Iced Americano

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko maintindihan bakit nangyari ito.. Bakit sa amin pa?"

Kusang lumalabas ang mga katanungan sa bibig ko. Si Suga ay nakikinig pa rin at 'di umiimik.

Maya-maya ay nahimasmasan na ako. Wala pa ring umiimik sa aming dalawa. Tumayo na ako at tumayo na rin si Suga.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo, pero kailangan mong maging matatag. Naniniwala akong kaya mo.." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay dumiretso na siya sa pinto ng unit nila at pumasok.

"Kaya ko? Sana nga kayanin ko.."

June 22, 2013

Lumipas din ang isang linggo. Isang linggong puno ng lungkot, pagdadalamhati at pag-iyak. Dumalaw ang mga malalapit naming kamag-anak. Mga kapatid ni eomma at appa, pati rin mga pinsan namin. May mga nag-abot rin ng tulong at handang kupkupin muna kami, pero tumanggi ako. Ayaw kong umasa kami sa iba, at magkaroon ng utang na loob sa kanila. May natira namang pera na sapat sa amin ni Mich. Magagamit namin 'yon, tutal malapit na rin naman akong gumraduate at nakakapagtrabaho na rin ako sa susunod na taon.

Isang linngo na rin ang lumipas ng huli kong nakita ang mga boys sa kabilang unit. Siguro busy sa pagppromote kaya 'di ko sila naabutan o nakakasalubong..

June 25, 2013

Nandito ako sa isang café kasama ang kaklase kong Angel. Nagpatulong kasi ako sa kanya na makahanap ng pwedeng part-time na trabaho at sakto nagttrabaho din siya sa café na ito at irerecommend niya ako sa boss niya..

"Sigurado ka ba na hiring kayo? Baka mapahiya lang tayo." Kinakabahan kong sabi kay Angel.

"Oo naman no! Mabait kaya yung boss ko. Kahit siguro 'di kami hiring eh tatanggapin ka. Hehe."

"Ganun ba? Pero salamat ulit ah. Alam mo naman, kami na lang dalawa ng kapatid ko kaya kailangan kong kumita.."

"Ay, ano ka ba. Wala 'yon. Masaya ako at matutulungan kita.. Oh, nandyan na pala si boss. Dyan ka muna at lalapitan ko siya.." Agad umalis si Angel at pumasok sa loob ng maliit na office ng boss niya. Wala pang limang minuto at lumabas siya ng pinto at tinatawag ako.

"Halika na, Chai! Gusto ka daw makita ni boss." Senyas sa akin na pumasok na rin sa loob. Kinuha ko ang dala kong folder at nagmamadaling lumapit kay Angel.

Bago ako makapasok ay may binulong si Angel.. "Huwag kang kabahan, mabait 'yang si boss." Ngumiti ako at tuluyan nang pumasok sa loob.

"Annyeong hasaeyo!" Bati ko sa boss ni Angel. Isang babaeng maputi at classy ang dating ang bumubgad sa akin.

"So you're Angel's friend.. Let me see your resume, please.." Inabot ko agad ng nakangiti ang folder ko na may lamang resume.

Tumatango-tango lamang siya habang binabasa ang resume ko.

"Okay, you're hired. You can start tomorrow."

Ha?! Ganun kabilis? Hired na ako agad?!

"Po? Hired na po ako?"

Natawa lamang siya. "Oo, sakto ang pagdating mo kasi kulang talaga kami, at base naman sa resume mo, mukhang maayos naman ang grades at records mo."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Kamsahamnida! Kamsahamnida! Malaking tulong po talaga ito!"

"Sige puntahan mo na si Angel para makakuha ka na ng uniform mo.."

"Sige po, ma'am. Thank you po ulit." Sabi ko bago ako tuluyang umalis ng office.

Bumungad sa akin si Angel. "Oh, 'di ba? Tanggap ka? Sabi ko sa'yo mabait 'yan si Ma'am eh!"

"Hehe, onga. Pwede na daw ako magstart bukas kaya ngayon, itour mo muna ako at bigyan ng uniform."

"Ohh, sure!"

June 26, 2013

"Okay, that's all class. Don't forget to pass your homework next meeting!"

"Angel! Angel!" Tawag ko kay Angel habang inaayos niya ang mga gamit niya.

"Ohh, may klase ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na. Diretso na ako nito sa café. Sasabay ka na ba? Wala ka nang class niyan?"

"Oo sabay na tayo. Last subject ko din ito." 'Di kasi kami blockmates ni Angel dahil may mga back subjects pa siya na pang-3rd year

"Ohh, 'yun pala eh. MWF sabay tayong magdduty. Tara na?"

-

First day ko sa café at kinakabahan ako. Sana makuha ko agad lahat ang ituturo ni Angel. Ang unang ituturo niya ay ang mga ingredients, kung saan ito kinukuha at kung saan ito ilalagay, at ang mga shelf life nito.

Dumami ang tao ng mga bandang 7pm kaya naman tumulong si Angel sa pagsserve at nasa gilid lang ako, pinapanood ang bawat kilos niya.

"Djem, ikaw na magserve ng mga 'to. Isigaw mo na lang pangalan nila tapos lapitan mo."

"Osige sige. Ako na.." Kinuha ko na ang mga natapos niya nang itimpla at nilagay sa tray.

"One Espresso for Seo Joon?" Sigaw ko at nakita kong nagtaas ng kamay ang isang lalaki sa bandang kanan ng café. Nilapitan ko siya at agad inabot ang kape niya.

"One Iced Americano for Yoon Gi? One Iced Americano for Yoon Gi?" Tumingin-tingin ako sa paligid nang mahagip ko yung lalaking nagtataas ng kanyang kamay. Nakatalikod at nakaupo sa dulo. Lumapit naman ako agad sa kinauupuan niya.

"Iced Americano for Yoon Gi?" Sabi ko, 'di ito tumingin sa akin at sinenyas niya lang na ipatong na lang ito sa table niya. Naka-cap at naka-face mask siya kaya 'di ko makita ang kanyang mukha..

Pinatong ko yung kape niya sa table at napansin kong ang daming papel sa harap niya. Nasagip ng aking mga mata ang isang sheet na may nakalagay na title..

"Cypher PT. 1?" Umangat ng tingin yung lalaki at, dali-dali akong nagbow at sinabing "Ahh, enjoy your coffee, Yoon Gi!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Photograph You (BTS Suga) ▶ ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon