Picture of Me

32 3 7
                                    

June 11, 2013

🎶
Yamma ni ggumeun mwoni
yamma ni ggumeun mwoni
yamma ni ggumeun mwoni
ni ggumeun gyeou geugeoni
geojitmariya you such a liar
See me see me ya neon wiseonjaya
wae jakku ddan gireul garae ya neona jalhae
jebal gangyohajin marajwo
(La la la la la)
ni ggumi mwoni ni ggumi mwoni mwoni
(La la la la la)
gojak igeoni gojak igeoni geoni
🎶

"Yamma ni ggumeun mwoni, yamma ni ggumeun mwoni!! Yamma ni ggumeun mwoni, ni ggumeun gyeou geugeoni!!!!"

Nagising ako sa maingay na pagkanta ng kapatid ko. Gabing-gabi na pero ang ingay niya pa rin. Anong oras na ba? Ughh.

"Geojitmariya you such a liar!"

"Yahhh! Mich!! Ano ba? Gabi na. Magpatulog ka naman ohh. Gusto kong magpahinga. Jebal."

"See me see me ya neon wiseonjaya
wae jakku ddan gireul garae ya neona jalhae! 🎶 Haaaah, sorry unnie. Sorry unnie! Sige, hihinaan ko na lang pagkanta ko. Naexcite kasi ako eh!!!"

May bago sigurong k-pop artist na fina-fangirl 'tong kapatid ko. Hay naku.. Makabalik na nga sa pagtulog.

June 12, 2013

Maaga akong gumising dahil may project kaming gagawin. Bumangon ako agad at nakita ko ang kapatid ko na nakatulog sa harap ng laptop niya.

"Mich, mich, mich.. Mich gising ka na dyan. Nakatulog ka dyan sa laptop mo ohh. Mich, uyyy, 'di ka ba papasok?"

"Hmmm.. Hmmm. Anong oras na unnie?"

"7:30am na Mich."

Bigla itong napatayo at "Shit ate late na ako!!!!". Dali-dali itong kumilos at dumiretso na sa cr.

Naku 'yang batang 'yan talaga. Puyat ng puyat dahil sa kapanunood ng mga drama at kaka-fangirl niya. Hay naku..

Inayos ko ang kanyang laptop at nilagay ito sa desk niya.. Nagalaw ko ito ng konti kaya, umilaw ito at nagflash sa screen ang huli niyang ginawa.

"Ay naku! Napuyat kaka-Youtube! Mich talagaa!" sabay shut down sa laptop niya.

Inayos ko na rin ang aking gamit na kailangan para sa mamaya.

"Camera, earphones, mic, notebook... Ano pa bang nakalimutan ko? Hmmm.." mukha namang wala na akong nakalimutan kaya lumabas na ako ng kwarto at naabutan kong nagmamadaling nagluluto si eomma sa kusina.

"Ohh Chai, kain ka na dito at mag-iiwan na akong pagkain niyo para mamayang gabi. Baka gabihin ako sa pag-uwi kaya ito. Ipainit niyo na lang mamaya ah."

Umupo na ako at kumain. Lumabas na rin si Mich sa cr. Hudyat na kailangan ko na ring maligo..

"Yahh, Mich! Late ka naaa. Dalian mo dyan!" bulyaw ko sa kanya bago ako pumasok ng cr.

Natapos na akong maligo at magbihis. Nakaalis na rin sina eomma at Mich. Ako na lang ang naiwan dito. Kinuha ko na ang gamit ko sa kwarto at ni-lock na ang unit namin. Katalikod ko ay nakasalubong ko ang mga nakatira sa kabilang unit. Lahat sila nakasuot ng itim na damit. Mala-hiphop ang style.

"Waaah! 'Di ako makapaniwalaa, hyung!!" sigaw ng isa.

"Grabe ang saya ko! Ganito pala ang feeling!!!" sabi naman ng isa habang sumasayaw-sayaw pa.

"Ahhh noona!! Annyeong!" singit naman ng lalaking nakausap ko dati.

"Ohhh, annyeong!" bati ko naman.

Let Me Photograph You (BTS Suga) ▶ ON-GOINGWhere stories live. Discover now