Challenge # 15

39K 1.4K 364
                                    

The next morning came. Mas nauna akong magising kaysa sa kanya. Hindi ako makapaniwala kung gaano kasarap ang tulog ko. That was the first in years and it should mean something. I was just staring at Arielle. Tulog na tulog pa siya. I couldn't help bu smile habang nakatingin ako sa kanya. May nag-iba sa akin. Sigurado ako roon. Something had shifted. Hindi ko pa lang ma-explain sa ngayon pero sigurado talaga akong may nangyar sa akin – inside of me and I can't explain it. But I know that it's something beautiful.

"Hey..." I touched her cheek. Paulit -ulit kong ginawa iyon hanggang sa nagmulat na siya ng mga mata. Agad siyang ngumiti sa akin tapos ay lumabi.

"Ang baho ng hininga ko." Sabi niya habang nakatakip ang kamay sa bibig. Napabulanghit ako ng tawa. Sa tuwa ko ay bigla ko siyang hinalikan sa noo.


"Mag-tooth brush ka na. Tapos mamasyal tayo." Wika ko. Tumayo na ako at pumasok sa silid ko. Ang gaan ng pakiramdam ko. Naligo na rin ako para kung matagal man siya ay siya na lang ang hihintayin ko. Habang nagbibihis ay narinig kong ilang beses nang nag-ring ang phone ko. It was a video call from Ido. Kahit na ayoko ay sinagot ko iyon. Naisip kong baka nangangamusta lang naman sila.


"So, Jude, nag-sex na kayo?!" Pagka-accept ko ng tawag ay iyon agad ang itinanong niya sa akin. I rolled my eyes. Naupo ako sa kama.

"Tarantado, Ido, nasa kabilang kwarto siya at walang nangyari sa amin. Gago ka talaga! Puro iyon kasi ang iniisip mo kaya puro iyon ang akala mong ginagawa namin dito!" Pagalit na sabi ko. Napansin kong hindi naman siya mag-isa. Naroon rin si Axel John kasama ang ikatlo niyang anak, si Gabrielle Ann. Tawa nang tawa si Axel sa background.

"Ang sira ulo nitong kaibigan mo." Inis na sabi ko. "Nakakahiya pa! Kapag narinig ka ni Arielle." Natigilan ako dahil napansin kong naglalakad si Ido at si Axel sa isang lugar na pamilyar sa akin pero sigurado akong hindi iyon sa village. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung nasaan sila.

"Tang ina ninyong lahat mga monggo kayo! Nandito rin kayo sa Las Casas!" I exclaimed. Agad akong sumilip sa bintana at doon, nakita ko si Ido at Axel na kinakawayan ako. Mga monggo talaga sila! Lumabas ako ng kwarto. Nasalubong ko si Arielle na mukhang katatapos lang uminom ng tubig.

"Hey..." Kabadong tawag ko sa kanya. "I just have to make a call. I'll be right back."

"Sige... ahm, magpa-reserve ka na rin sa resto. Kasi baka maghintay pa tayo."

"Alright." Sabi ko. I smiled and ran away. Pagdating ko sa labas ay binigyan ko ng tig-isa ang mga monggo kong kaibigan. Nagtatawanan naman sila.

"Anong ginagawa ninyo dito?!" I hissed.

"Hindi ka kasi tumawag kahapon, maghapon kaya naisip naming sumunod. Pabor rin naman sa mga babae, they all watched you last night, noong nag-uusap kayo ni Arielle sa beach, noong sumayaw kayo noong dinner. Tang ina, pre, daig ninyo pa iyong Kathniel! Si Ginang masarap, kilig na kilig naka-anim tuloy kami kagabi kaya galingan mo ulit mamaya! Humokage ka na! Tang ina! Ang sarap ng birada ko kagabi, Jude!"

"Napakabastos mong nilalang, Ido! Walang hiya kayong mga monggo kayo! Hindi na dapat kayo sumunod!"


Damn, everything is going so well! Hindi pwedeng ganito! Uungasin na naman ako ng mga ito!

"Itlog mo monggo." Sabi ni Axel. "Hindi naman kami manggugulo. Sisilip – silip lang kami. We just want you to feel our presence. Now, we're leaving. Pinaiinitan ko lang itong si Baby Gab ko. Bye..."

"Bye, Jude! Baka gising na si Ginang Masarap! Baka makaisa pa kaming dalawa! Baka si Aswell na ang mabuo!"

Napakaulol talaga ng mga ito. Hindi pa sila natuwa na inaalam nila at nakaabang sila sa mga ginagawa ko, kailangan pang sundan nila ako dito! Mga putang ina talaga! Nagmamadaling bumalik na ako sa bahay kung saan naghihintay si Arielle. Nakahanda na siya. Naka-floral skirt naman siya ngayon tapos ay sleeveless top.

Judas: The Redeemed Man ChallengeWhere stories live. Discover now