may square. Titingin kami ng bagong pang decorate ng bahay” Mama said with a heavy smile.

“Ma? Pa? ok lang naman ako eh, you don’t have to worry about me okay? I will be alright” I smiled

“Anak, hayaan mo na kami ni mama mo. Nakita namin kung papano ka rin nag-alala sa kapatid mo at kung papano mo kami inintindi. Hayaan mo naman na alagaan ka namin. Nahihiya ka ba kasi binata ka na? O nahihiya ka lang na ihatid ka namin kasi makikita ka ng crush mo?” inasar ako ni papa I saw mama smiled.

“Oh ito dalhin mo pasalubong mo sa kanya.” Sabay abot sa akin ni mama ng ilang chocolates galing sa ref.

“Papa! Mama! Ano ba kayo!” I widened my eyes and looked at them

Natawa lang si papa and reached for me. Inakap niya ako pati si mama inakap din ako.

Kanino pa ba kami maghahatakan ng lakas ng loob.

-----

Bumaba na ako and walang tao sa labas ng school. Si manong guard lang. Nginitian lang ako at sinabihang “Sir long time no see ha!” I just nodded.

“Anak! Susunduin ka namin ha? I-text o tawagan mo na lang kami!” papa said and waved goodbye.

Pagbaba ko, naririnig ko maraming nagsisigawan sa loob. Intrams na nga. Ang weird. We are still mourning and yet I am here trying to join a celebration. Pero hindi ko maintindihan bakit ako kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naalala ko bigla si Anne. Lalong lumakas yung tibok ng puso ko. napapapikit pa nga ako. naalala ko nga pala papano ako magpapaliwanag sa kanya. The only thing na pinanghahawakan ko is maiintindihan niya ako.

A part of me is para ding nae-excite kasi makikita ko na siya ulit. I am sure matagal kaming magkakausap. Sobrang namiss ko siya. Kinakabahan ako siguro kasi antagal kong nawala, kinakabahan ako kasi graduating ako pero andami kong na-miss na lessons na hindi ko alam kung papano ako hahabol, iniisip ko din kung papano ako sasalubungin ni Anne.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon