Epilogue: Crystal Clear

75K 2.6K 449
                                    


Aurora was asleep in the passenger's seat at the back. Namugto ang mga mata niya kakaiyak nang sabihin ko sa kanya ang katotohanan. Samuelle, knew about her real identity and she chose to accept it rather than mope about it. Sinabi ko naman sa kanya noon na walang magbabago sa pagtingin ko sa kanya. Siya ang ang panganay naming, minahal ko iya at itinuring kong anak kahit na lumabas noon sa dna test na anak iya ni Magneto Paraiso, mahal na mahal ko si Samsam at walang makakapantay sa pagmamahal namin na iyon sa kanya. Hindi man siya galing sa akin, galing siya sa puso ko.

I parked Batman in front of our home. Dahan-dahan kong inilabas si Aurora mula sa kotse. Balak ko na lang siyang buhatin pero nagising siya na mugto pa rin ang mga mata. Ilang ulit na bang namutawi sa bibig niya ang salitang sorry? Hindi naman ako galit sa kanya, Normal lang na magkaroon siya nang napakaraming tanong sa isipan niya pero hindi naman nakakagalit iyon.

Nakaakbay ako sa kanya habang papasok kami sa bahay. Si Samsam ang unang nagisnan ni Aurora. Her sister was smiling at her. Agad namang yumakap si Aurora sa Ate niya.

"I love you, Ate..." Sabi niya sabay akyat sa itaas. I have a feeling na pupuntahan niya ang Mommy niya at hindi naman ako nagkamali. Ariell was with Cindy and Belle. Kasalukuyan na niyang pinatutulog ang mga bunso namin. She was telling them a bed time story. Nakatayo lang si Aurora sa may pintuan and I joined her. Sumama na rin sa amin si Samsam.

"What's with the tear, Orang?" Tanong ng panganay ko. Tumingin lang si Aurora sa kapatid niya.

"It's because I see clearer now, right Dad." Nakakatuwang marinig sa boses ni Aurora ang relief. Napansin kong nakatayo si Cindy at kumakaway sa amin.,

"Mama, si Daddy saka sila ate oh!" Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na kaming lahat sa silid noong dalawa. Samsam placed herself beside Cindy, tinabihan ko naman si Bell tapos si Aurora ay sa Mommy niya. Arielle looked at me – as if asking me if everything is okay, I nodded at her because it is okay. She smiled again.

"Daddy, Daddy, story!"

"Naks, g na g na naman si Cindy!" Sabi pa ni Aurora. Natawa naman ako.

"Sige, let's have a story about a boy who found a fairy princess that made his life better, brighter and happier."


"I know this story!" Samsam exclaimed.

"Really? Anong story iyan?!" Arielle asked. Si Aurora ay tawa nang tawa.

"Yes, I know that too, Ate, it's about a fairy princess named Arielle and the boy is Judas."

"Ay same name sila ni Mommy at Daddy!" Sigaw naman ni Cindy. Lalong na-excite ang mga anak ko. Arielle's cheeks turned red. Natatawa ako. Kung paanong namumula noon ang mga pisngi niya ay ganoon pa rin ang mga iyon magpasa-hanggang ngayon.

Walang nagbago kay Arielle, she aged, yes, but she's more beautiful now, and with her, I realized that falling in love with the same person everyday is possible because for the last twenty – eight years of our lives together, walang araw na hindi ako nahuhulog sa kanya.

The story went on. I told my children about how I fell in love with Arielle and they listened very carefully. Bugbog na bugbog na ang balikat ko sa kakahampas sa akin ng Mama nila pero hindi ako tumitigil because I want my children to know how much I cherish their mother, how much I love them and how thankful I am for Arielle.

Nakatulog na iyong dalawang bunso kaya umalis na kaming lahat sa kwarto nila. I was holding Arielle's hand. Niyaya kong magkape iyong dalawang dalaga ko.

"Hindi na, Dad. Girl's bonding kami ni Aurora muna."

"Girl's bonding? Baka naman isama mo si Bubut diyan sa bonding ninyo? H'wag naman masyadong close doon! Baka mamaya magkabuntisan na kayo!"

"Judas! Iyang bibig mo!" Sabi ng asawa ko. Tumawa si Samsam.

"Wala pa kami sa ganoon dad! Babalitaan kita."

"Aba't! Bumalik ka nga dito! Samuelle!" Gigil na gigil ako habang pinapanood na tumakbo palayo ang dalawang panganay ko.

"Jude ano ba? Nakakatawa iyang hitsura mo. Sabi ko sa'yo h'wag mong hamunin si Samsam, mana sa'yo iyan, matigas ang ulo." Tatawa – tawang sabi niya. Inakbayan kong muli ang asawa ko at hinalikan siya sa sentido niya. I was shaking my head. Imbes na sa silid kami dumiretso ay sa terrace kami. She sat on the bench. Tumabi naman ako sa kanya. Tinitigan ko siya.

"I love you..."

"Jude nga." Natatawa siya.

"Bakit ba naiilang ka kapag sinasabihan kita ng I love you? Eh love naman talaga kita!" Niyakap ko siya. "Halika na, sundan na natin si Cindy. Gusto ko ng baby boy."


"Jude nga!" Hagikgi siya nang hagikgik habang nakaupo sa tabi ko. Ilang beses niya akong pinaghahampas tapos ay kinurot sa balikat. Kinagat ko naman siya sa balikat kaya napahagikgik siya nang malakas.

"But on a more serious note..." Sabi ko sa kanya. "I couldn't imagine my life without you, Arielle. Thank you for coming to my life."

"That's just so sweet." Siyan a mismo ang humalik sa pisngi ko. Hinintay namin ang dalawang panganay namin at habang naghihintay ay wala akong ginawa kundi ang makipag-kwentuhan sa kanya. Hanggang ngayon, walang sawa pa rin akong nakikinig sa kanya at ganoon rin siya sa akin.

Ala una nang madaling araw nang dumating ang dalawang panganay ko. Sa pagkakataong iyon ay kasama nila si Arruba. She just came from work at nakipag-meeting daw siya sa mga pamangkin niya sa SB. Nauna nang umakyat ang mag-iina ko, naiwan kaming magkapatid and finally, after the whole day, after telling Aurora the truth, I faced Arruba to answer her question.

"Yes, she is, Arruba. She is the one and I love Arielle Cruise – Escalona so much. Walang pagsisisi, walang halong alaala ni Samuelle noon. Mahal na mahal ko si Arielle. Sobrang mahal ko siya. She is my soul's redeemer."

I always say that Samuelle saved my soul and clensed it but Arielle, she redeemed not just my soul or my heart but my whole being. Arielle completed me. Arielle is life itself. 

Judas: The Redeemed Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon