14

124 2 0
                                    

 

Alexis: I want to finish this as soon as possible bago mag pasukan :3 

 

 

 

--

 

"Anong dito ka matutulog?" sabi ko kay Sehun, anak ka kasi ng kalabaw, sinabi ba naman dito daw siya matutulog, tss. Porket close na sila ni mama dito na kaagad matutulog?! Swerte niya ah.

 

 

 

 

"Oo nga, tanungin mo pa mama mo! Tabi tayo ah" sabi niya at tumawa, anak nang! Napa death glare naman ako kay mama na kasalukuyang nakatingin saaming dalawa ni Sehun

 

 

 

 

"Ma! Totoo?!" tanong ko kay mama tapos tumango tango siya, psh. Napa face palm naman ako, isusumbong ko kayo kay papa! Ang sama nila, pinagtri-tripan nila ako, wala naman akong ginagawa sakanila ah, mga bully!

 

 

 

 

"Wala daw ang mga magulang niya sa bahay, kawawa naman siya anak, baka magutom sakanila! Hayaan mo na, hindi naman kayo magtatabi!" sabi ni mama saakin, tapos ako naka pout, pagbigyan niyo na ako kahit alam kong hindi ako cute, hahaha. Nakakaasar, kahit na hindi kami magkatabi nakakainis padin! Kung alam mo lang mama kung ano yung balak saakin nang lalaking yang!

 

 

 

 

"Hala! Ang sabi niyo po kanina tabi kami" sabi ni Sehun ang nagpacute sa nanay ko, binatukan ko nga, naasar na ako ah, tabi tabi siya diyan, dito siya sa sofa matutulog akala niya ba!

 

 

 

 

"Tabi mo mukha mo! Dito ka lang sa sofa noo!" sabi ko at nag walk out, pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto mahirap na no, baka mamaya pasukin pa nila at ipagpilitan na matulog dito si Sehun, tsk tsk, bawal!

 

 

 

 

---

 

 

"Angel .. gising ka pa ba?" kakatapos ko lang mag wash at kakapalit ko lang nang pantulog nang may kumatok at nagsalitang bakulaw mula sa labas, psh. Ano nanaman kaya yun?

 

 

 

 

"Matutulog na ako, good night na!" sabi ko nang hindi binubuksan yung pinto, hayaan mo siya, baka mamaya pumasok pa dito eh, mahirap na, at isa pa wala na akong lakas para makipag kwentuhan pa sakanya, inaantok na ako, tinatawag na ako ng aking pinakamamahal na kama!

60 Seconds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon