Challenge # 18

37.3K 1.4K 109
                                    

I didn't want to go to work today. Why would I go to work? Judas is here. He's really here and he's sleeping beside me. He was wearing a white shirt and a pair of gray sweat pants and he's on my bed, the left side of the bed, still asleep. Ang sarap pakinggan ng tibok nang puso niya. Halos umaga na rin kami natulog kasi nga nagkwentuhan pa kaming dalawa. He said he misses me that's why he came here. Hindi ko alam pero nag-swoon talaga ang buong pagkatao ko noong sinabi niya iyon.

I traced the sides of his face, his jaw line, his five o'clock shadow, his little freckles and the mole just above his lip. He's such a good – looking man. Both of his shoulders have tattoos. Iyong iba nakaka-cringe na may tattoo sa shoulders pero kay Jude, parang ang hot. I bit my lower lip. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako dahan-dahang bumangon para maghanda ng breakfast. I couldn't help but to look back, baka kasi bigla na lang siyang mawala. Feeling ko nga kasi, nasa trance ako at mawawala na lahat ito maya-maya.

I called sick sa work today. Naisip ko ring mag-leave ulit kaya lang kakabalik ko lang galing sa bakasyon. Oh my god, nandito talaga si Jude. Kaya pala ganoon na lang iyong pagtanggi ni Yella kahapon na sabihin sa akin kung nasaan ang lokong ito, nasa eroplano na pala siya papunta dito. Ang haba – haba ng buhok ko.

Tinawagan ko si Yella, and to my surprise, lahat silang girls ay naroon – and all of them looked so excited.

"Nasaan kayo?" I asked.

"SB." Yella answered. "May taping si Bernie. So, is Jude already in there?"

"He's in my bed, sleeping." I told them. Nakita kong kilig na kilig si Leira, gayundin si Gina at si Bernice. Si Yella ay hindi maitago ang ngisi.

"Nag-sex na kayo?" Gina asked me.

"Hala ka! Georgina nga! Nahahawa ka na sa kaululan ni Ido!" Leira said. I giggled.

"Hindi no! Saka wala naman yata sa isip ni Jude iyon saka hindi ko rin naiisip iyon!" Namula ang mukha ko.

"Well, magsimula ka nang mag-isip noon! Balitaan mo kami, take na ni Bernie! Bye!" Nagpaalam na sila sa akin. Ako naman ay nagluto na rin. I had been living alone for a while now saka isa pa, tinuruan ako ni Mommy at Daddy na magluto. Hindi naman ako pinalaking spoiled brat kaya marunong talaga ako sa gawaing bahay. In fact, marunong akong maglaba, magluto saka magsaing. Malaking bagay na iyon. I cooked eggs, bacons, and pancakes. I don't know what he likes kaya niluto ko na lang iyong nasa ref ko. I also made him coffee. Marunong ako dahil si Daddy, palaging nagko-coffee, kami naman ni Mommy, green tea palagi ang kaharap.

Nang makapaghain na ako ay binalikan ko si Jude sa kwarto. Tulog pa rin siya. Sumampa ako sa kama at nahiga sa tabi niya. Dinutdot ko ang ilong niya tapos ay kiniliti siya sa tainga. Nagulat ako nang maramdaman kong ipinalupot niya ang mga kamay niya sa akin sabay tagilid sa akin. Now, I am lying on the bed and Jude was on top of me.

"Good morning." I said. He grinned.


"I could get used to this view every morning." Sabi pa niya sabay Gawad ng halik sa noo ko. I swallowed. Oh my god, may nararamdaman ako... Kilig yata ang tawag doon.

"Nagluto ako ng breakfast. Kain na tayo..."

Pero hindi kaagad tumayo si Jude. He just held me in his arms and closed his eyes. Ilang beses kong narinig ang pagbuntong-hininga niya. Ilang beses ko ring ninais na tanungin siya kung ano ang kanyang iniisip. Kung iniisip niya kaya iyong babaeng nasa? Kung naaalala pa rin ba niya ang babaeng iyon sa akin. I wanted to know kahit na malaki ang posibilidad na masaktan ako.

I like Judas and I'm starting to feel happy whenever he is around. Matagal na naman na akong masaya dahil nandito siya kaya lang, ngayon, mas marami akong nararamdamang uncertainties lalo na at naramdaman ko at alam kong alaala ang kalaban ko. May ideya naman ako kung gaano kahirap makipaglaban sa alaala. Kaya pala sinabi sa akin ni Yella na dapat daw akong maging patient kay Judas.

Judas: The Redeemed Man ChallengeWhere stories live. Discover now