" I'm sorry, hindi ko intensyong bastusin ka pero ayoko lang makipagsagutan sayo hindi maganda ang pakiramdam ko, pasensya kana." baka kung ano pa ang masabi niya dito. Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso.

" Ang sabihin mo nagiinarte ka lang para nasayo ang atensiyon ni Gabriel! Sino ka ba ha? Sino sa mga trabahador ang magulang mo? Ang galing mo naman pumili ng lalaki." nangunot ang noo niya, anong pinagsasabi niya? Inakala yata nitong anak siya ng trabahador sa Hacienda.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo." Tinalikuran niya na ito pero hinila nito ang buhok niya.

" Bastos ka! Kinakausap pa kita." agad namang lumapit sa kanila si Ate Icel.

" Ma'am bitawan n'yo po si Ma'am Mariel." naitulak siya nito dahilan para mapaupo ito sa sahig. Napayakap naman siya kay Ate Icel.

" Walang hiya kang muchacha ka! Anong karapatan mong itulak ako!" akmang susugurin sila nito pero dumating ang asawa niya.

" What the hell are you doing?!" sigaw nito kay Ella at  agad na lumapit sa kanila. " Wifey are you okay?" inalalayan siya nito at inayos ang nagulo niyang buhok.

" Sinaktan siya ng babaeng yan Gabriel, sinabunutan niya si Mariel." sigaw ni Ate Icel. Hinawakan niya ang kamay nito para makalmahin.

" Sinungaling! Ako ang pinagtulungan ninyo." sagot ni Ella, ang kaninang mabagsik na anyo nito ay napalitan ng isang tila maamong tupa.

" Fuck! Kadarating mo lang dito' ito agad?" maang na napatingin siya kay Gabriel sa sinabi nito.

Nagpaliwanag pa ito pero hindi na ito pinansin ni Gabriel. Inalalayan siya ng asawa papuntang sasakyan, pinakuha niya naman ang bag kay Ate Icel.

" Gab naman, I made breakfast for you. Saan na naman kayo pupunta." habol nito sa kanila.

" Wala kang pakialam! Subukan mong gumawa ng gulo sa bahay ko at sa labas ka pupulutin." banta ni Gabriel dito.

Saka sila bumyahe, napansin niyang tila mabagal ang pagpapatakbo nito ng sasakyan.

" Baka tanghali na tayo makarating kung ganyan ang maneho mo." puna niya dito.

" Wifey, buntis ka baka mapano ang baby natin." kinilig siya sa pagiging concern nito pero OA naman yata.

" Wala pang Baby, ni hindi pa nga fetus ang anak mo." natatawa niyang sagot dito.

" Correction, anak natin. Mas mabuti ng nag iingat."  pero siya ang nafufrustrate sa takbo nilang mas mabilis pa yata kung maglalakad siya.

" Bibilisan mo ba o maglalakad nalang ako?" mukhang alam nitong hindi siya nagbibiro.

Pareho silang natuwa sa result ng check up niya. Dalawang buwan na daw ang ipinagbubuntis niya. Binigyan nalang siya ng vitamins at gamot sa pagkahilo. Safe naman daw iyon para sa baby.

Kumain  sila sa paborito niyang fast-food at himalang hindi siya tinangihan nito. Sinamahan pa nga siya nitong kumain doon.

Pinamili din siya nito ng mga damit para komportable daw siya. At namili ito ng mga prutas na wala sa Hacienda para sakaling maghanap daw siya. Malayo layo nga naman ang byahe para dumayo para doon.

Pagkatapos nilang mamimili ay bumyahe narin sila pabalik.  Malapit na sila sa Hacienda ng maisipan niya itong kausapin tungkol sa bisita.

" Anong pala ang plano mo tungkol sa bisita mo?" hindi maganda ang pakiramdam niya sa babaeng yon.

" Wag mo na siyang alalahanin, mabait naman yong si Ella hayaan mo at pagsasabihan ko na rin." pero sa pinakita nito kanina ay walang bakas na mabait ito.

Kismet (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum