CHAPTER SEVEN

5.3K 76 8
                                    

"Jeffrey and Patricia, the perfect couple"

Wala akong naiisip kundi ang dalawang yon habang nasa assembly. Iniisip ko kung nasan na sila nung oras na yon, kung anong ginagawa nila, kung masaya sila.

"Haaay.."

Kung sinu-sino na yung nagbigay ng talk, meron ding mga estudyante na kumanta at sumayaw. Mukhang masaya naman sila. Pero ako, tahimik lang. Hanggang dumating na ang oras para iannounce ang magiging Mr. and Ms. Accountancy. Sa department kasi namin, inaappoint na lang ng mga professors at officers ang magiging ambassadors ng department. Yung last year's winners ay mga seniors, kaya inexpect ko na na ganon din ang result ngayon.

"Our Ms. Accountancy this year is... Ms. Angelica Reyes." Sabi ko na, sa seniors pa din manggaling yung winners. Maganda naman siya, mestisa, sexy, at mukhang pinaghandaan ang araw na to dahil sa ayos nya. Habang umaakyat siya ng stage ay parang hindi siya makapaniwala. Pero alam naman namin na expected nya na yon.

"And our Mr. Accountancy is..."

Napatingin naman ako sa Department Head namin habang inaannounce ang mga winners.

"John Carlo Mendez!"

"Huy ikaw yun, naks naman!" sabi sakin ng katabi ko. "Kaya pala todo porma ka today"

Hindi ako makapagreact sa sobrang gulat ko. First time ko naman kasing mapili sa ganon. Kahit nung high school at elementary, di naman ako napipili kahit escort man lang.

"Mr. Mendez can you please join Ms. Reyes here?"

Lahat ng mata nakatingin sakin. Nagpapalakpakan sila habang papaakyat ako ng stage. May sash pa na isinabit samin. Hindi ako makapaniwala. Parang kanina, excited lang ako makita ng tao ang bagong look ko. Gusto ko lang mapahanga sila, pero eto, may kasama pang pagkilala. Salamat talaga kay Jeffrey.

Si Jeffrey... naisip ko na naman siya. Sana andun siya at nakikita ako at pinapalakpakan din. Pero kasama niya si Tricia. Masaya sila.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na assembly ay nagsi-uwian na ang karamihan. Madaming nag-congratulate sakin. May ilang nagpakuha pa ng picture kasama ako. Ang mga kaklase ko tuwang-tuwa sakin. Feeling ko sikat na ako.

Sama-sama kami ng mga kaklase ko na kumaen pagkatapos ng assembly. Konting kwentuhan at tawanan din. May nagbanggit pa na ang ganda ng naidulot ng pagiging magkaibigan namin ni Jeffrey. Sabi pa nila na ipakilala naman sila sa kanya. Napangiti na lang ako. Pero nang mabanggit ng isa kong kaklase si Tricia, parang nawala ang saya ko.

"Bagay na bagay talaga sila ni Tricia. I'm sure sila na magkakatuluyan. Perfect couple talaga."

Perfect couple. At nalungkot naman ako. Hindi ko talaga mapigilan yon pag naaalala ko ang ginawang paghalik at pagyakap ni Tricia kay Jeffrey kanina. Alam ko naman na sila matagal na, pero nasasaktan pa din ako.

Mga 7PM ay nagsiuwian na din kami ng mga kaklase ko. Sumakay lang ako ng jeep pauwi ng bahay.

Habang nagbibihis ako sa kuwarto, naalala ko na kay Jeffrey nga pala yung damit na suot ko, at yung mga damit ko kagabi ay na kay Jeffrey pa. Hindi siya nagtetext sakin simula pa kanina. Malamang magkasama pa din sila ni Tricia hanggang sa oras na yon. Sa pag-iisip pa lang na masaya silang magka-date ay parang bumigat ang pakiramdam ko.

"Wag mo na nga silang isipin Carlo" sabi ko sarili. Pagkasabi nito ay agad ko namang nakita ang bago kong pabango. Nagspray ako ulit. Para na ring andito si Jeffrey dahil sa bangong naaamoy ko. At yon, mas lalo siyang di naalis sa isip ko. Ang gulo ko lang.

Habang nakahiga sa kama ay narinig kong may kumakatok sa pinto. Dali-dali naman akong bumangon. At nang buksan ko nga ang pinto...

"Congrats Mr. Accountancy!"

"Jeffrey. Anong ginagawa mo dito? Asan si-" di ko mabanggit ang pangalan ng girlfriend nya.

"I have something for you. Pwede pumasok?"

At napansin ko nga na ang daming pinamili ni Jeffrey. Umupo kami sa sofa at doon isa-isa nyang ibinigay sakin ang mga binili nya. Iba't ibang paper bags at kahon galing sa iba't ibang kilala at mamahaling brands. Guess, Top Man, Aldo, Lacoste, Mossimo at kung anu-ano pa.

"These are all for you. Last installment for the extreme makeover Carlo edition."

"Huh? Ang dami nito Jeffrey. Anong ipambabayad ko dito?"

"Ahh, kiss..."

Napangiti ako at kinilig. Kung alam lang nya.

"Sira" tugon ko naman. " Ang dami talaga nito Jeffrey, hindi ko matatanggap"

"Ano ka ba I insist. Kami ni Tricia lahat pumili nyan."

"Ahh.. salamat." Di ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Bonding moment pala nila kanina ang pagbili ng mga gamit para sakin. Ang bait talaga nilang dalawa. Perfect couple.

"So what are you waiting for? Fit mo na to lahat." excited nyang sabi sakin.

"Opo sir eto na" tugon ko naman habang nakangiti.

Isa-isa kong sinukat lahat ng binili ni Jeffrey. Damit, shorts, pantalon, sapatos, kahit underwear, lahat bago. Hindi pa naman Pasko, pero ang dami kong regalo. Kawawa naman yung mga luma kong damit, mukhang di ko na muna sila masusuot.

"Good thing lahat bagay sayo. Mission accomplished!" Kita ko ang pagkatuwa ni Jeffrey sakin habang isa-isa kong pinapakita lahat ng binili nya. Sobrang pasasalamat ko talaga at naging kaibigan ko ang ang mokong na yon.

"So pano i'll go ahead na." pagpapaalam ni Jeffrey sabay tayo. At nagulat ako ng unti-unti syang lumapit sakin. Sobrang lapit nya, nagkadikit ang mga katawan namin.

Niyakap ako ni Jeffrey.

Hindi ako makagalaw habang yakap nya ako. Ang bango nya. Ang init sa pakiranmdam. Napapikit na lang ako.

"Sana nakabawi na ako talaga sayo."

"Oo naman" mahina kong tugon sa kanya

Ang sweet lang ni Jeffrey sakin. Ramdam ko ang pag-aalaga nya. Sobrang saya ko dahil sa kanya. Sa oras na yon, nasigurado ko ang isang bagay, mahal ko si Jeffrey...

Ilang saglit pa, bumitaw na din siya sa pagkakayakap sakin at nagpaalam. Gusto ko pa sanang magtagal.

Pagkaalis ni Jeffrey ay nahiga na ako ulit. Para akong lumulutang sa kama habang nakahiga. Hindi ko pa din maialis sa isip ko ang pagyakap ni Jeffrey. Hindi ko din maalis ang ngiti ko habang inaakap ko naman ang unan.

Mula sa kama ay nakikita ko pa din ang lahat ng mga bago kong gamit. Nakita ko din ang sash ko bilang Mr. Accountancy. Pakiramdam ko, yung lahat ng pagseselos ko kanina, napalitan ng tuwa at mas matindi pang paghanga kay Jeffrey. Mahal ko na si Jeffrey.

Nakatulog din ako sa pag-iisip sa kanya.

Kinabukasan ng umaga, nagising na lang ako sa malakas na katok sa pinto ng bahay. Mabilis naman akong nag-ayos muna ng sarili, naghilamos, at nagmouthwash, nakakahiya naman kasi sa kanya. Dali-dali din naman akong nagpunta sa pinto para buksan ito. Excited akong sabihan ng 'good morning' si Jeffrey at baka sakaling yakapin nya ulit ako. Well, wish ko lang naman.

At nagulat ako.

"Kamusta naman Mendez! Kaloka ka!" sigaw ng babaeng matagal ko ng hindi nakita.

"A hug is like a boomerang, you get it back right away." - Bill Keane

SomedayWhere stories live. Discover now