Chapter 10 - Selos Lang Yan. Diba?

775 30 9
                                    

Chapter 10 - Selos lang ‘yan… Diba?

Arvin’s POV

Kami ang lead roles sa play pero wala pa kaming pareho script. Its been two weeks. Two long weeks. Ito ang boring eh. Wala kang gagawin. Minsan tumutulong ako sa iba kaso parang nakakagulo lang ako kasi unang-una, hindi ko naman talaga alam ang mga ginagawa nila.

I was happy when I heard kaming dalawa ang lead roles. It would mean na makakausap ko siya ng seryoso kasi hanggang ngayon dinadalaw ako sa panaginip ko nung araw na mabato ko yung mata niya.

Kaso, parang sinadya ng tadhana masyado. Nakokornihan ako kasi sabi nila love story. Papano naman kami makaka-arte ng matino eh alam naman ng buong mundo magkaaway kami. Parang tanga lang.

Pero hindi ko din alam bakit parang okay lang sakin. Hindi man lang ako tumanggi. Although alam kong walang patutunguhan ang pagtanggi ko kasi final na nga daw ‘yon. I can see Anne’s face nung i-announce na kami ang lead. Para siyang iiyak.

She hated me that much? Ni hindi ko na nga siya inaasar so dapat pa nga magpasalamat siya saken. I just wonder. Narealize ko din parang napagod na rin kasi ako mangasar. Kapag iniisip ko ‘yon, natatawa ako minsan sa sarili ko kasi ilang taon ako nagtyaga na bwisitin siya at sirain ang araw niya. So if she hated me that much, no wonder. Besides, yung naman talaga ang misyon ko. Ampanget niya kasi eh.

Ok na kaya yung sugat nya? Naka band aid nalang kasi ngayon eh. Gusto ko siyang tanungin kaso malamang sisigawan lang ako nun baka mamaya magaway lang kami lalo. Baka di ako makapagtimpi makutusan ko lang. Pero siguro naman ok na siya asarin ulet ngayon mukhang ok naman na yung sugat niya eh.

Recently hindi na kami masyado  nagkaka-engkwento. I missed the challenge! Pero para kasing nakokornihan na’ko eh. Parang gusto ko naman ng iba. Puro na lang asar.

Ah! Alam ko na! Subukan ko kaya na painlove-in naman ‘yun saken? Trip lang. Wala akong sasabihan kundi sarili ko lang. Aba oo nga ano! Nice. Now this is going to be exciting.  Kapalit lang sa mga pagbubunganga niya sa akin.

Para akong tangang nangingiti! Ayos ah! Shit ang talino ko talaga! Pwede yun! Wala akong pakialam kung hindi man niya ako gusto. Eh sa gusto kong siya ang pagtripan eh. Wala siyang magagawa.

But that Martin is kinda affecting Anne in a way that I don’t know kung tama yung pagkaka-observe ko sa ungas na ‘yon. Hindi naman kami mag-kaaway eh pero basta ang bigat ng loob ko sa kanya. Nagkakausap at katanguan ko naman siya pero basta ewan. Iba eh. May iba.

Something is just different. Lalo na kapag tinitignan niya si Anne. I am not eavesdropping, hindi ako bulag. Yung pakiramdam na merong laman yung mga tingin niya. Tingin na hindi ko naman maintindihan kung may pinagdadaanan o gusto lang mag-banyo.

Haha! So mukha palang anidoro si Anne? Kung constipated ako at kailangan ko magbanyo, try ko nga din siya tignan baka makatulong at hindi ko na kailangan uminom ng gamot hahahaha!

Oooops school is up. Punta muna ako McDo bago mag basketball practice dahil medyo nagugutom na ako. Light meal lang dahil baka appendicitis naman ang abutin ko. Malapit lapit na din kasi ang Intrams. And of course, let me grab a Pepsi can and let the game begin.

Martin’s POV

Sure ako that  I don’t like Macey. At all. Lahat nalang ng arte niya sinasakyan ko and its been two torturous weeks and all we got are measurements and type of fabric na gagamitin. Kami sa costumes eh so dapat nga mas magaling siya sakin kasi babae siya. Well pasalamat siya babae siya. Para siyang babaeng version ni Arvin. Sila ang dapat magkasama eh. Pareho naman silang puro arte ang nasa katawan.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon