Challenge # 07

43.1K 1.6K 199
                                    

"Thank you."



It was all that I could say after that coffee and tea drink we had. Hindi na kami sa SB nagpunta. We just had - well, he had coffee and I had tea in a generic coffee shop near the fountain where I saw him. Nakakatuwa kasi hindi siya umalis. Akala ko kasi nawala na siya. Akala ko kasi bigla siyang umalis at talagang nakaramdam ako ng panghihinayang but now, he's here and we're actually talking and he's a good talker. Nakakatuwa siyang kausap. Parang nararamdaman ko ulit iyong naramdaman ko noong unang beses kaming mag-usap sa kasal na ni-gate crash ko.



We talked about his tattoo shops. His friends and their antics. I talked about how much I love travelling the Philippines and how much I am enjoying this momeny of freedom. Nasabi ko rin kung gaano ko nami-miss ang parents ko.



"Hindi ka ba nakikipag-usap sa kanila on a regular basis?" Tanong ni Jude sa akin habang umiinom siya ng kape. He looked so good in his green v-neck shirt and his tight jeans. Ang alam ko, mas matanda siya sa akin pero kung titingnan siya ngayon, parang hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa. He's actually young looking and from where I am sitting, parang ang gwapo ni Judas. Nakakatuwa iyong dimples niyang lumalabas kapag tumatawa siya. Tumatawa siya ngayon, he likes my jokes, which is very seldom kasi alam kong corny akong tao.



"My mom calls me every minute of everyday, actually, kanina bago ako sumakay ng airplane, magkausap kaming dalawa. Tapos kanina bago ako umalis, tumatawag na siya sa akin. Nag-text ako na nagpapahinga ako kaya hindi ko siya masasagot." Tumawa ako. Si Jude ay tumatango lang.



"Ikaw, tell me about yout family?"



"Basically, my family are my friends. I have a sister, she's now living in New York with her husband and her two sons..."



"Lahat? Walang girl, as in sons talaga?"



"Yes. Imagine how tired she is. Buti na lang, nakapag-adjust na siya. Iyong mga kaibigan ko, you know, Azul and the others..."



"Ay, kamusta na nga pala siya?" I asked him. Second cousin ko kasi si Azul. Pinsan ng Papa niya ang Daddy ko, although adopted si Dad, hindi naman siya itinuring na iba ng pamilya ni Uncle Lukas lalo na si Auntie Laide. Dad was saddened by the fact that Uncle Lukas' wife died years ago, umuwi rin kami noon para makipaglibing sa kanila pero isang raw lang yata kaming nag-stay sa Pilipinas.



"Si Simoun? He's fine. He now has three children. Inaanak ko iyong bunso niya, Si Violet." Paliwanag niya.



"Feeling ko matagal na kayong magkaibigan ni Azul."



"Oh yeah. We've been friends for decades now. Mula noong ten years old ako, kaibigan ko na si Simoun. Hindi na kami nagkalayo-layo kaya nga halos magkakapamilya na ang turing namin sa isa't isa. Hindi na sila basta kaibigan, kapatid ko na sila."



Jude seemed to be very happy while talking about his friends. Nakakatuwa kasi nagliliwanag talaga iyong mukha niya habang kinukwento niya ang mga ito sa akin. Nagtatawanan pa kami. Napansin kong ang paborito niya sa mga kaibigan niya ay iyong tinatawag niyang Thaddeus.



"He makes me crack. Sira ulo kasi iyon. Gustong - gusto niyang tinatawag syang gwapo. And he has gay tendencies."



"I thought, he's married?"



"He is, but he seems to have this weird attachment to Simoun. Matatawa ka kapag magkasama kayo."



Napatitig ako sa kanya. Mukhang nailing naman siya.



"What?" Nag-iwas siyang tingin. Kapagkuwan ay humigop siya ng kape niya.



"You seemed to be really happy when you talk about your friends, pero kapag tahimik ka, Judas, nakikita ko... there's loneliness in your eyes, hindi lang basta loneliness, may emptiness rin. I have seen that noon pa, and now I wonder why you're sad. What makes you sad, Judas?"

Judas: The Redeemed Man ChallengeWhere stories live. Discover now