Chapter 14 - It feels right

657 29 3
                                    

Chapter 14 – It feels Right

Martin’s POV

“DAMN IT! DAMN IT!”

From the classroom, dire-diretso akong dinala ng mga paa at ng galit ko dito sa maalikabok na stock room para sapakin lahat ng dingding na nakikita ko dito. Damn that Arvin! This was the first time in years na ganun kalapit ang mukha namin nang pu*****nang Arvin na yon! Damn it! Hindi ako nakapagsalita! Nakakalalaki!

Hindi pala madaling magpanggap. Hindi madaling magtago. Hindi madaling magsalita. Nakakapraning. Nakakagalit at nakakasira ng ulo.

Hinila ko na nga lang si Macey from the cafeteria last week para hindi siya mapahiya eh. Umakyat kami sa may multi purpose hall at dun ko siya pinagsisigawan. Halos masubsob na siya dahil halos kinakaladkad ko na siya. She even hugged me to say that she is sorry but what I can only say that time is “Please. Wag na ‘wag mo na ulit guluhin si Anne. I like that girl.”

Napanganga si Macey at hindi din nakapagsalita “Tama ang narinig mo. Gusto ko siya. Subukan mo lang talagang ulitin at magiging ugaling Arvin din ako sa’yo.” I warned.

Tinalikuran ko na siya nd started walking away. Iniwan ko siya magisa. Wala akong pakelam sa kanya pati sa mga alipores nya. Habang palayo ako, I even heard her shout “Bakit ba si Anne ang gusto mo? Hindi mo ba ‘ko pwedeng pagbigyan? I am prettier. I am sexier. Mas maipagmamalaki mo kung ako ang kasama at girlfriend mo!”

I stopped on my tracks at nilingon ko siya ulit “Kaya nga hindi kita gusto. Kasi lahat ng sinabi mo hindi totoo. You are not prettier. You are not sexier. Lying is never pretty and sexy.” At tuluyan ko na siyang iniwan

I tried my best to be nice to her pero ang ipagkalat niyang boyfriend na niya ako sa buong mundo mukhang hindi naman ata tama.

Nung nasa Mcdonalds kami, I guess nagkamali ako. Sana kahit sa 7-11 nalang ako pumunta magisa at bumili na lang ng siopao. Nakita ko pa tuloy yung Arvin na ‘yon na kasama pa si Anne! Hindi ako pwedeng magkamali! Nabadtrip ako! Lalo ako nabwisit kaya kinaladkad ko si Macey kahit hindi pa man din siya tapos kumain.

Isa pa sa mga iniisip at nagpapahirap sa nararamdaman ko ay yung mga tanong na hindi ko mahanapan o hindi ako sigurado sa mga sagot. Nakita ko sa McDo na sinusubuan ni Arvin si Anne, napansin ko din na hindi na sila nagaaway at nakakapagusap na sila ng hindi nagsisigawan.

At ang pangatlo, yung nakita ko sa oratory. Parang merong biglang sumakal at nansikmura saken dahil sa nakita ko. They are about to kiss each other.  Kung hindi ko yun talaga naabutuan, malamang natuloy ‘yon.

Pakiramdam ko dinudurog ako somewhere in my system. It hurts damn much. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I made a promise to myself na iwasan siya but the more I do it, the more akong nasasaktan. Ayoko ng ganito. Hirap na hirap na’ko.

Lalong gumatong sa hinala ko na sila nga is yung ginawa niya na pagganti kay Macey. I even tried to provoke him in telling me the truth by emphasizing the word ‘girlfriend’ pero wala din akong napala. Inexpect ko din na magrereact si Anne sa sinabi ko pero walang pagtanggi na nangyari.

Hindi ko nga sinamahan si Macey kanina para makapagbato ng hint na hindi naman kasi kami pero wala nanaman ding nangyare!

Hindi ko na ata kayang magpanggap na wala akong pakelam sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na she means a lot to me. Hanggang kelan ba ako magtitiis.

Napaupo ako at napayuko. I cant seem to take Anne off my mind. Iniisip ko kung masyado ba maaga para sabihin ko ang totoo o kung tama bang magsabi pa ako sa kanya?

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon