07

177 5 0
                                    

Alex: Sobrang nakakalungkot, wala akong magawa :( Nagtr-try kasi akong mag moved on sa issue natin ngayon, kasi hanggat wala pa naman official statement mula kay Kris at sa SM, wala na muna akong paniniwalaan, kasi malulungkot lang ako, pero don't worry, I'll never leave the 12 of them :) 

 --

"Tama ka devil nga ako, at ikaw ang anghel ko, pero ito ang tatandaan mo, lumalabas lang ang sungay ko kapag nagseselos ako."  what does he mean by that?! Nagseselos siya? Kanino? Bakit naman siya magseselos. 

Those words keep hitting my mind, hindi ako mapakali, lumipas na ang gabi at nandito na ulit ako sa school mag-isang naglalakad, ewan ko ba kasi sa best friend ko kung nasaan nagpunta, hindi ko siya mahagilap kung kailan naman kailangan ko ng kausap.

Nagpunta ako sa may locker room, since lunch time ngayon, medyo madaming tao dito para kumuha ng mga libro nila for their next class, pero mawawala din yan mamaya, kasi kakain sila. Wala naman akong ganang kumain kaya sa palagay ko dito lang ako buong lunch. 

Binuksan ko yung locker ko, ano naman kukunin ko? Free time yung sunod ko, tapos may activity palang pinapagawa sakin yung teacher ko sa history, pero hindi pa naman yun bukas or mamaya ipapasa eh, what should I do?

Unti unti nang kumukonti yung tao, finally. Ayoko din kasi nung masyadong maingay, gusto ko muna ng peace of mind, hahaha. Nawe-weirduhan padin kasi ako hanggang ngayon dun sa mga sinabi ni Sehun saakin nung isang araw.

"Alex." ay palakang naging kabayo!

"Ayyy! Nunal ni Nora Aunor, nakakagulat ka naman!" si L lang pala, anong ginagawa niya dito?

"Ano kasi .. pwede ko bang mahingi number ni Athena?" sabi niya, ayy teka lang OTP ko! Si Ate Athena daw ba? Bigla akong napangiti, oh yesss!!!

"Ay teka lang!" sabi ko at nilabas na yung phone ko, hinanap ko yung number ni Ate Athena, ayyyy, ito na!

"Ito na, kopyahin mo nalang tinatamad akong sabihin, haha." sabi ko, kinuha niya naman yung phone ko at kinopya niya na yung number ni Ate Athena sa phone niya, sana magkausap na sila, waaahhh.

"Salamat, teka, gusto mo bang sumabay saakin mag lunch?" sabi niya, pero umiling ako, wala nga kasi akong gana kumain, tsaka yung number ko ayaw niya bang kunin? Psh.

"Hindi na L, wala akong gana eh." sabi ko tumango tango naman siya at naglakad na palayo saakin. Sana lang magkaayos na sila, para naman wala lang .. eh kasi lagi akong may nababasang ganun sa wattpad, gusto ko lang makita ng live mula sakanila, bwahahaha.

At dahil wala akong magawa sa locker room, lumabas nalang ako, lilibutin ko nalang yung campus dahil boring, hahaha. malaki naman kasi tong school namin eh, may elementary, highschool at college na, sosyal diba

Pababa na sana ako ng hagdan, nang may narinig akong familiar na boses .. teka -- saan sila naguusap? Tumingin ako sa taas, wala naman tao, eh wala din naman tao dito sa paligid ko, b-baka sa baba ng hagdan ..

Sumilip ako mula sa hawakan nung hagdanan, tama ako, nandun nga sila, madilm at tanging boses mo lang ang maririnig nila, syempre kilala ko yung boses nila, lalo na siya, dahil sa uniqueness neto.

"Mukhang palpak ka na kaagad eh, hahaha." kung hindi ako nagkakamali, boses ni Suho yun.

"Tss. Wala pa ngang isang taon, hintayin nyo muna" sabi ni S-sehun.

"Psh, paano kung hindi siya nainlove sayo?" si Kai.

"Pwede ba yun? Ang lakas yata ng charms ko! Hahaha" sabi ni Sehun, sino ba yung tinutukoy nila? What do they mean? May gagamitin silang babae? They make the girl fall in love? What?

60 Seconds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon