Inimbitahan kami ng pamilya nila Lola na kumain na muna. Nagpahanda daw kasi sila ng pagkain, kumbawa, welcome party. Nakakahiya namang tumanggi kaya pumasok na rin kaming lahat. Inalalayan ako noong anak na babae ni Lola. Buntis nga daw kasi ako at baka malaglag na lang ako at kung anong mangyari sa akin.

Marami silang inihandang pagkain. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Si Nurse Joy saka si Kuya Emman, kumakain na silang dalawa ni Nurse Joy. Binigyan ako ng paper plate noong anak ni Lola. Nahihiya man ay lumakad ako papunta sa hapag. Gusto ko ng mga kakanin, mukhang iyon ang gustong kinakain palagi ng baby sa tyan ko.

I stayed in the veranda over looking the ocean. It's almost sun down. Napakaganda ng kulay ng paligid. I had always love the sunset kasi para sa akin, nagsisimbolo iyon ng bagong umaga, bagong simula.

Magsisimula akong muli, kasama ng magiging anak ko, kahit kaming dalawa na lang muna. Uunti-untiin ko si Mommy at Daddy...

Si Judas? Mahal ko pa rin siya... pero hindi na kai para sa isa't isa. May mga bagay talagang kahit paghirapan ay hindi pa rin makukuha. Ibig sabihin lang noon, hindi iyon nakalaan para sa tao, and maybe, there's something else for me.

Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Nagugustuhan ko na iyong buhay ko dito. Tahimik naman.I seldom have nightmares now. Pakiramdam ko binabantayan ako ng baby ko.

"Ay! Dolphins!" I heard the little kid exclaimed. May bata palang nakatayo sa tabi ko. Apo yata siya ni Lola at sinundan niya ako. She was wearing her cute pink shorts and white shirt. Tumakbo siya pabalik sa bahay para tawagin ang kung sino. Ako naman ay nakangiting nagpunta sa dalampasigan. Tinatanaw kong pilit ang mga dolphins.

They weren't just dolphins. Marami sila. Nakikipagsayaw sa mga alon, tumatalon, humuhuni. They looked so happy – so happy that it brought tears to my eyes. Napahawak pa ako sa munting umbok ng tyan ko.

"Baby, do you see this? I wish you could, it's so beautiful." Natagpuan ko ang sarili kong napapangiti na lang. Hindi ko alam kung para saan ang kabog ng dibdib ko. Ang lakas kasi – iyong tipo ng lakas na para bang may mangyayari ngayon sa akin.

The dolphins keep on jumping in and out if the water. It's something. Doon lang ako nakatingin. Papunta ang iba sa kaliwang side ko. Walang nagawa ang mga mata ko kundi ang sundan sila. Ngiting-ngiti ako. I am enjoying this.

My eyes went straight to my left direction pero doon na natapos iyon. Hindi na rin kasi bumalik sa kahit saan dahil nakita ko ang isang taong kahit kalian ay hindi ko na inaasahang makikitang muli. I am actually ready to just forget about him and yet...

He's here, standing just meters away from me. Malapit siya roon sa glass house kung saan ako natagpuan noong gabing iyon. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung saan ko itatago ang aking sarili – iyong umbok sa tyan ko, iyong ako mismo, pati na rin ang mga luha ko.

"Ikaw iyan, Arielle diba? Iyong sa wedding na in-attend-an ko almost three years ago?"

Nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Naitakip ko pa iyong mga kamay ko sa bibig ko dahil ayokong lumabas ang impit na daing at hagulgol mula sa akin. I noticed him walking slowly towards me. Palayo ako nang palayo pero natigil ako dahil biglang lumakas iyong alon. Natakot ang humakbang palayo.

Naabot na ng tubig ang mga paa ko.

"Anak mo?" He asked while looking at my belly. I couldn't say anything. Kinalma ko ang sarili ko. I need to face him para naman matapos na. Wala na rin naman. Hindi na kami bagay na dalawa. He doesn't deserve me. I am damaged.

"Anak ko..." Sumisigok na wika ko. He shook his head. Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa taps ay dahan-dahan niyang hinawakan ang umbok sa tyan ko.

"Jude-Jude w-wag..."

"Natin, Arielle. Anak natin..."

Lalo akong napaiyak. Why would he do something like this. Umiling ako.

"Hindi, Jude. This isn't yours. I-I was..."

"I know... I killed them all."

"K-kahit na... I am not pure... those guys..."

Nakita kong nakakakuyom na ang mga palad niya.

"I don't care, Arielle."

"You should!" I hissed.

"I don't! I love you, that's all that matters to me. You're not just a part of my limbs, you are my life and I can't imagine myself without you anymore, Arielle. I love you. I don't care about what happened with you. I care about you, the baby, your baby, our baby. That's my child. That's mine and I am going love that child the way I love Violet and the kids."

Napasinghap ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

"Arielle, marry me again..." Lalo akong napaiyak. What did I do to deserve this? "This time, I will never let you out of my sight. I will protect you with my whole life. You and our child. Let's build a family, Arielle..."

Palakas nang palakas ang hagulgol ko. Palakas rin nang palakas ang alon sa beach na iyon. I kneeled in front of Judas and hugged him tightly. Sino pa ba ako para tanggihan siya? Ang swerte ko, ang swerte ko dahil mahal ako ng mahal ko.

"I love you, Jude..." I whispered to him.

"I love you with all my life, Arielle..." He whispered to me. We kissed and as if on cue, bigla na lang lumakas talaga ang alon, and it was enough para mabasa kaming dalawa. Kumalas siya sa akin at tumingin sa karagatan. He put his arm around me and kissed my temple. Hinawakan niya pa ang umbok ng tyan ko. 

"Sam's happy." Sabi ni Jude. I smiled at him.

"Sam's been keeping me company for the last months... or so I thought. I have a feeling she's been saving me and she's been wanting us to meet and that she readied us for this moment. Jude, until now, she's taking care of you. And I am grateful..."

Jude kissed my forehead. "Thank you, Arielle..."

"I'm gonna name my child after her... after Sam..." Napapaiyak pa ako. Jude smiled.

"Our child, Arielle. Ours..." 

Judas: The Redeemed Man ChallengeWhere stories live. Discover now