Challenge # 23

36.8K 1.3K 79
                                    

“Where is Arielle? Kakain na tayo, hindi pa siya bumabalik.”

Napatingin ako kay Leira habang nagsasalita siya. Umalis si Arielle? Saan naman siya nagpunta? Hindi naman siya nagsabing aalis siya. Nilapitan ko na si Leira para tanungin kung saan nagpunta ang girlfriend ko. Napakamot pa nga siya nang ulo bago sumagot. Nag-aayos na kasi siya ng hapag, manananghalian na kaming naggawa sa bahay.

“Nasaan si Arielle?” Tanong ko sa kanya. Nagkibit – balikat pa siya.

“Nagtapon siya ng basura eh. Hindi pa nga bumabalik. Puntahan mo na kaya, baka nakakwentuhan si Mrs. Padilla sa kabila, maboka kasi iyon. Kakain na kamo tayo.” Agad akong sumunod kay Leira. Sa back door rin ako dumaan at nakita ko nga na bukas iyong gate sa likod. Lumabas ako roon. Naisip kong kausapin iyong mga tao ko para mapabantayan rin ang part na ito ng bahay ko, hindi ko hahayaang may makapasok rito. Paglabas ko ay nakita ko iyong trash bag na nakalagay lang sa labas ng bin pero wala si Arielle.

I looked around, naisip kong baka nga nakikipagkwentuhan siya kay Mrs. Padilla. Minsan ko na ring nakakwentuhan iyong matanda, wala kasing kasama sa bahay iyon kaya kapag nakakakita ng ibang tao ay natutuwa siya.

But Mrs. Padilla wasn’t around. Wala rin si Arielle. Inayos ko iyong basura. Naisip kong baka bumalik na siya sa bahay, baka nasa kwarto siya, nagpahinga, kasi nga pinagod ko siya kagabi but as I lift the trash bag, isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko.

It’s her engagement ring.

Nalaglag iyon.

Pinulot ko. Pagkapulot ko pa lang ng singsing ni Arielle ay sinakop nang hindi magandang pakiramdam ang buong pagkatao ko. Tumingin ako sa poste malapit sa maliit na gate ng bahay ko. May cctv roon. Dala ang singsing ni Arielle ay pumasok ako sa bahay. Humahangos na nagpunta ako sa control room na nasa garahe ko.

Alam kong natawag ko ang atensyon ng mga kapatid ko. Nakasunod si Ido at Azul sa akin. They stood beside me as I review the footages at ganoon na lang ang panghihina ng loob ko at ang pagsaklob ng galit ko nang makita kong dinakip si Arielle ng mga lalaking bumaba mula sa isang itim na van. Kitang -kita ko kung paano sinubukan ni Arielle ang lumaban but they got her already.

Ginalaw ko iyong coordinates ng camera, may hinahanap ako – plaka, at maliban doon, alam kong may kausap siya. I searched and searched and I saw our friend Hugh.

“What is Hugh doing there? Bakit hindi niya pinigilan ang mga taong iyon na kunin si Arielle?!” Sigaw ni Azul. May hawak na siyang phone ngayon at tinatawagan ang mga koneksyon niya para agad na mahanap ang van na dumakip sa girlfriend ko. Galit na galit ako. Why would they take her?!

“That’s not Hugh!” Narinig ko si AJ. He just came out of nowhere. Kasama niya si KD. May dala silang envelope na kung ano ang laman. I know that whatever was inside, it will answer my fucking questions!

“KD did some digging and we found out that Hugh Lagman isn’t really Hugh Lagman. It was a fake identity. His real name is…”

I took the envelope and opened it. Inside, I saw Hugh Lagman’s real name.

“Magneto Paraiso.” I spat his name because it is the dirtiest word in the world for me. Walang namutawing tanong o kahit anong salita sa aming lahat. Para bang may silent agreement na lang kami na kailangan naming maghanda para kunin si Arielle. Hindi ako papayag na hindi ko siya mababawi, akin siya, binuhay niya ako at utang na loob ko sa kanya ngayon ang lahat ng ito.

Malinaw pa sa akin ang naging usapan naming sa Las Casas noon, na kailangan kong humanap ng taong tutubos sa kaluluwa ko mula kay Sam and she is that person. Nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ko ang sarili ko. Pakiramdam ko, ako si Deadpool at pinaghahandaan kong maigi ang pinakamalaking laban ng buhay ko.

Judas: The Redeemed Man Challengeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें