Iced Americano

28 2 0
                                    

"Eomma, gumising ka na dyan. 'Di mo kami iiwan ni Mich 'di ba? Eomma, gising na dyan.. Eomma..."

Nanlambot ang mga tuhod ko ng nakita ko si eomma. Wala ng buhay na nakahiga sa isang hospital bed. 'Di ako makapaniwala. Gusto kong isipin na masamang panaginip lamang ang lahat ng ito, na hindi totoo na patay na si eomma..

"Eomma, eomma.."

Patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko. Ang sikip sa dibdib, halos 'di ako makahinga.. Ang sakit.. Bakit si eomma pa? Bakit?

"Eomma!!! Eomma, magiging mabait na ako, promise. Susunod na ako lagi kay unnie at sa inyo. Eomma, gising na dyan!" humahagulgol na sabi ni Mich. Pareho kami. 'Di makapaniwala.

Simula nung namatay si appa dahil sa aksidente noong 2005, nakita ko ang lahat ng sakripisyo at paghihirap na ginawa ni eomma. Simula sa pag-aapply ng maraming trabaho para makapag-aral kami ni Mich, kung paano siya gumising ng maaga para asikasuhin kami ng kapatid ko bago pumasok, kung paano niya kami alagaan kahit pagod na siya galing trabaho.. Nakita ko ang lahat ng iyon, pero bago matapos ang araw, nakukuha pa ring ngumiti ni eomma.. Pero ngayon, hinding-hindi ko na ulit makikita ang mga ngiting 'yon. Hanggang sa alaala ko na lang siya makikita ulit.

-

Uuwi muna ako ngayon saglit sa amin para kumuha ng mga gamit at pera para maasikaso na ang burol ni eomma. Hinabilin na sa akin ni eomma ang lahat dati pa. Kahit ayaw kong pakinggan ang mga habilin niya noon dahil ayaw kong marining na may mangyayaring masama sa kanya. Ngayon, nangyari na. Nangyari na ang kitakatakutan ko..

Pumasok ako agad at mabilis na kinuha ang mga kailangan. Pinasok ko na lang basta ang lahat ng gamit sa bag ko. Pumasok ako sa kwarto ni eomma, binuksan ang drawer kung saan niya tinatago ang card niya sa bangko. Naamoy ko ang pabango ni eomma. Bumalik sa akin ang mga alaala niya. Naalala ko ang mga ngiti niya.. Ang mga tawanan naming dalawa.. Bago pa ako tuluyang maluha, umalis na ako ng kwarto ni eomma.. Kailangan ko ding magmadali, iniwan kong mag-isa si Mich sa hospital. Nang naihanda ko na ang lahat, binuksan ko na ang pinto at lalabas na ng..

"Aaahh!! Shit!!" Naipit ko pa ang mga kaliwang daliri ko sa pinto dahil sa sobrang pagmamadali. Sa sobrang sakit 'di ko mapigilang umiyak. 'Di ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba 'to sa pisikal na sakit na nararamdaman ko ngayon o dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib dahil wala na si eomma. Nanghina na naman ang katawan ko, at napaupo ako sa tapat ng pinto..

"Ang sakit." 'Yon lang ang nasabi ko habang umiiyak.. Kailangan ko itong ilabas para 'di na ako makitang umiiyak ni Mich. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya..

"Kung masakit, iiyak mo lang.." Napatingin ako sa kanan, may nakatayo pala. Inaabot niya rin ang panyo niya. Tumingala pa ako para makilala kung sino 'yon..

"Kunin mo na. Alam kong mas kailangan mo ang panyong 'yan kaysa sa akin.." Si Suga pala.. Mabait din naman pala 'to eh. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.

"Salamat ahh. Uhmm, balik ko na lang 'to bukas.."

"Huwag na. Sa'yo na lang 'yan. Para kapag iiyak ka pa ulit, mayroon ka ng panyo." Sagot niya at bigla siyang umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya ng diretso at bigla siyang nagsalita ulit. "Kung kailangan mo ng makakausap, handa akong makinig."

Hindi ko naman masyadong kilala 'to pero bakit gumaan ang loob ko sa kanya ng marinig ko ang mga sinabi niya.. Yumuko ako dahil nagsimula na ulit lumuha ang mga mata ko.. "Hindi ko maintindihan. Bakit ang unfair ng mundo?"

"Bakit siya pa? Bakit si eomma pa?"

"Paano na lang buhay namin ng kapatid ko ngayong wala ka na?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let Me Photograph You (BTS Suga) ▶ ON-GOINGWhere stories live. Discover now