CHAPTER FIVE

6.2K 87 6
                                    

"Ah, sakit ng ulo ko... Asan ako?" sabi ko sa sarili ko nang magising Sabado ng umaga sa kwartong di ko pa naalala kung kanino. "Nga pala, nasa condo ako ni Jeffrey... Teka asan sya?"

Mga 9 ng umaga ako nagising. Inisip ko ang mga nagyari kagabi at natandaan ko na nakaupo ako sa tabi ni Jeffrey habang natutulog siya at hawak ang kanang braso ko. Tapos ilang minuto, tinanggal ko din ito at iniayos ang higa nya, kinumutan sya. Umupo na lang ako sa sahig at natulog habang nakapatong ang dalawang kamay sa kama niya. Nagising na lang ako na nakahiga sa kama ni Jeffrey, at nakakumot pa. Matapos ang ilang minutong pag-iisip, tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Narinig ko na may nagluluto sa kusina kaya dun ako nagpunta. Doon ko nakita si Jeffrey, nakasandong puti at naka-boxers na kulay sky blue. Andun sya at nagluluto ng agahan.

Bago nagsalita, pinagmasdan ko muna ang likod ni Jeffrey habang nakasandal ako sa pinto ng kusina. "Wow naman, may talent ka din pala sa pagluluto" ang pabiro kong bungad sa kanya habang papalapit ako sa kusina.

"Oh good, you're awake. Good morning din .." ang pabiro din naman niyang sagot. "Kain ka na dito, I cooked breakfast for us." Ewan ko pero kinilig ako nung sinabi nya yun.

Kumain kami ng sabay, casual na nagkwentuhan ng kung anong nangyari kagabi dun sa bar, at nagtawanan dahil sa pagkalasing niya. Ikinuwento ko ang lahat, maliban na lang dun sa part na natutulog siya, naguguluhan ako, at hawak-hawak niya ang braso ko.

"Shit, I did that? Stupid me" sabi nya sabay kamot sa ulo.

"Hindi naman masyado.." pabiro ko namang tugon.

"Kakahiya naman sa'yo, pinunasan mo pa ako."

Ngumiti lang ako't hindi nagsalita. Baka kasi masabi ko pa bigla na na-enjoy ko din yong ginawa ko.

Matapos naming makapag-agahan, sinubukan kong magpaaalam kay Jeffrey. Kailangan ko na kasing umuwi at maghanda dahil may General Assembly ang department namin sa school ng 3PM. Pero di siya pumayag na umalis ako.

"Dito ka na lang muna, dito ka na rin maligo, I'll lend you my clothes." pilit nya sa akin.

"Ah, kahiya naman. Wag na uwi na lang ako.." sagot ko naman sa kanya.

"Sige na.. Sabay ka na din lang saken, I'll be going to school din eh."

Hindi ko alam kung bakit, pero madali niya akong napapayag. Bukod sa tipid pamasahe, talagang ayaw ko pang iwan siya. Kaya yon, hindi na din ako umalis at naupo muna kami sa sofa, nanood muna ng TV, tapos nagkwentuhan pa.

Maya-maya pa..

"11 pa naman eh, let's go out muna bago ka pumunta sa school..." pakiusap niya sa akin.

"Oh san naman tayo pupunta?" tanong ko naman.

"Anywhere, sayang naman ang oras kung dito lang tayo at nanonood ng TV." Tapos bigla siyang tumayo. "Oh ako muna liligo ha, then you'll follow okay?"

"Okay.." maikli ko namang sagot sa kanya. Dumeretso na siya sa banyo sa loob ng kwarto niya para maligo. At makalipas ang ilang minuto, narinig ko siyang tinatawag ako.

"Carlo... Carlo.." sigaw niya sa akin mula sa banyo nya.

"Oh bakit?" sigaw ko din naman habang papunta ako sa kwarto niya.

"Favor bro, I ran out of shampoo. Pakikuha mo nman ako ng shampoo sa kitchen. It's in the cabinet beside the ref. Okay lang?"

"Sure, ano pang magagawa ko.."

"Haha.. Thanks!"

Punung-puno ng mga supplies ang cabinet na sinabi ni Jeffrey. Shampoo, sabon, toothpaste at kung anu-ano pa. Puro imported, halatang padala sa kanya galing sa Amerika. Marami ding brands ng shampoo sa cabinet, kaya natagalan din ako sa pagpili. Pero matapos kong pagmasdan ang mga yon, kinuha ko na ang isang boteng shampoo.

SomedayWhere stories live. Discover now