CHAPTER TWENTY

5.8K 90 27
                                    

Maliwanag na ang paligid. Maingay na sa labas. Mag-isa lang ako sa kwarto. Gising na ang diwa ko pero hindi ko pa magawang makabangon. Iniisip ko kung panagip lang ba ulit ang lahat. Pero sa pakiramdam ko, parang totoo.

"Oh gising ka na pala. Bangon ka na bunso, ready na ang pananghalian natin. Maya-maya aalis na din kami ni Lance. Balik na kami ng Cebu," pambungad sa akin ni Ate Brenda.

Tanghali na pala. Napasarap ako sa tulog ko. Sino nga ba naman ang gustong magising kaagad kung napakaganda ng panaginip mo.

Hindi ko muna siya sinagot. Tumango na lang muna ako habang nakahiga. Iniisip ko pa din ang panaginip ko kagabi.

"Nga pala. Kanina pa umalis si Jeff. Hindi ka na daw niya ginising kasi mahimbing tulog mo e. Pero salamat daw sa pagpapatulog mo sa kwarto mo. Sabihin mo sa kanya salamat din sa pag-aalaga kay Lance ah."

"Dito? Dito natulog si Jeff"

"Oo, nakalimutan mo agad? Magkatabi na nga kayo nakalimutan mo pa? Sige baba ka na ah ng makakain na tayo."

Hindi nga panaginip. Dito talaga siya kagabi. Katabi ko siya matulog. Naalala ko na. Lahat ng pinag-usapan namin. Totoo lahat. Pati yung halik. Totoo. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa.

Pagkabangon ko ay napatingin ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang labi ko. Napangiti ako pagkatapos. Ganon pala ang pakiramdam pagkatapos ng unang halik.

Hanggang sa napansin ko ang kalendaryo na nakasabit malapit sa salamin ko. Napatitig naman ako sa sinulat kong note sa kalendaryo.

College Ball - 8:00 PM

Muntik ko ng makalimutan. Sa sobrang saya ng araw ko kahapon, halos mawala na sa isip ko ang Annual College Ball. Buti na lang, bilang Mr. University, sponsored na ng school ang susuotin ko.

Pagkatapos mananghalian ay nagpaalam na din sina Ate Brenda at Lance. Babalik na sila ng Cebu. Gusto ko silang ihatid sa airport pero sabi ni Ate wag na lang daw. Alam din kasi niya na kelangan ko pang maghanda para sa ball. Kaya pagkaalis nila ay pumunta na ako sa isang formal wear shop para ipick-up na yung susuotin ko.

Pag dating ko sa shop ay agad naman akong inasikaso ng mga tao duon. Habang naghihintay na makuha yung damit, nakita ko mula sa salamin ang paglapit ng isang babae.

Mukhang prinsesa si Tricia sa suot niyang puting gown na kumikinang dahil sa makikintab na diyamante sa paligid nito. Kahit nagfifit pa lang naman siya at hindi pa nakaayos ay sobrang ganda na niya kaagad. Lalo na siguro sa gabi ng college ball.

"Hi Carlo! Here to pick up your suit?"

"Hi Tricia. Oo, kakarating ko lang."

"Great. So how do you like my gown? Okay lang ba?"

"More than okay. Para ka ngang prinsesa sa suot mo eh."

"Wow. Thanks for the compliment."

Ilang saglit pa, dumating naman sa shop si Danny. Tila nagulat pa ito ng nakita niya kaming dalawa ni Tricia. Hindi na ako nagtanong pa, pero alam kong andun si Danny para kay Tricia at di niya siguro inasahan na andun din ako. Sinabi na lang din niya na kukunin niya lang din daw yung susuotin niya sa college ball.

Matapos naming makuha at maisukat ang mga damit namin ay sabay-sabay na din kami nina Tricia at Danny na umalis sa shop. Sinundo si Tricia ng driver niya. Si Danny naman, nag-offer na lang na ihatid ako sa bahay gamit ang kotse niya. Balak ko sanang tumanggi dahil alam ko naman na si Tricia dapat ang ihahatid niya pauwi. Pero pumayag na lang din ako.

Habang nasa sasakyan ay napansin ko na text ng text si Danny.

"Mukhang uulan mamaya oh. Nagsisimula ng dumilim ang langit," sabi ko kay Dan.

SomedayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora