CHAPTER THIRTY

4K 76 34
                                    

Heto na naman ako. Tulala. Lito. Madaming iniisip. Madaming gustong sabihin. Madaming gustong itama.

Pero wala na akong lakas pa sa oras na yon. Wala na akong magawa pa kundi ang maupo at magisip. Mag-isip ng mag-isip.

Naging makasarili nga ba ako? Sa lahat nga ba ng nangyayari, sarili ko lang ang mahalaga? Hindi ko man lang ba talaga naisip ang nararamdaman ng iba?

***

"May problema ba tayo Carlo?"

Natigilan ako sa pagbabasa ng matanong iyon sa akin ni Ian habang nasa school lounge kami at nagrereview para sa exam.

"Ian. Nagrereview kasi ako. Pwede wag muna ngayon. Kelangan ko magfocus."

"Sorry."

Hindi ko gustong pagsalitaan siya ng ganon, pero talagang kelangan ko magfocus.

Alam ko naman kung anong pinanggagalingan niya. Sa loob ng isang buwan, ilang beses lang kami nagkasama o nagka-usap. Madalas kasi kaming busy, ako sa studies ko at siya naman sa mga activities niya para sa school newspaper at Photography Club, lalo pa at magkakaroon pa sila ng photo exhibit at siya ang punong-abala. At syempre madalas, kasama ko si Jeffrey. Ilang dahilan na din ang nagawa ko kay Ian para di siya makahalata. Ewan ko ba, hindi ko pa rin magawang sabihin kay Ian na itigil na namin ang relasyon namin. Hindi pa rin ako makahanap ng tamang panahon. At sa totoo lang, nangangamba ako sa magiging epekto nun sa kanya. Ayoko siyang saktan.

At nag-ring na nga ang bell. Magsisimula na ang klase ko.

"Sige Ian, kita na lang tayo maya ah."

"Okay."

"Hay, galit ka ba? Sorry na, hindi ko naman gustong sungitan ka. Kinakabahan kasi ako sa exam ko ngayon. Hindi pa ako sigurado kung..."

"Sshhh.. I'm okay. Don't worry about me. Baka hindi ka pa makapagfocus mamaya niyan eh. Good luck on your exam ah."

At napangiti naman ako. Napakabait talaga ni Ian. Palagi niya na lang ako iniintindi.

Tumayo ako pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you," sabi ko. At siya naman ang napangiti.

"Just don't forget about my exhibit later. You have to be there. 6 PM sharp okay?"

"Ah ngayon na ba yun?"

"Baby?"

"Joke lang. Oo naman, andun ako. Pagkalabas na pagkalabas ko. Promise. Sige alis na ako ah. Bye."

***

"Jeffrey!"

"Hey, bestbro. Uh, tapos na klase mo? How's your exam?"

"Nako, wag mo na itanong. Hmp. So, san ka naman papunta?"

"Ahm, ah, kasi.."

"Ahm, ah, kasi...? Ano nga?"

"Kasi si... si Tricia. Sunduin ko sana sa airport.. Ahm.. She's back from a conference abroad. And she wanted me to pick her up."

Matapos kong marinig ang sinabi ni Jeffrey ay nag-iba kaagad ang nararamdaman ko. Mula sa tuwa dahil sa pagkakita ko sa kanya, naging inis naman.

"Ahh Tricia, Tricia na naman. Okay."

"Bestbro, don't be like that. Please. Sorry, di ko na sinabi sayo. Sunduin ko lang naman talaga saglit. May kelangan lang din daw siya sabihin."

"Sunduin.. Eh bakit ikaw? Kelan ka pa naging personal driver nun? Di ba may driver naman sila. At kung may sasabihin man, bakit di ka na lang tawagan?"

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon